Chapter III

11 1 0
                                    


"Teka si kuya Nikkolo to ate" sabi nya

"Kilala mo? Taga saan sya?" Tanong ko

"Why are you asking ate?" Tanong nya pabalik

"Wala lang bawal na ba ang mag tanong? Nagtatanong lang eh" naka pout kung sabi

"You look gross when you pout ate, okay remember that i said before? Yung kaibigan ko kapitbahay lang nila si kuya nikkolo" sabi nya

"Oh, okay sige you can go out now in my room kasi may gagawin pa ako thanks." Nakangiti kung sabi

"Angdaya mo ate, sasabihin ko kay kuya nikkolo na crush mo sya" sabi nya sabay labas sa kwarto ko

Tinakot pa ako crush my ass ang pangit nya kaya.

Pangit pala ha! Kaya ba tinitingnan mo ngayon ang litrato nya dahil pangit?

Whatever! Sasusunod kung punta sa dalampasigan magpapapicture ako ni Ziek para may remembrance ako sa lugar dito kahit boring. Maganda naman ang view.

Pagbaba ko naabotan ko si Ziek na may kausap na lalaki sa labas diko kita ang mukha. Kaya lumabas ako para makita yong kausap nya.

"Ikaw?" Tanong ko

"Bakit?" Kunot noong tanong nya.

"Bakit ka nandito sa bahay namin at bakit mo kausap ang kapatid ko? Ini-stalk mo ako no?! Stalker kang lalaki ka" sigaw ko.

"Ate ano kaba stalker ka dyan feeling ka ate, siya si kuya nikkolo may picture kapa nya eh" pakilala nang kapatid ko kay nikk.

Bwesit na bata akala ko ba "i can keep a secret ate" pero ano laglagan?! Tumingin ako kay nikk tinaasan nya ako nang kanyang kilay. Tumikhim muna ako parang nanunuyo ata lalamunan ko ah.

"Picture ka dyan hindi sya yon oy! Akala mo lang yon!" Pagdedeny ko sa sinabi nang kapatid ko.

"Pahiram nga nang camera mo tatanongin ko si kuya nikkolo kung hindi ba sya yon?!" Magaling na bata.

Pinagdilatan ko sya nang mata ko para sabihing tumahika naiinis na ako sa batang ito ha.

"Lowbat, deathbat, walang ano basta nawawala yong charger kaya di pwede hiramin" palusot ko. Bwesit napaka kwentang dahilan talaga Zeira! Ughh.

"Makaalis na nga, pero tika pupunta tayo nang dalampasigan bukas ha samahan mo ako, at bawal tumangi okay?!" Sabi ko sa kapatid ko at tumingin ako sa banda ni nikk at inirapan sya bago ako umalis.

Bato-Bato Pick ( Slow Update )Where stories live. Discover now