ONE

649 18 0
                                    

"It all happened so quickly."

Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Fibby. Saka ko naman inayos ang buhok kong kumakalat sa aking mukha dahil sa malakas na hangin dito sa labas.

Napakrus ako ng kamay saka nilibot ang paningin. "Maganda naman dito, malamig, sobrang tahimik at nakakapanibago." Bumuntong-hininga ako.

"Do you have any plans to study?" Huminga ako ng malalim dahil sa tinanong niya.

"Oo naman, ang totoo niyan. I've been losing my appetite since we lost business, 'yon na lang ang meron kami."

My mama is a bartender. She has a waiter, si ate Wayne. They were the only two there so mama only paid one. Malaking pera din ang nakukuha niya so I had a chance to study at a famous school.

Pero no'ng nakaraan nasunog ang cafe namin. Fortunately, the cafe is still close so no one was hurt. I smelled gasoline when I was in there. Definitely, someone behind the incident and mama just decided that we would migrate here to the province because we could not afford my school. At nakakastress 'yon

"Sus, makakabawi rin kayo ng mama mo."

"Sana nga."

"Sige na ibababa ko na 'to, tatawagan na lang kita ulit, papasok na akong school."

"Alright, see you soon. Mag-iingat ka diyan."

"See you Jace. Mag-iingat ka rin." Saka naman namatay ang linya. Saglit ko pang iginala ang paningin ko. Tiningnan ko pa ang malaking bahay na nakatayo malapit sa amin. Para bang may nakatingin sa akin.

Napailing na lang ako saka ako bumalik sa loob ng bahay. Nakita ko si mama na nanonood ng tv. Nilingon niya ako.

"Tapos na?"

"Yeah."

"Kukunin ko muna jacket ko, ikaw na bahalang mag-patay ng tv." Tumango ako. Umupo ako saka pinanood ang morning show. Pero napangiwi na lang ako nang bigla na lang nag-breaking news kaya pinatay ko na lang.

Sakto namang bumaba na si mama mula sa kwarto niya.

"Tara." Tumango ako saka sumunod sa kaniya papuntang garahe.

Tiningnan ni mama ang gulong at napamura na lang siya nang makitang na-flat 'yon. "Kailangan pa natin ng tyler na mag-aayos sa sasakyan." Sabi niya

"Ito na lang ang gagamitin natin." She pointed to another car of ours, it had been waiting in our garage for a long time kaya naman nagkaroon na ng mga alikabok. Dad still owned this car when he was still alive and since he died, we went to Manila to start again.

"We still have stock of fuel, we just need to clean up." Binigyan niya ako ng isang basahan.

"Mamaya na lang natin 'to lilinisan ng maayos, sira ang gripo at tubo natin walang tubig."

Sinimulan ko nang linisan ang bintana, sa kabila naman si mama. Nang matapos ay nagsimula na si mama sa pag-paandar ng makina at buti na lang ay ayos lang 'yon. Umupo ako sa back seat at pati ang upuan na ito ay nakakapanibago. Kaya bigla ko tuloy na-miss si papa. He is used to drive us kapag may bonding kami.

cold and shiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon