Kabanata 1

17.1K 433 21
                                    


Kabanata 1

Fire




Kalat na ang dilim ng magpasyang itigil ang pangangalakal sa gabundok na basura. I wiped the sweat on my forehead. Tagaktak na ito at nangangamoy pawis na. Inilibot ko ang paningin, kasama ko ang kapatid sa pangangalakal. At dahil gabundok ang basura, sumusuko na ang ilan sa pagkalkal ng makakalakal, ngunit mas lamang ang pursigidong makarami para maibenta. Nasa dulong bahagi ang bunsong kapatid, sumigaw man ako'y hindi ako madidinig. Nagkibit ako ng balikat. Sa bahay na lang kami magkikita, kapag ganitong abala ay isinasantabi muna ang pakikipag-usap dahil uunahin muna ang kikitain sa pangangalakal.

Sinulyapan ko ang dalawang sako nang basura sa aking tabi. Maya't-maya ang dapo ng langaw dito, at dahil sanay na, hinahayaan ko na lamang ang pagdapo nito sa bibitbiting sako. Marami-rami na rin ang nakuha ko at medyo may kabigatan na rin ito.

"Tiba-tiba na yan a, puwede nang ibenta kay Mang Gustin, huwag kang magpapauto sa matandang yun a.. napakagahaman pa naman nung matandang hukluban na 'yun." Umismid si Gabby.

She's one of my closest in our group. Kung umasta'y lalaking-lalaki but we're both the same gender, pusong lalaki lang.

Umiling ako. Alam ko naman iyon, pero kasi kung minsan, dala ng matinding pangangailangan nagpapakumbaba na lang kahit hayagan ang pang-uuto ng matanda..

"Siguraduhin mo yan ha?" Siniko niya ako. Sa lakas ng pagkakasiko napa-angat ako ng tingin. Nginitian ko siya.

"Pasabay na lang kay Caloy.. "

Sabay sulyap sa bunsong kapatid. Abala pa rin ito sa paghahanap ng matinong ibebenta na basura. Lumingon naman ito sa kinaroroonan ko kaya mabilis kong kinawayan ito. He's my youngest brother, minsan nangangarap akong pag-aralin siya.. iyong matinong eskwelahan ang pagdadalhan sa kanya, iyong naaayon sa gusto niya.

Kumaway siya pabalik. Malaki ang pangarap ko para sa kapatid ko.. tsaka na muna ang para sa akin.. ia-ahon ko ang pamilya ko sa lugar na ito at maghahanap ng panibagong lugar na pagdadalhan sa kanila.. lugar na babago sa buhay naming mag-anak.. lugar kung saan ipagpapatuloy ang mga naudlot na pangarap para sa amin ni Tatang...

"Sige ako na ang bahala kay Caloy. Isasabay ko na at baka mapagtripan pa sa daan.." Ngumisi siya.

Sisiga-siga din minsan itong si Gab kaya naman malaki ang pasasalamat ko at naging kaibigan ko siya. Maaasahan din kasi ito at marami pang kakilala. Iyong iba tunay na lalaki pa.. may ilan namang katulad niyang kilos lalaki..

"Ingat ka sa matandang yun a, mamaya manyakin ka pa.."

"Gab.." Palatak ko.

"Manyakis din iyon Cia, kaya mag-iingat ka. Kapag kinanti ka naku.." Iniangat niya sa ere ang kuyom na kamao, at dahil namumulot ng basura marungis din ang kamao nito.

"Papatulan ko talaga ang matandang iyon. Subukan lang niyang hawakan isa sa mga daliri mo.."

Pinalo ko ang kanyang kamao, sa lakas naibaba niya ito.

"Maghahanap ako ng kasabay at hindi pupuntang mag-isa doon." Angil ko.

"Mas mabuti kung ganoon ang plano mo, ikaw pa naman ang diwata sa grupo.. mahihirapan na kaming maghanap ng kasing ganda mo.." Umirap ako ngumisi naman ito.

"Sa amo ng mukha mo, bihisan lang ng maganda magmumukha ng reyna. Para kang anghel na naligaw sa lugar na 'to. Kung hindi lang talaga kita lubusang kilala iisipin kong isa kang sikat na artista. Maganda na, makinis pa. Kahit balot ka ng makapal na alikabok ngayon nangingibabaw pa rin ang kagandahan mo Cia.."

Nahampas ko na siya.. Parati na lang dumidiga e, alam naman niyang hinding-hindi ako magpapauto sa kanya. Maraming beses ko na siyang binasted kasama na ang ilan sa mga ka-grupo niya. Walang epekto sa akin ang lahat ng pagtulong at sakripisyo nila.

His Impostor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon