Chapter 35

7.8K 221 10
                                    

Artemis
Nagising ako na masakit ang aking ulo kaya napahawak ako rito, Nang mawala na ang sakit ay inilibot ko ang aking mga mata sa kabuoan ng kwarto at ngayon ko lang napansin na may babaeng natutulog sa gilid ng kama ko ngayon

Teka.. siya yung babae na nakausap ko sa bahay ah.. paano ako napunta dito sa hospita? Bigla naman siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata, At ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay mabilis itong lumapit at inespeksyon ang aking mukha

"Mabuti naman at gising kana.. okay ka lang ba hindi na ba masakit ang ulo mo?" Nag-aalalang tanong nito kaya napatitig naman ako sakanya ng maigi at may naramdaman akong kakaiba "M-Medyo makirot lang ng konti ang ulo ko" mahinang sabi ko

"Wait tatawag ako ng doktor" sabi niya at mabilis na lumabas, Nang makalabas siya ay biglang nagflashback sa aking utak

Flashback....

"Flowers para sa pinakamagandang babae na nakita ko"

"Baka naman mapuno na ng bulaklak ang bahay namin niyan"

"Art.. Art?"

"Shhh... wag kang mag-alala andito lang ako hindi kita iiwan.."

"What about me wala din ba akong kiss?"

"Hays.. yung baby damulag ko nagtatampo na tara na nga dito at ikikiss na kita"

"Ang taba ko na..."

"Don't worry you're still the most beautiful girl for me"

End of flashback....

Flashbacks are coming into my brain, Sumakit ang ulo ko ngunit sa pagmulat ng aking mata ay naalala ko na lahat..

"Jacel..." bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jacel kasama ang isang doktor, Lumapit sila sa akin at inispeksyon naman ako ng doktor samantalang ako ay parang lutang na nakatanaw sa malayo

"Okay naman siya, ipainom mo na alng ang mga gamot na inireseta ko para hindi na sumakit ang ulo niya" sabi ng doktor "Okay doc salamat" pagkasabi ni Jacel non ay lumabas na din ang doktor

"Gutom ka na ba? Ikukuha kita ng makakain" sabi nito at bago pa ito pumunta sa mesa ay hinawakan ko ang kanyang braso kaya napahinto siya

"Jacel... Babe.." untag ko kaya nagulat naman siya "N-Nakakaalala ka na?" Di makapaniwalang sabi nito kaya tumango naman ako, Napaluha naman ito at mabilis na tinungo ang aking kama at niyakap ako ng mahigpit

"I miss you... I miss you so much" sabi niya habang nakayakap sa akin at gumanti naman ako ng yakap at hinawakan ang kanyang buhok pagkatapos ay hinalikan ito

"Akala ko hindi ka na makakaalala pa.. akala ko makakalimutan mo na kami ng mga anak mo.. akala ko hindi na kita makikita pa.." lintanya niya kaya napangiti naman ako at hinagod ang likod niya

"Shhh.. Ang mahalaga ay nandito na ako at nakakaalala na" sabi ko para kumalma ito

Humiwalay ako sa yakap namin at hinawakan ang kanyang mukha "Hinding-hindi na kita iiwan, pangako yan" mahinang sabi ko at inilapat ang aking labi sa kanyang labi

The kiss lasted for a minute at pagkatapos non ay kumain na kami, Sinubuan niya ako kahit na kaya ko naman

Nakahiga kami ngayon sa hospital bed ko habang nanonood ng TV, Nakaunan siya sa aking braso habang nakayakap sa akin

"Babe.." tawag ko sakanya "hmmm?" Siya
"Asan na nga pala ang mga anak natin?" Tanong ko dito kaya napatingala siya sa akin "Nasa bahay ng Mommy mo" sagot naman niya

"Y-Yung kambal anong pangalan nila?" Tanong ko ulit kaya napangiti naman siya "Ang baby girl natin ay si Anastasia Rivera Montenegro at ang Baby boy natin ay si Andrew Rivera Montenegro, 3 years old na sila ngayon" magiliw na sabi sa akin ni Jacel

Kaya naman napaluha ako "Babe.. bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong nito kaya ngumiti naman ako sakanya at hinalikan ang ulo nito "Nalulungkot lang ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman kita nakasama sa panganganak mo.." mahinang sabi ko

Kaya napangiti naman siya at niyakap ako ng mas mahigpit "Wag kang mag-alala babe.. sa susunod na baby natin nandun ka na sa panganganak ko, Hindi mo naman na ako iiwan diba?" Sabi niya sabay pahid ng aking mga luha "Hinding-hindi na" sabi ko at hinalikan ang kanyang labi

Fastforward......

Dalawang araw na ang nakakalipas at ngayon na ang araw na madidischarge ako sa hospital at kasalukuyan naming inaayos ang mga gamit ko

"Babe, Hindi na ako makapaghintay na makita sila" excited na sabi ko kaya napangiti naman siya at inayos ang polo shirt ko "Hindi ko sinabi sakanila na nakita na kita kaya masusurprise sila" sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi

"Babe bago nga pala tayo umalis sa lugar na toh gusto ko munang magpaalam sa mga bata na tumulong sa akin" yung tinutukoy kong mga bata ay yung mga bata na nakita niyang kasama ko sa park dahil sila ang tumulong sa akin, sila din ang nagdala sa akin kina nanay at tatay

"Okay" sabi niya kaya kinuha ko na ang mga bag namin at hinawakan ang kanyang beywang at lumabas na ng kwarto

Patungo kami ngayon sa park kung saan lagi kaming nagkikita ng mga bata, Pagkababa ko ng tricycle ay may narinig na akong sumigaw "Andyan na si Ate Art!!" Malakas na sigaw ng isang bata kaya naman kinuyog ako ng mga kasama niya

"Thea ang lakas talaga ng boses mo" natatawang sabi ko at ginulo ang kanyang buhok "Ate Art sino po yang kasama niyo?" Tanong ni Jepoy "Ah, Si Ate Jacel niyo..asawa ko" pagpapaliwanag ko sakanila

"Hello po Ate Jacel!" Sabay-sabay na bati ng mga bata "Hi!" Sabi naman sakanila ni Jacel "Nandito kami para magpaalam sa inyo dahil uuwi na ako sa amin" dahil sa sinabi ko ay umiyak naman si Kayla ang pinaka iyakin sakanila at yumakap sa akin

"P-Pagumalis ka sino na ang manlilibre sa amin ng pansit?" Humihikbing sabi nito kaya napangiti naman ako at binuhat ito "Wag kang mag-alala magbabakasyon naman ako dito eh, At isasama ko ang mga anak ko para may makalaro kayo" sabi ko sakanya habang si Jacel ay nakatingin lang sa amin

"Ate Art wag mo kaming kakalimutan ah" sabi naman ni Jepoy kaya tumango-tango naman ako "Opo hindi ko kayo kakalimutan" sabi ko at umupo kami sa isang bench at ilang minutong nakipagkulitan sa mga bata ng kalabitin ako ni Jacel

"Art.. kailangan na nating umalis baka malate pa tayo sa flight" sabi niya kaya tumango ako at humarap muli sa mga bata "Oh! Paano ba yan kailangan na naming umalis" sabi ko sa mga bata kaya nagsitayuan sila at yumakap silang lahat sa akin

"Ate Art mag-iingat po kayo dun ha" pagpapaalala sa akin ni Thea "Opo" sabi ko at kinuha na ang mga bag namin "Wala bang group hug bago kami umalis?" Pagkasabi ko nun ay mabilis silang tumungo sa akin at nagsiyakap

"Come babe" tawag ko kay Jacel at pinasali siya sa Group hug namin "Oh! Siya tutuloy na kami.." sabi ko at hinawakan na ang kamay ni Jacel papunta sa sasakayan namin papunta sa Airport

"Babye Ate Art at Ate Jacel!!" Sabi ng mga bata sabay wave kaya nagwave naman kami sakanila at pumasok na sa sasakyan, Pagkatapos ng ilang minuto ay narito na kami sa Airport habang nakaupo

Nakalean naman ang ulo niya sa balikat ko habang hinihintay ang flight namin at magkahawak ang aming kamay, Hindi na ako makapag hintay na makitang muli ang mga anak ko...

Ipinapangako kong hindi na ako mawawala sa tabi nila ano man ang mangyari.

—-Author—-
Update! Walang kaming pasok eh wala namang ulan😂 Enjoy Reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon