Pagsilip

25.6K 509 20
                                    


Pagsilip

Fool



Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Sa sobrang sakit ng ulo halos hirap ko na ring igalaw ang mga ito. Kay bigat ng mga talukap, parang hinihila pabalik ang mga mata. As I closed my eyes again, doon nanariwa ang malakas na pagsabog. Tumahip ng malakas ang dibdib. Malapit sa lugar kung san ako nangangalakal nangyari ang pagsabog ng isang sasakyan. Dalawang sako ng basura ang bitbit, nakahanda na upang maibenta kay Mang Gustin. Ngunit, bago pa man maigalaw ang mga paa para makaalis sa lugar. Isang malakas na pagsabog na ang nasaksihan.

Bumalikwas ako ng bangon, ngunit sa aking ginawa'y inatake ako ng pananakit ng ulo, the pain is too much. Pakiramdam ko binibiyak nito sa sakit ang aking ulo. Napadaing ako sa sakit. Ang tanging naaalala, sa harapan ko mismo nangyari ang insedente.. ang magarang sasakyan ay unti-unting natutupok ng apoy..

"Dad.. Mommy's hand are moving.." Maliit na boses galing sa batang babae.. Hindi maikakaila ang pag-aalala at ang kasiyahan na makitang gumagalaw ang mga daliri ng sinasabing ina.

"Yes Daddy I saw it too.. call the doctor please." Ngayon, boses naman ng batang lalaki ang nauulingan.

I can't barely move. I am too weak. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nalumpo na din yata ako. May mga nakaharang din sa mukha ko.. benda ba ito?

Bakit kailangan akong lagyan ng benda sa mukha?

Nasunog ba ang mukha ko?

Dahil ba ito sa malakas na pagsabog?

Mas lalo akong nataranta. Kahit hirap gumalaw pinilit ko pa rin dahil nakakabahala. Hindi puwedeng masira ang magandang mukha. Hindi talaga puwede!

Halos maghisterya na ako kakaisip sa posibleng mangyari. Naghihirap kami oo, at ang magkaroon ng mala-anghel na mukha ang tanging mayroon lang ako. Papaano ko pa ito mapapakinabangan? Maliban sa pangangalakal, sumasali din minsan sa mga patimpalak kapag ka may piyesta, dumadayo rin sa kalapit na barangay para may maiuwing bigas sa bahay..

Pero paano na ito?

Sunog na sunog ba ang mukha ko?

Gusto kong humagulhol sa pangambang magkatotoo ang hinala.

Napahawak ako sa mukhang nababalutan ng benda. Umiiyak na rin pero hindi naman mahahalata dahil sa bendang nasa mukha..

"You calm down Veronica.. " A man with an authoritative voice stops me with a trembling mind. Takot na takot ako.

"This was all your fault and now you act like an innocent villain huh? You think I'll pass it this time? You're forever be my prisoner Veronica.."

Ako ba ang kinakausap ng mamang ito?

Sa natatarantang diwa'y napapailing pa ako sa kaharap. Ramdam kong nasa harapan ko lamang sila.. nakatingin, nagmamasid...

"Can't find a words to say huh? Nagtataka ka ba kung paano ka nasundan ng mga tauhan ko?"

Ramdam ko ang pagtatagis ng kanyang bagang.

Pero... hindi naman Veronica ang pangalan ko. Maling tao ang nahanap nila..

"Nagkakamali ka p-po-"

"Stop!" Napaigtad ako sa lakas ng kanyang sigaw. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ang pananaway sa kanya ng dalawang bata.. mas lalo pa akong nahilo sa dami ng katanungan na hindi ko naman maisatinig.

"You can't fool me this time Veronica.." Gigil na gigil siya. "Not again in front of our children.."

Children?

Kailan pa ako nagkaroon ng anak?

Sa pagkakatanda ko'y dalaga pa naman ako. Ni hindi pa nga nagkakanobyo..

Pero mister hindi Veronica ang pangalan ko. Ako si Vivincia.. a.k.a. 'Cia' (Si-ya). Vivincia Macaraig..

Isang mangangalakal ng basura...

His Impostor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon