Chapter 18

4 1 0
                                    


Zeira POV

Ilang linggo na ang lumipas pero pakiramdam ko parang kahapon lang hayss....

"Ate, pasok ako ha."

"Whatever. " sagot ko nalang.

"Ate, si kuya Nikkolo pala lage ka nyang hinahanap akala pa nga nya na umalis kana at bumalik ka sa Maynila." Umupo sya sa kama ko pagkatapos nya yun sabihin.

Napabuntong hininga nalang ako. Na gui-guilty kasi ako e. Sasusunod hindi nalang personal ang mga Tanong ko. Feeling ko kasi bumalik ang mga masasakit na Alaala nya sa kahapon nya.

"Bakit ba kasi hindi ka lumalabas? Galit ka ba sa kanya?" Inosenteng Tanong nang kapatid ko sakin.

Umiling lang ako bilang sagot. Saka ako humiga at tinitigan ang kesame ko sa kwarto.

"May problema kaba ate?" Tanong nya ulit.

Hindi parin ako nag-salita. Umiling ulit ako bilang sagot ko sa kanya.

"Hays.. sige na nga aalis na ako. Doon na ako sa kwarto good night, ate." Saka sya lumabas sa kwarto ko.

Hay....bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko ang oa. Makatulog na nga lang. Bukas ko nalang sya kakausapin saka hihingi narin ako nang tawad.

Kinabukas maaga akung nagising. I do my morning routine. Saka na ako lumabas nang kwarto.

"Ate, aalis ka?" Biglang sulpot ni Ziek sa harap ko.

I rolled my eyes on him. Ang aga-aga. Hindi ko nalang sya sinagot saka ako umalis nang bahay.

Hindi naman talaga maagang maaga. Pero para sakin kasi early morning pa itong time para sakin. 10 am.

Pagkalabas ko nang bahay dumiretso na kaagad ako sa bahay ni Nikk. Pagkarating doon nakita ko kaagad sya nasa labas naka upo. Lumapit na ako sa kanya saka ko sya ni-ngiti-an nong tumingin sya sakin.

"Hi. Pasenya na kung ngayon lang ako nakapunta ulit. Busy kasi lately.." tahimik lang sya saka sya tumango.

Bigla sya tumayo saka naglakad patungo sakin ay- hindi pala nilampasan nya pala ako.

"Hindi kaba susunod?" Biglang tanong nya.

"Ha?" Susunod saan?

"Hayss... halika na." Kahit hindi ko sya naintindihan sumunod nalang ako.

Akala ko pa naman kung saan dito lang pala sa usual spot.(under the coconut tree) tahimik lang sya sa tabi ko nakatingin sya sa malawak na dagat.

Tumikhim ako para kasing nanunuyo ang lalamunan ko.

"Ahmm... sorry pala ha. Ang insensitive  ko noon." Nakayuko kung sabi sa kanya.

"Kaya kaba hindi nagpapakita sakin dahil doon?" Tanong nya.

Inangat ko ang tingin ko sakanya pero kagaya kanina nakatingin parin sya sa dagat.

"Na g-guilty kasi ako. Sorry. Ahm, ano taposin nalang natin ang laro? Baka ano kasi---"

"Okay lang. Tuloy parin ang laro natin.  Wala lang naman yon, e. Diba sabi ko sayo non na depende diba? Wala lang naman yun sakin ang tanong mo kaya wag kang ma guilty. Hindi mo naman akong pinilit na sagutin kaya okay lang sakin yun." Sabi nya.

"Ahh.. okay so ano laro na tayo? Saka malapit na ang end vacation namin dito babalik na kami sa maynila next month kaya ano game kana?" I plastered a fake    smile to make a light in this conversation.

Para kasing naiilang ako ngayon sa kanya. Ano kaba Zeira?! Si Nikk lang yan. Kaya ikalma mo lng ang sarili mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bato-Bato Pick ( Slow Update )Where stories live. Discover now