CHAPTER 23: LONDON
"Nay..."she managed to mumble as her tears started falling.
"Ssssh, tumahan ka, anak..."tanging nasabi ni Nanay Jina habang yakap-yakap si Feb.
Ilang minuto pa ay tumayo si Feb at agad na pumunta sa sala kung nasaan ngayon ay kanyang ama at mga magulang ni Andro. Naroon na rin si Andro na agad siyang nilapitan.
"Walang kasalan na magaganap! Hindi ako makapapayag na ikakasal ang anak kong dalaga sa isang lalakeng ikinasal na noon!"marahas nitong pahayag.
"Pero Dad! Mahal ko po si Andro! At hindi ako papayag na hahadlangan niyo kami!"sagot ni Feb na determinadong ipaglaban ang lalakeng mahal niya.
"Ako pa rin ang ama mo, February. At ako ang masusunod."
Buhos lalo ang luha ni Feb. Sobrang nasasaktan ang puso niya na marinig iyon mula sa taong inakala niyang susuportahan siya sa gusto niya.
"Ama? Kelan ka ba naging ama sa akin, Dad? Kelan sa loob ng 23 year na nandito ako sa mundong 'to?"buong tapang na saad ni Feb, si Andro ay gusto siyang pigilan ngunit hindi siya papayag na hindi mailabas ang nasa puso niya, "Yes, you and Mom provided me everything that I need... but you were never a father to me, Dad. Mas naramdaman ko pa ngang magulang ko sila Tita Lea at Tito Carlito kesa sa inyo ni Mom. You never really cared for as your daughter... for you, I'm just someone who needs your financial support to live..."
"Wala kang utang na loob! Anong karapatan mong sabihin 'yan sa akin?!"akmang sasampalin siya nito ng harangin iyon ni Carlito.
"Aga, calm down."
"Wala kang karapatang utusan ako, Carlito. Umalis na kayo sa pamamahay ko!"sigaw nito at muling bumaling kay Feb, "At ikaw, sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo."
Napaawang ang labi ni Feb at hindi malaman ang dapat sabihin. Nanghihina siyang napakapit kay Andro na kagay niya ay hindi rin makapaniwala sa narinig.
"Aga naman! 'Wag mong gawin ito sa anak mo..."pagsusumamo ni Lea.
Umismid ito, "Mas gusto kong kamuhian ako ng anak ko kesa makasal siya sa anak niyo na baka siya pa ang maging sanhi ng pagkamatay niya kagaya ng naunang asawa nito, hindi ba?"
"Ayoko! Hindi ako susunod sa gusto mo, Dad."sigaw ni Feb saka tumakbo at nagkulong sa kanyang kwarto.
Walang humpay sa pagbuhos ang luha ni Feb. Sobrang sakit ng puso niya. Para itong unti-unting natutunaw at sobrang sakit.
Ang mga Arguelles naman ay nanatili doon kahit pinapaalis na sila ni Aga. Hindi sila makapapayag na sa ganoon matatapos ang lahat kay Andro at Feb.
"Andro anak, dalhan mo muna ng makakain si Feb, siguradong gutom na 'yon."ani Lea sabay tapik sa balikat nito.
"Mom... d-did I really k-kill her?"halos mapaos niyang saad.
Agad siyang niyakap ni Lea, "Sssh, don't say that, Andro. Wala kang kasalanan sa nangyari, okay? That's all an accident."
"Pero tama si Tita Les... if only I was able to fetch Martina that day... if only I chose her over work... then she's probably here with us right now..."
Marahang hinagod ni Lea ang likod ng anak. For the past 4 years, she saw what happened to her son after that incident... and that's the worst part of being a mother... by not being able to do anything for your son... Sobrang sakit sa kanya noon na makitang halos ayaw ng mabuhay ni Andro, kaya ganoon na lang siya kasaya noong dumating si Feb sa buhay nito.
"Ssssh... it's not your fault, okay?"anito saka itinaas ang muka ng anak, umiiyak ito at nadudurog ang puso niya na muling makita ito, pinahid niya ang mga luhang bumabagsak pero hindi ito tumitigil, "You have to be strong, Andro. Feb needs you and you have to stay strong, fight for her because I know that's what Martina wants you to do. You love Martina and for sure she knows that, but you love Feb more than anything now... and you have to fight no matter what, okay? Your Dad and I, will always be here for you, anak."
BINABASA MO ANG
Adventures of Two Lonely Hearts [COMPLETED]
RomanceThis is a story of two lonely hearts, whose fate is to meet each other's lonely hearts. Andro & Feb *** vastphantasm2019