DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 51

104 3 0
                                    

C H A P T E R 51

THIRD PERSON's P.O.V

Kinaumagahan naunang nagising si Cleo at saka ito nag mamadaling umalis dahil kailangan pa niyang taposin ang pagde-decorate sa venue sa kanilang gaganapin na Grand Js Prom dito sa Psyche And Cupid College University.

Habang ang dalawa naman na sina Geo at Alexa ay nakahilata pa sa kanikanilang higaan. Mayamaya pa tumunog bigla ang alarm clock ni Geo saka naman ito bumaba at tulad parin ng nakagawian pinapakiusapan niya parin ang kanilang mga kasambahay na siya ang magluluto ng breakfast.

"Good Morning Sir. Geo, Ano po kasi wala napong laman ang ref natin kaya wala po kayong lulutoin" sabi pa ni Manang Ester na siya ang incharge sa mga pagkain.


"Huh? Wait? Nakalimutan ni Dad magbigay ng pera for the groceries? Anyway, Ako nalang ang mago-groceries" Sabi ni Geo sabay punta niya sa garahe para kunin ang sasakyan niya. Saka naman ito umalis.


Sa bahay naman nila ni Maxine puspusan na ang pag reready ng Mommy ni Maxine for her daughter parang ikakasal lang diba?

"Mom! Don't you remember it's just a Js Prom nothing to be serious like this.. Urgh! Gash!" Maxine said.


"No! I will do everything just make sure that you look so beautiful than anyone else. Okay?" Sabi pa ng kaniyang ina while contacting all of makeup artist and she prepared also a foot spa for Maxine.


Habang si Alexa naman nakahiga parin at tulog mantika pa, At mukhabg walang pakealam sa mangyayari sa js Prom nila.


Ang dalawa naman niyang kaibigan na sina Romeo at Jolina ayon naghahanda na rin para sa js Prom.


"I'm so excited to see you wearing the gown that I sent to you kahapon Babe" Salita pa ni Romeo sa cellphone niya habang si Jolina naman kilig na kilig habang nakatingin sa kaniyang pink colored gown.

"Mee too Babe! I am so excited, It feels like this gown is perfect for me!" Habang kinikilig si Jolinang kausap si Romeo.

"Jolina is there any problem?" Tanong ng kaniyang Ina na kanina pa pala nakikinig sa kaniya sa labas ng kaniyang kwarto.

"Wala po, Ma may kausap lang po ako sa cellphone"

"Hay! nakong bata ka! Ke aga-aga nag cecellphone kana kaagad. Haynako! mga kabataan talaga ngayon iba na kisa sa kapanahonan namin noon" Sungit pa ng Mama niya sa kaniya.


At ang apat naman na kuntrabida sa buhay ni Alexa na sina Ella, Veya, Miya at Mich ay pinipilit parin na makasali sa Grand Js Prom. Pero hindi naman sila pinayagan dahil nga sa nangyaring insidente noon.


"Paano ba 'yan mga Sis, Mukhang hindi tayo makakasali sa first ever dream come true ko pa naman sana. Kasalanan niyo 'tong dalawa eh" Crossed arm ni Viya sa tatlo.


"Hoy! Akala mo ba di ko napapansin na subrang nagpapaka sipsip ka lang sa grupong to" Taas na tuno ng boses ni Ella sa kaniya.

"Wow! nahiya naman din kasi ako sa'yo no. Adopted child" Sabi pa ni Veya kay Ella na siyang ikina laki ng kaniyang mga mata dahil lumabas na ang pinakatatago niyang sekreto, Lumayo naman sa kaniya sina Miya at Mich.


"Is it true?" Pagtatakang tanong ni Mich kay Ella.


"...." Napayuko lang si Ella.


"Hahahah! Naniwala pa kami sayo, infact ikaw naman dapat sisisihin sa mga nangyayari samin eh" Sabi pa ni Miya na subrang inis na inis.

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon