Chapter 33

7.8K 231 14
                                    

4 years later...

Jacel
Apat na taon na ang nakararaan, Apat na taon na din akong umaasa na isang araw ay babalikan niya kami ng mga anak niya...

Iniwan niya sa amin lahat ng yaman na mayroon siya pero hindi yon sapat para tugunan ang pangungulila ng mga anak ko sa ama, Ibinigay ko lahat ng bagay na makakapagpasaya sa mga anak ko at pagmamahal na walang katumbas

Nang sa ganoon ay mabawasan ang kanilang lungkot sa pagkawala ng kanilang ama...

"Mama!!" Umiiyak na tumatakbo sa direksyon ko ang isa sa aking kambal na si Anastasia "Oh! bakit umiiyak ang prinsesa ko?" Nagaalalang tanong ko dito sabay pahid ng luha niya "Si kuya Andrew niaaway ako" umiiyak na sambit parin niya

"Shhh... wag ka nang umiyak ha? Pagsasabihan ni Mama si Kuya Andrew mo" mahinahon kong sabi sakanya, 3 years old na ang kambal si Andrew at si Anastasia

Mas nauna lang ng ilang minuto si Andrew kay Anastasia ng ipinanganak ko sila, Nakayanan ko naman mag-isa ang pagpapalaki sa kanila mabuti na nga lang at nandyan ang mga magulang ni Art para gabayan ako

Madalas ay dinadalaw nila kami dahil gusto ni Mama siya ang nag-aalaga sa mga apo niya habang ako ay nagtatrabaho at kasalukuyan kong tinutulungan ang ama ni Art sa pagpapatakbo ng negosyo nila

Pumasok na ko sa playroom nila habang buhat ko ang aking bunso na nakasiksik sa aking leeg ngayon, naabutan kong naglalaro ng kotse ang aking nagiisang lalaki at gamit din niya ang laruan ng kanyang kambal na bahay-bahayan

"Andrew baby, bakit pinaiyak mo na naman ang kakambal mo?" Tanong ko sa kanya kaya napaangat naman ang ulo niya "Eh kase mama nihihiram ko yang naman yung laruan niya eh ayaw ako paheyamin" bulol na sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako

Tinignan ko naman itong buhat ko at mukhang nagtatampo pa sa kuya niya kaya muli akong tumingin kay Andrew "Baby magsorry ka na sa kapatid mo para bati na kayo.. diba sabi ko sa inyo hindi dapat kayo nag-aaway, sige na magsorry ka na" mahinahon kong sabi "Opo mama.." sabi niya at ibinaba ko na ang prinsesa ko para makapagsorry na sakanya ang kanyang kakambal

"Soyi na bunso di sinasadya ni kuya.." sincere na sabi ng nagiisang lalaki ko "Oh baby nagsosorry na si Kuya sayo anong sasabihin mo?" Sabi ko sa anak ko na nakatungo kaya tumingin ito sa kuya niya at niyakap ito "Okay lang kuya, bati na tayo" sabi niya sabay akap sa kakambal

"Oh siya maglaro na kayo diyan dalawa ha? May gagawin lang si Mama" sabi ko kaya tumango-tango naman silang dalawa

Hayy ang cute talaga nilang dalawa kamukhang-kamukha ni Art si Andrew habang si Anastasia naman ay nakuha niya ang mata, ilong at labi ni Art

Bago ako pumunta sa office ko ay dumaan muna ako sa kwarto ng panganay ko para checkin kung ano ang ginagawa niya, kumatok muna ako bago pumasok

"Baby? Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa panganay ko "Nagdodrawing po ako ng family picture natin mama.." sabi niya at ipinakita sa akin ang isang papel na may limang tao na nakadrawing rito "Mama namimiss ko na po si Dada.." malungkot na sabi niya kaya hindi ko napigilang yakapin siya

"Wag kang mag-alala nak hahanapin natin ang dada mo at hindi tayo titigil hanggang hindi natin siya nakikita" desididong sabi ko kaya tumango-tango naman ito

Tok Tok Tok

Nakarinig kami ng katok kaya napahiwalay kami sa yakapang mag-ina "Jacel?" Tawag sa akin ni Mama "Mama! Kayo po pala kanina pa po ba kayo diyan?" Tanong ko "hindi kakarating ko lang nasa playroom ang Dad mo kalaro ang kambal, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya kaya tumango naman ako at nagpaalam na sa anak ko

Nandito kami ngayon sa balcony habang nagkakape "Jacel napag-isipisip ko na bakit hindi ka muna magbakasyon? Napapansin ko kasing lagi ka na lang busy sa work at pagod sa pag-aalaga ng apo ko bakit di ka muna magunwind" sabi niya "Pero paano po ang trabaho ko at sino po ang mag-aalaga sa mga anak ko?" Nag-aalalang tanong ko dito

"Wag kang mag-alala ako na ang bahalang maghanap ng kapalit mo pansamantala sa trabaho at kami na ng daddy Arthur mo ang mag-aalaga sa mga apo namin kaya wala ka na dapat ika bahala" sabi nito kaya tumango ako bilang pagsang-ayon

"Ok sige po.." sabi ko kaya naman biglang sumigla ang mukha nito "Pumapayag ka na?" Di makapaniwalang sabi nito kaya tumango naman ako sakanya "Oh siya magempake ka na at ako nang bahalang magbook ng hotel na tutuluyan mo" masayang sabi niya at nagpaalam na sa akin

Napagpasiyahan ko na mag bakasyon sa Cebu dahil isa ito sa mga pinakamagandang lugar dito sa pilipinas, Hays I wish you are here love, I miss you so much...

——Author——
Update! Wassup I'm back! Gulat kayo noh? Hehe.. Enjoy Reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon