PROLOGO

1.6K 64 2
                                    

PROLOGO

HINDI ko mapigilang mapangiti habang nakahawak sa dala kong mga pagkain. Kagagaling ko lamang sa aking mga raket, tulad ng pagbebenta at paghahatid ng mga damit na inaangkat sa online. Maayos naman ang naging kita ko ngunit hindi pa rin sapat para buhayin ko sina Mama at Papa na parehong may sakit sa Puso at Baga.

“Thalia! Thalia!”

Napakunot ang aking noo ng nagmamadali sa pagsalubong sa 'kin si Ate Maria, ang kapitbahay namin dito sa Asunscion. “Bakit Ate?” hindi ko mapigilang kabahan sa naging reaksyon nito ngayon.

“Isinugod ang mga magulang mo sa Ospital kanina! Dali at sasamahan kita doon!”

Sadaling tumigil ang pag-inog ng aking mundo. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko na pala ang hawak kong plastic ng mga pagkain. H-Hindi…H-Hindi 'yon t-totoo…m-maayos pa sila kanina…

Napapitlag ako dahil sa paghawak sa 'kin ni Ate Maria. “Halika kana mamaya kana umiyak dyan!” Mabilis ako nitong hinila at hinayaan ko lamang 'tong hilain ako sa sakayan.

Wala ako sariling sumakay at sumunod ako dito. Nangangatal ang aking mga labi at malakas na dumagundong sa kaba ang aking dibdib ngayon.

“A-Anong nangyari kanina Ate?” ilang ulit akong napalunok dahil sa nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.

Naramdaman ko ang marahang paghawak nito sa 'kin likuran. “Nasa may gate sila ng mga oras na 'yon, nagpapahangin nang bigla na lamang bumagsak si Nanay mo, dinaluhan siya ni Tatay Dado at nakahingi pa ng tulong sa 'min kaso bigla itong bumagsak din,”

Hindi ko mapigilang mapatuptop sa aking bibig. Nagsibagsakan na ang mga luha sa 'king mga mata. K-Kung sana pala h-hindi ako umalis kanina… A-Ayaw kong m-mawala sila Nanay at Tatay, kailangan ko pang makabawi sa kanila…

AGAD akong lumabas ng tricycle habang pinupunasan ang mga luha ko. Tumabok ako sa loob ng hospital at agad na dumiretso sa Nurse Station.

“C-Constancia at Amorado Dela Peña, s-saang room sila?” napalingon ako sa aking gilid ng maramdaman ang pagtabi sa 'kin ni Ate Maria.

Tumingin ang isang nurse sa harap ng computer bago ito napabaling sa 'kin. “Secondfloor Emergency Room ma'am...”

Walang salitang lumisan agad ako ro'n at nagmadali sa  pag-akyat sa hagdanan papunta sa 2nd Floor. Matatagalan pa ako kung sa Elevator na maraming nag-aabang. Hindi ko na nilingon kung nakasunod ba si Ate Maria sa 'kin dahil okyupado ang isipan ko sa kalagayan nila Nanay.

Kahit hinihingal at pagod ay patuloy ako sa pag-akyat hanggang sa nakatuntong na ako ng secondfloor. Muli akong napatakbo sa dulo ng hallway kung saan ang Emergency Room. Hindi pa ako nakalapit sa pinto ay hinarangan na ako ng isang Nurse sa akma kong pagpasok.

“Ma'am bawal po pumasok, maghintay nalang kayo diyan sa tabi,” nanlulumong napataras ako at saka napaupo sa katapat na upuan.

D-Diyos ko… W-Wag niyong pababayaan ang mga magulang ko…

Napahilamos ako sa aking mukha. Nagsimulang bumagsak ang aking mga luha at halos mabasa na nito ang mga kamay ko. Kahit anong pagpipigil ang aking gagawin hindi ko pa rin magawa.

Mumunting hikbi ang kumawala sa 'kin bibig habang nakayuko sa isang tabi.  I can't suprass my emotions from flowing. I can now feel my heart been shank deeply that made me breath difficultly rightnow. Hindi ko kayang marinig ang anumang posibleng balita tungkol sa kanila.

“Crying is the sign of bravery and showing affection towards a person. And I bet you need this…”

Napatigil ako saglit nang marinig ang isang hindi pamilyar na boses. Alam kong boses lalaki 'yon dahil sa lalim at matigas nitong pagkakaingles. Napasinok ako bago inalis ang mga kamay sa aking mukha. Tumambad sa 'kin ang isang kulay itim na panyo sa tapat ng mukha ko. Tinanggap ko 'to at marahang pinunasan ang aking mukha.

“S-Salam—" nabitin sa ere ang sasabihin ko ng hindi ko na mabungaran ang nagbigay ng panyo sa 'kin.

Wala ng tao sa harapan ko na siyang ikinakunot ng noo ko. Napalinga-linga ako sa paligid at walang nakita ni isang kahina-hinalang lalaki. Nagbaba ako ng tingin sa panyong hawak saka ibinulsa ito.

Kung sino ka man nagbigay nito, salamat sayo...

Agad na bumaling ang atensyon ko sa E.R ng magbukas ito ng pinto. Dalawang Doktor ang lumabas habang tinatanggal ang suot na mask. Mabilis akong napatayo at dinaluhan sila. “K-Kamusta po ang mga magulang ko Doc?”

“Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?”  Isang doktor ang nagtanong sa'kin.

Napatango-tango ako. “O-Opo…k-kamusta po ang mga magulang ko?” Mas lalong nadagdagan ang kaba sa 'king dibdib. Pakiramdam ko ay parang may maling nangyari. Sana mali lang ang iniisip ko…

“Thalia!”

Napalingon ako sa likuran at nakita ang humahangos na si Ate Maria. Hinihingal 'tong tumabi sa 'kin. Muli akong napalingon sa dalawang doktor nang marinig ang pagbuntong hininga nila.

“I'm sorry, Iha. Parehong malala na ang sakit ng mga magulang mo at hindi na nagf-function ng maayos ang mga puso at baga nila…”

Napatulo ang luha ko sa narinig.“A-Anong ibig sabihin niyo po Doc?”

Nagkatinginan ang dalawang doktor bago ako malungkot na tinignan. “I'm sorry but they didn't maket it…” parang bombang sumabog sa 'kin ang mga sagot nito.

B-Bakit ngayon pa? H-Hindi…

Napatakip ako sa aking mukha at tuluyang napahagulgol. Naramdan ko ang pagtapik nila sa aking balikat. “Condolences Iha…maya't maya lang ay ipapasok na 'to sa morgue. Maiwan muna namin kayo,”

Hindi ko na pinasin ang sinabi ng doktor at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Naramdam ko ang pagyakap ng kasama ko sa 'kin habang  hinahagod ang likuran ko upang patahanin.

“Magiging okay din ang lahat Thalia. Magihing okay lang ang lahat…”

Isang malakas na paghikbi ang kumawala sa bibig ko. Ang sakit isipin na hindi ko na sila makikita ulit...Na wala na sila para gabayan ako at makabawi man lang sa pagpapalaki sa 'kin.

Siguro nga ay may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to sa 'kin. Kailangan kong tatagan ang sarili ko dahil alam kong  malulungkot lamang sila kapag nakita akong naging miserable.

Hindi ko na alam kung anong naghihintay sa 'kin sa hinaharap. At alam kong marami pa akong masasakit na pagdadaanan.

***

“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?” Makailang ulit na akong tinatanong ni Ate Maria tungkol sa desisyon ko. Alam kong naghihinayang ito, gano'n din naman ako ngunit kailangan ko 'tong gawin para makaluwas ako ng maynila.

Napabuntong hininga ako at napatango sa kanya. “Kailngan kong ibenta ang bahay para may panggastos ako sa maynila at do'n makipagsapalaran sa buhay,”

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang pagkamatay ng mga magulang ko. Medyo bumuti na ang pakiramdam ko at nabawasan na ang sakit sa dibdib ko. Unti-Unti ko nang natatanggap ang katotohanan.

Masakit man naibenta ang naipundar nilang bahay ay wala akong magawa. Kailangan kong pumunta ng maynila para makahanap ng maayos na trabaho. Hindi gano'n kalaki ang kita ko rito sa Cagayan. Kaya nagbabakasali akong mapabuti ang buhay ko sa maynila.

“Mukhang ayaw mo nang magpapigil, a,” malungkot 'tong ngumiti sa 'kin. “Babalitaan kita kapag may bumili na,”

Ibinigay ko ang phone number sa kanya at saka muling itong niyakap. Isa si Ate Maria sa mga tumulong sa 'kin para bantayan ang mga magulang ko kapag umalis ako at naghahanap ng mapagkikitaan noon, kaya napalapit na rin ang loob ko sa kaniya.

Hindi ko mapigilang malungkot dahil hindi ko na 'tong muling makikita. Nangako ako sa sarili ko na sa oras na makatapak ako ng maynila ay kakalimutan ko na ang masasakit na nangyari sa akin dito. Pero, hindi ibig sabihin nito ay hindi na ako babalik, siguro ay kailangan ko lang hanapin ang aking sarili. Pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko.

Nagpasalamat ako dito bago umalis sa baranggay namin. Ngayon na ako luluwas pa maynila at buti na lamang ay may naitabi akong konting halaga sakto sa pagtapak ko roon.

Hindi ko alam kung anong buhay ang kakaharapin ko doon. At alam kong mahihirapan ako sa desisyon kong 'to. Sana lamang ay gabayan  ako ng maykapal sa naging desisyon ko.

One Night Stand with the C.E.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon