KABANATA I

859 48 4
                                    

Kabanata 1

Ang lumaking walang-walang sa buhay ay napakahirap. Ang lumaking hindi man lang nakapagtapos ng pag-aaral ay mas lalong nagpapahirap sa 'kin. Grew up with nothing, Grew up without knowing where I came from. I can't see anything... it's so dark. I was like, living in a world with no traces of light. Para akong nangangapa at naghahanap sa sariling ako.

Napapunas ako sa aking noo at sandaling napahinto sa gilid ng kalsada. I blew out a deep breath and roam my eyes around. Ang maingay na kalsada ng maynila ay mas lalong nagpapagising sa 'kin sa katotohanan. Na kailangan ko ng makahanap ng trabaho.

Dinukot ko ang isang barya sa aking suot na pantalon. Napatingin ako sa gilid at nakahinga ng maluwag nang makita ang isang water vendo. Naghulog ako ng piso  ro'n at gamit ang plastic ay sinalin ko ang tubig saka mabilis itong nilagok. Kanina pa ako nauuhaw dahil sa layo ng nilakad ko. Medyo masakit na sa balat ang sinag ng araw, kaya ay agad akong lumisan ro'n at pinuntahan ang isang restaurant sa di kalyuan.

“MA'AM tatawagan na lamang kita,” Sambit ng isang babaeng nasa mid thirties na. Ang uniporme nito ay bagay na bagay sa tema ng kanilang kainan.

Napatango ako at ngumiti dito. Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking slingbag . Iyon ang naging tugon nito matapos kong ipasa ang resumé sa kanya at sa makling interview ko na rin.

Service Crew lang maiioffer nila sa'kin kaya ay pumayag na rin ako, kaso maghihintay parin daw ako ng tawag . Kinakailangan pa rin daw dumaan sa Amo nila ang resumé ko.

Magaan ang pakiramdam na nilisan ko ang restaurant na aking pinasukan saka muli ay sumalubong sa 'kin ang mainit na panahon sa labas. Napabuga ako ng hininga at akmang tatawid na ako ng maramdaman ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dinukot ko 'yon sa slingbag ko at saka sinilip ang isang mensahe.

From : 0998++++++

Thalia, si Ate Maria mo 'to. Wag ka sanang magagalit sa ibabalita ko. Nagkaroon ng malaking sunog sa baranggay natin at sa kasamaang palad pati bahay ng mga magulang mo nadamay…

Pasensya na Thalia…sana mag-ingat ka diyan.

Mabilis kong hinagilap ang tawag at pinindot 'to. Napahawak ako sa aking sentido ng makailang ring ay hindi 'to sinasagot. Muli ko 'tong tinawagan at sa pang-apat na ring ay may sumagot na.

“Hello? Sino 'to?”

Natigilan ako ng hindi boses ni Ate Maria ang bumungad sa 'kin. P-Papaanong? “Nandiyan po ba si Ate Maria?” Imbes na sagutin ang tanong nito ay sinuklian ko 'to ng isang tanong. Nagbabakasakaling nandiyan si Ate Maria at kasama niya.

“Umalis saglit si Maria matapos kang padalhan ng mensahe nito sa 'kin.  Bilin nito na wag mo na siyang hanapin at tawagan pa.”

Kinabahan ako sa naging anunsyon nito. At sa nangangatal na boses ay nagawa ko pang magtanong ulit. “B-Bakit po? A-Anong nangyari sa 'kanya?” Bakit ayaw na nitong kausapin ko siya? May problema ba?

“Hindi ko alam, iha. May pinagdadaan yata 'yon matapos masunog ang bahay niyo at ng iba pa. Sige na at marami pa akong aasikasuhin sa paglilipat,”

Hindi na ako muling sumagot hanggang sa pinatay na nito ang tawag. Saglit akong napatulala sa daan, hindi alintana ang iilang mga taong dumadaan. Anong nangyari kay Ate Maria? Sana ay okay lang siya...

Muli kong binasa ang pinadala nitong mensahe kanina. Sumikip bigla ang aking dibdib sa nabasa. Parang nabibingi ako ngayon habang naiisip ang nangyari. Halos mabita-bitawan ko na ang cellphone na hawak ko. P-Paano na ako dito? W-Wala pa akong trabahong nahanap… S-Saan ako kukuha ng panggastos ko?  B-Bakit ngayon pa? B-Bakit sunod-sunod ang kamalasan ko!

One Night Stand with the C.E.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon