Chapter 1

4 0 0
                                    


"Anton Louie, ang gwapo mo talaga!"
"Oo nga! Ang gwapo mo talaga!"
"Sagutin mo na 'ko para magkaroon ka na ng happy ever after sa piling 'ko!"
Iyon ang narinig kong sigawan ng mga babae mula sa kinaroroonan kong bench. Maaga pa kaya okay lang na maggaganyan sila. Huwag lang nilang gawin during class hours dahil siguradong lagot sila sa principal. Medyo may kasungitan pa naman iyon.
Napalingon ako para tingnan ang pinagkakaguluhan nila. Indeed! The campus hearthrob himself--Anton Louie Baraquel!
Sanay na 'ko sa ganoong eksena sa loob ng high school campus kapag dumarating si Anton. Magulo at maingay na parang may dumalaw na sikat na artista. Pero kahit ultimate crush ko sya, hindi ako nakikigulo sa mga babaeng humahabol sa kanya. I'm contended by just looking at him from a far. Ayaw kung may makaalam ng nararamdaman ko sa kanya kahit ang mga kaibigan ko. I want to be just his secret admirer coz I don't want to make my life complicated.
Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa kanya. Nagsialisan na ang kanyang mga fans dahil well, ginamit nya na naman ang kanyang infamous na kasungitan. Tuloy-tuloy syang naglakad papunta sa music room habang bitbit ang kanyang gitara at nakasukbit sa likod ang kanyang backpack.
Inalis ko ang tingin mula sa pintong pinasukan nya at sinulyapan ang aking wristwatch. Fifty minutes pa bago mag-bell. Medyo matagal pa ang ipaghihintay ko bago pumasok sa loob ng classroom at may flag ceremony pa bago 'yon. Mag-isa pa lang akong nakaupo sa favorite tambayan naming magbabarkada dahil sa aming lahat, ang bahay namin ang pinakamalapit sa school campus. Walking distance lang kasi mula sa amin. Dalawang bahay lang ang pagitan kaya hindi ko kailangan gumamit ng sasakyan.
Karamihan sa mga nag-aaral sa school na 'yon ay may mga kaya ang pamilya pero kahit nasa middle class lang ang pamilya namin ay nakakapag-aral ako sa St. Claire Academy dahil sa scholarship. Nakuha kasi ako sa swimming team ng school at bukod don ay maayos din ang grades ko sa academics. Hindi man ako first honor,lagi naman akong kasali sa top ten. Magandang achievements na rin yon diba?
"Hoy! Sinong tinitingnan mo kanina? Kandahaba leeg mo, girl," sabi ni Alpha Kristine na hindi ko namalayan ang pagdating. Sya ang pinakamadaldal sa mga kaibigan ko. Umupo sya sa tabi ko matapos ilapag sa mesa ang dala nyang bag at mga aklat.
"Tinitingnan? Wala kaya,"pagkakaila ko sa kanya. Tumaas ang kilay nya. Indikasyon na hindi sya naniniwala. Hindi ko na lang sya pinansin para hindi na makarating kung saan ang aming usapan. Isa pa may pagkaususerang frog ito. Baka maungkat pa ang greatest secret ko."Nasaan si Dannielle at si Gwen? Bakit 'di mo kasama?” tanong ko sa kanya ng mapansin kong hindi nya kasama ang dalawa pa naming kaibigan. Madalas kasi ay magkakasabay  silang dumarating sa school.
"Well, sabi ko mauuna na ko sa kanila dahil nakalimutan kong gawin 'yong assignment natin sa math. Sumabay na lang ako kay mommy at idinaan nya ko dito bago sya pumasok sa office."
Inilabas nito ang notebook at ang Geometry na libro at inilapag iyon sa tapat ko. Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Don't tell me I'm the one who will do your homework?" tanong ko sa kanya na ikinatawa nya ng malakas.
"Grabe! Nose bleed ako 'don, ah." 
"Know what Kris? Puro ka biro. Gawin mo na nga 'yang assignment mo dahil malapit ng mag-flag ceremony. Lagot ka na naman kay Ms. Belmonte mamaya." Pananakot ko sa kanya. Minsan na kasi syang napatayo sa harapan ng klase dahil nakalimutang gumawa ng assignment.
"Hay naku! Ipaalala ba naman."
Sumimangot muna ito bago kinuha ang aklat at notebook sa harapan ko at inilagay sa tapat nya.
"Good morning everyone!",bati sa amin ng bagong dating na si Naomi,ang pinakamatalino sa grupo. Kasunod niya sina Shaine at Amanda. Magkakasunod silang umupo sa kabilang bench matapos mailapag ang mga gamit nila.
"Nakalimutan mo na namang gumawa ng assignment?" tanong ni Amanda kay Kris ng mapansin ang ginagawa ng kaibigan. Si Amanda ang pinaka-sporty sa amin. Sya ang captain ball ng volleyball team ng school at bukod doon kasali rin sya archery at lawn tennis.
"Ay, hindi, hindi. Nakita na nga, nagtatanong pa,”papilosopong sagot ni Kris.
"Ano ba yan? Vice Ganda lang ang peg? Hindi bagay sayo, girl."
"Tama na nga yan. Baka hindi matapos si Kris kapag inistorbo pa natin. Isumpa pa tayo nyan kapag napatayo na naman ni Ms. Belmonte sa unahan," dagdag pang-aasar pa ni Shaine,ang pinakamatangkad sa grupo namin.
"Napaka-supportive nyong kaibigan alam nyo ba 'yon? Kung tinutulungan nyo kaya ako dito, eh, di tapos na sana ako."
"Kayang-kaya mo na 'yan. We believe in your talent and your skills,"sabay-sabay naming wika sa kanya. Pagkatapos ay nagtawanan kami.
"Oo, na. Alam kong hindi nyo ko tutulungan kaya please lang. Shut up na muna kayo dahil kailangan kong magconcentrate."
"Bakit kailangan mong magconcetrate Kris? Ngayon ko lang nalaman na marunong ka pala noon? Akalain mo yon?" si Dannielle ang fashionista sa grupo kasabay nitong dumating si Gwen the sweet girl at si Jane ang ms. behave.
"Ano 'to? Hotseat ako? My God I can't take this anymore. Help?! Someone help me,please?!"Sabi ni Kris habang kunwari'y naghahanap ng kakampi sa mga estudyanteng pagala-gala sa loob ng school campus. 
Binatukan ito ni Dannielle. "OA na. Hindi bagay."
"Aray ko. Ano ba Dani kung---," biglang nanlaki ang mga mata ni Kris na medyo singkit ng may mapansin ito pagkatapos ay biglang sumigaw na ikinatingin ng mga estudyanteng malapit sa amin. "Oh my god! Is that Anton Louie Baraquel coming toward my direction?!"Tila hindi makapaniwalang wika niya.
Well,nakakashock naman talagang malaman na lalapitan ka ng katulad ni Anton Louie. Bilang pa lang yata sa mga daliri ko sa kamay ang time na nakita ko syang kusang lumapit sa isang tao. 
Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyong sinasabi ni Kris. At totoo nga patungo sa direksyon namin si Anton Louie.

            
 

His Secret AdimirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon