Prologue

5 0 0
                                    


                       

Anton Louie Baraquel, he was my ultimate crush. Kahit sinong babae sa school napapalingon kapag dumaan sya. Bakit hindi? Dahil lang naman sa taglay nyang kagwapuhan. Imagine na 'yong dalawang tomboy sa sister school namin ay naging straight na babae ng masilayan sya? Sino bang artista ang nakagawa ng nagawa ng kagwapuhan ni Anton Louie? Siguro wala pa dahil wala naman akong nababalitaan katulad ng... wala akong nababalitaan na girlfriend ni Anton Louie sa dinami-dami ng babae at binabaeng nakakagusto sa kanya. Maybe he was just enjoying the attention pero sa nakikita ko parang wala naman syang pakialam kung sikat sya sa mga kababaihan. Madalas he was just ignoring them or worst inilalabas nya ang tinatagong kasungitan. Hindi sya 'yong tipong friendly katulad ng mga star player ng basketball na palangiti kapag binabati ng mga girls. Hindi rin sya sporty dahil mas madalas ko pa syang nakikita sa isang sulok habang nagigitara at kumakanta.
Haaay!!!Hanggang paghanga na lang talaga ako sa kanya dahil sino ba ang magkakagusto sa isang simpleng babaeng katulad ko? Hindi naman ako matalino,average IQ lang at hindi rin kagandahan pero sabi ng mga kaibigan ko habang tinititigan ako ng matagal ay gumaganda 'ko. Para daw akong isa sa mga bituin sa langit na kakaunti ang kislap,hindi mapapansin hangga't hindi i-po-focus ang tingin sa direksyon ko.
Kaya nga hindi na 'ko umasa pa na balang araw ay mapapansin nya rin na may isang Arabella Grace Sebastian na nag-e-exist sa mundo. Classmate kami pero kahit kailan ay hindi nya 'ko kinausap. Aasa pa ba 'ko diba? But then sabi nga nila, be careful what you wish for because it might come true. And it did! Like a miracle!
                 

His Secret AdimirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon