"Ano ba naman yan, Tacia. Bente-sais anyos ka na pero kailangan mo pa rin magpaalam sa mudrakels mo para payagan kang gumala?! Ano ka, teenager?", pagrereklamo ni Samantha sa kaibigang si Annastacia habang nililigpit ang mga gamit sa table nito."Bakla! Alam mo naman nanay ko. Super strict! Pupunta nga lang ako sa kapitbahay tinatanong pa kung anong mga gagawin ko dun!", depensa naman ni Annastacia habang nililigpit din ang mga gamit niya.
"So, kapag di pumayag si mudrakels mo di ka na sasama ganern?".
"Parang ganon na nga!", nakasimangot na tugon ni Annastacia.
"Nakakaloka ka, bakla!".
Ala-sais na ng hapon at thirty minutes nalang ay tapos na ang shift nila ngayong araw. At dahil day-off nila bukas, nagkayayaan ang buong Team nina Annastacia na mag-bar hopping pagkaout nila.
Nagtatrabaho bilang Senior Technical Support si Annastacia sa isang Call Center Company. Ang trabaho niya ay magbigay ng solusyon sa mga customer na may problema sa connection ng internet at postpaid services ng mga ito. Siya rin ang tagasalo ng tawag ng mga customers na may sira sa pag-iisip na palaging sa kanila ibinubunton ang sisi kapag nagkaaproblema sa connection ng mga ito at humihingi ng supervisor o manager.
Sa limang taon niyang pagtatrabaho dito ay halos puro mura ang kinakain niya sa araw-araw galing sa mga abnormal na caller. Maswerte na nga lamang kung may matyempuhan kang mabait at maunawain sa customer na kayang intindihin ang sitwasyon.
"Hello? Ma? Oh, si Tacia 'to!", aniya sa telepono. "Gagabihin ako ng uwi, Ma! Wag niyo na ko intayin. Opo, may dala akong susi. Opo, may OT ako, Ma!", pagsisinungaling niya sa ina. Napatawa naman si Samantha sa narinig. Sinenyasan naman niya ito na wag maingay. "Opo. Kina Sam ako uuwi kapag wala na kong masakyan. Opo. Sige po. Bye.", nang matapos ang tawag ay agad niyang kinuha sa bag ang make-up kit at nagsimula ng magretouch.
"Iba ka, bakla! OT-OT ka pang nalalaman jan ah!", natatawang pang-aasar ni Samantha.
"Kapag sinabi kong magbabar tayo, di ako papayagan nun! Uuwi nalang ako ng maaga. Pero kapag napasarap, edi sa inyo ako matutulog.", aniya habang naglalagay ng mascara.
"Good idea. Alam mo namang ayoko umalis ng di ka kasama. Ayoko makipagplastikan sa mga tupperware jan sa tabi-tabi.", ani Sam na ang tinutukoy ay ang mga kateam nilang babae. Hindi kasi niya makasundo ang ilan sa mga ito.
Pagkatapos magretouch ay dumiretso na sila sa cubicle ng kanilang Team Leader. Kasama kasi nila ito at ito ang sasagot sa iinumin nila ngayong gabi.
"TL, tara na! Party-ng party na kami oh!", ani Sam na nakahilig sa may cubicle ng TL nila.
"Saglit nalang, isesend ko lang 'tong report. Asan na yung iba?", tanong nito habang tutok pa rin sa harap ng computer.
"Nasa locker na. Naghihintay na satin.", sagot ni Annastacia.
"Aba! Himala at kasama ka!", manghang sabi ng TL nila. Madalas kasi ay hindi siya kasama sa mga lakad ng Team nila lalo na kapag gabi dahil hindi siya pinapayagan ng Mama niya.
"TL, OT yan! Hahahaha!", natatawang sabi ni Sam.
"Nako ha! Baka ginamit niyo na naman ang pangalan ko. Sasabunutan ko kayong dalawa."
Nang matapos sa ginagawa ang TL nila ay mabilis silang sumakay ng elevator. Pagdating nila sa lobby ng building ay naghihintay na sa kanila ang ilan sa mga kateam nila.
"Asan yung iba?", tanong ng TL nila.
"Pass muna daw, Boss!", sagot ng isa sa kateam nila.
Nasa labing-dalawa silang lahat na magkakasama. Dahil nasa City sila ang walking distance lang ang mga bar, kaya naman naglakad na lamang sila. Para silang mga baliw na nakawala sa mental dahil sa lakas ng tawanan nila habang naglalakad.

YOU ARE READING
Lord, pahinging jowa!!!
RomanceTangina! 'Yung tipong bente-sais anyos ka na pero never ka pang nagka-jowa!? 'Yung tipong hanggang fling lang. Hanggang M.U lang. Hanggang text at chat lang. Yung di mo manlang naexperience yung may ka-holding hands while walking na may pa-sway, swa...