Jealous

7.3K 120 2
                                    

Nasa BEG na kami ngayon ng buong team. Nagkaroon lang konting introduction hanggang inannounce na ni coach na mag start ng mag warm up.

" So team be good to Baldo ha, now give me 50 suicides now."

Nag yes coach lang kami tapos nagstart na.

Push ups. Seat ups. Jog. Ang then all set na for a practice match

Nahati na yung teams. Sa first team ang seniors tapos second team yung mga rookies at doon ako kasama.

Nagstart na ang game ang gagaling nila. Yung jump serve ni Ate Dzi, yung running quick ni Greta saka yung mga spike ni Fille. Grabe saka yung mga plays ni Ate Jem wala pro na pro yung dating. Pati si Den iba talaga kahit zng layo na nahahabol pa niya yung bola. Saka ang hoot niya pa rin,with all the sweat. Nakakagigil :)

Syempre di naman ako nagpahuli nagpaulan din ako ng mga spikes ko. So ayun natapos ang training at nanalo ang rookies. Yehey

Nagpahinga na muna kami bago magshower. Nakakatuwa sila besh ella, mae and amy ayun nagpapaluan ng bote ng gatorade paano ba naman nagaagawan nanaman sa sandwich. Hahaha parang mga bata talaga

Habang kami ni Den, eto pinupunasan niya yung pawis ko. Tapos ako nagbukas ng bittkes water para sa kanya. Sobrang pagod ata namin di na lang kami nagusap pero don't get us wrong. The silence is quite comfortable.

FF

Nang matapos na kami magayos ng sarili naka shower na sabay sabay na kaming naglakad holding hands pa kani ni Den.

Biglang napansin ko na may nakatayong lalaki sa pinto ng gym. Sobrang gulat not someone that I expect.

Napatili ako tapos tumakbo sa kany

"Nikoooooo" sabay lambitin sa kanya. Sobranv tuwa ko :D

"Hey easy there girl. Hahaha" pero kinarga niya pa rin ako tapos niyakap na din siyan ng mahigpit

Meron naman kaming narinig tumikhim. Kaya bumaba na ako sa kanya pagtingin ko ay yung mga teammates ko na nakataas pa ang kilay.

"Guys si Niko nga pala friend ko from Cali :)"

"Hi girls, magbbreakfast kami. Do you want to join" talaga to di pa nga alam kung papayag ako nagaya na ng iba pero di ko na lang sinita

"Magbbreakfast kayo? No kayo na lang" Den

"Yup. Ayaw biyo sumama? Okay we'll go ahead" sabi ko at kiniss na lang sa cheeks si den ng mabilis

Tapos kumapit na ako sa braso ni Niko at umalis na kami

Den

Naaasar ako plano ko pa naman ayain magbreakfast si aly tapos biglang may dadating na asungot. Basag trip lang. Sibo kaya yun bat sobrang close nila? Aaminin ko nagseselos ako lalo na nung lumambitin pa sa kanya si alyssa

Hindi ako mapalagay kaya tinawag ko si ella at fille

"Girls samahan niyo naman ako. Ililibre ko kayo ng breakfast"

"Sige besh. Drive thru tayo sa Mcdo" tapos ngiting ngiti sila ni Fille. PGness overload

Andito kami ngayon sa tapat ng isang cafe. Nabili ko na sila ng breakfast

"Ang dami mo pang boladas e iistalk lang naman pala ntin si Ly. Hahaha" sabi ni fille na kumakain.

Ayun nabilaukan. Haha todo himas naman sa likod si ella

"Besh bat ba kasi natin sinundan sila?" Di ko nalang siya pinansin. Di na din siya nagtanong

Maya maya nakita kong malapit na silang magkiss, parang masayang masaya pa ang bruha oh.

Pero bago ko makita may nagtakip ng mata ko

"Don't look at the things you know that will hurt you" fille

Tinanggal ko naman yung takip sa mata ko pagkita ko magkahiwalay na ang mukha ni Aky at nung asungot pero still invading each other's personal zone

Tangka namang yayakapin nung Niko sila aly. Pero bago ko makita may nagtakip ulit sa mata ko.

"Wag mong pahirapan at xaktan ang sarili mo sa pagtingin sa kanila" ella

Wala na doon na bumagsak ang luha ko. Iyak ako ng iyak. Bumaluktot na ako dahil sa sobrang selos na nararamdaman ko kaya naman tinulungan nila ako lumipat sa backseat para si Fille ang magdrive sa amin palayo sa lugar yun. Habang si ells ay yakap yakap ako. Comforting me with sweet words. Ngayon lang ako nagselos ng ganito. I've never been jealous, ngayon lang. :(

Pumasok si aly sa room namin bago pa siya makapaspk pinagbabato ko sa kany yung mga unan, kumot pati yibg stuff toy na binigay ko sa kanya.

Ang magandang mood niya naman ay napalitan ng pagtingin sa akin ng masama dahil sa ginawa ko.

"Ano bang problema mo ha Dennise, bat nambabato ka? Ginugulo mo labg yung kwarto!"

Tapos pinulot niya pa ying mga kalat

"At ako pa talaga tinatanong mo?! E ikaw nga yang tuwang tuwa humalik doon sa Niko mo!"

"Hoy kaibigan ko yun! At akala ko ba okay lang sayo naa lumabas kami?!" Galit na siya. Pero kung galit siya mas galit ako. Grrr

"Hoy ka din Alyssa hindi ako pumayag! Ikaw yung basta basta na lang sumasama kung kanikanino!" Galit na sabi ko

"Aba di ko kailangan magpaalam sayo kung sasama ajo sa kaibigan ko! Alam mo walang patutunguhan to. Bahala ka sa buhay mo!" Sabay walk out

Siya pa talaga galit, ako kaya ang nagseselos dito!

"Bahala ka din sa buhay mo!" Sigaw ko kahit naman nakalabas na siya ng kwarto.

Tapos umiyak na lang ulit ako ng umiyak T_____T

---

A/N: First away po nila ito. Salamat sa mga nagbabasa. Sorry for ttypo errors :) Nagloloko yung watty kagabi akala ko napublish na to di pa pala. Kaya sorry nalate

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon