Chapter 2

3 0 0
                                    

Nagtama ang tingin namin ni Anton Louie at ang puso kong lihim na humahanga sa kanya ay hindi napigilan ang mabilis na pagkabog. At lalo pang bumilis iyon ng tuluyan syang makalapit sa amin particularly sa tabi ko.
'Oh God! Wag sanang marinig ng mga kaibigan ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalong-lalo na ni Anton Louie. Dahil kung hindi lagot ang greatest secret ko!'
"Yes? Ako ba ang kailangan mo,Anton Louie?" kumikislap ang mga matang tanong ni Kris. Unlike me,open book sa lahat ang pagkakaroon ng crush ni Kris kay Anton Louie.
Sometimes, I wish I could be like Kris na expressive. Hindi nahihiyang ipaalam sa lahat ang tunay na nararamdaman. Kaya lang, anong magagawa ko? Eh, sa ganito ako. I don't want to change just because I want to be someone like Kris. Mawawala naman ang identity ko non. Ang tunay na ako. Kung gugustuhin ako ng taong crush ko syempre iyong kung ano ako hindi iyong kung paano ako naging dahil sa kanya.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa tagiliran ko at ng tingnan ko kung sino ay si Shaine pala. "Hoy! Ara,kinakausap ka ni Anton Louie. Sumagot ka kaya," wika nya sa akin.         
OMG! At nakatulala pa ako sa harap nya! Waaah! Nakakahiya!!! Pulang-pula na yata ako! Sana bumukas na lang ang lupa at lamunin ako ng buo! Pero syempre hindi iyon mangyayari. I have to compose myself back to reality dahil kung hindi mahahalata nila at malalaman ang aking greatest secret. Wake up Ara! Wake up!
"Y-Yes?A-Anong sinabi mo?" nagba-buckle kung naitanong. Kinakausap nya pala kasi ako ng hind ko alam. First time kasi kaya parang hindi ako makapaniwala. Biruin mo 'yon sa loob ng halos apat na taon ko sa high school ay ngayon nya lang ako kinausap? Wow! Mayroon pa pala talagang himala kaya mali si Nora Aunor na walang himala,diba?
"I'm asking if you brought your guitar? Hihiramin ko sana, nasira kasi yong guitar ko accidentally ," ulit niya sa sinabi nya kanina na hindi ko naintindihan rather di ko pala narinig.
Ang ganda pala talaga ng boses nya. Very manly. Hindi na 'ko magtataka na maraming babaeng naaakit sa kanya. Dahil naman! Boses pa lang, nakakainlove na!
Teka nga pala, hindi ko pa ba nasabing naggigitara rin ako? And I must say I'm good at what I do. Sobrang idol ko kasi si Avril Lavigne kaya ako natuto. Ang galing nya kasi. Pero syempre hindi kasama ang outfit nya sa ginagaya ko. Hindi ko kasi kayang magsuot ng mga sinusuot nya. I just love her music.
Paano kaya nalaman ni Anton Louie na naggigitara rin ako? Palaisipan yon sa akin,ah.
"Am-kasi--",siniko ako nina  Kris at Dani. Naman itong dalawang to kung makapaniko. Ang sakit kaya. Tiningnan ko tuloy sila ng masama kaya lang deadma.  Dahil hindi lang pala kasi ako ang natutulala sa harap ni Anton Louie, pati mga kaibigan ko. At kinikilig pa talaga sila?Hay! My secret is safe! Kaya lang ang dami kong karibal!
Ngumiti ako kay Anton Louie."Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko. Ganyan lang talaga sila kapag nakakakita ng gwapo," sabi ko sa kanya para maitago ko ang aking nararamdaman. Ang mga kaibigan ko naman kasi parang mga ewan lalo na si Kris, kulang na lang yakapin niya si Anton. Nakalimutan na nga rin yata niya ang ginagawang assignment.
"Its ok. Sanay na ko. I think I have always that kind of effect on girls," pa-humble nyang sagot.
Hindi naman sya mayabang no?
"Ah,sanay ka na pala,"sa kawalan ng masasabi ay iyon lang ang naisatinig ko.
"Did I sound conceited? Mukha kasing hindi ka agree sa sinabi ko."
"Conceited? No. Of course not,"umiling- iling pa ko for emphasis."I think your just stating a fact. " Pagtingin ko sa mga kaibigan ko ay nabasa ko sa mga mata nila ang pagtataka. Para bang maraming katanungan ang gusto nilang itanong sa akin. Oo nga naman,kung mag-usap naman kasi kami ni Anton Louie para bang close kami samantalang iyon ang first time na nangyari iyon. Sigurado,tatadtarin ako ng tanong ng mga ito mamaya.Hay!
"You think so?" Ngumiti sya sa kin na ikinalitaw ng kanyang pang-commercial na ngipin plus his cute dimples.
OMG! Sino bang makakahindi sa mga ngiting iyon. Malalaglag na yata ang puso ko sa sobrang pagkabog.
"Y-Yah. I-i think so. Am...about dun sa guitar, I could lend it to you. Kaya lang nasa classroom. Do yo need it now?" parang casual lang yong pagkakasabi ko pero deep inside me ay para akong ewan na di maihi. Ang hirap naman kasing maka-get over agad sa mga ngiti nya.
"Hindi pa naman. Maybe later. Kukunin ko na lang sayo mamaya. Okay lang ba?"
"Sige. Puntahan mo na lang ako sa classroom before breaktime."
Tumango lang sya bilang tugon, pagkatapos ay nag-thank you at umalis na rin.
Pagharap ko sa mga kaibigan ko ay tila ito mga paparazzi na sabik makakuha ng big gossip. "What?" sabi ko sa kanila.
"Anong what? What is that all about? Close pala kayo ni Anton Louie ng hindi namin alam. Nakakatampo yun ah,"sabi ni Kris na umismid pa at nangalumbaba. 
"We're not close, okay? It was the first time we talked,"sagot ko sa kanya. "At teka nga,why do I have to explain myself? What's the big deal kung kinausap man ako ni Anton Louie?"
"Its a big deal because we're talking about Anton Louie here. The campus hearthrob and take note, hindi sya nagsungit sa'yo." Sabi ni Naomi.
"You're right Naomi. I agree. This friend of ours has a lot of explaining to do. Imagine!Anton Louie Baraquel talked to her as if we're not here", segunda ni Gwen.
"He only talked to me because he needs something from me and it's my guitar. He wants to borrow it. And all of you heard everything he said,"explain ko sa kanila. Hay! Ano bang nangyayari sa mga kaibigan kong ito? Mag-aaway-away ba kami dahil sa isang lalaki? Dapat yata kalimutan ko na lang ang pagkakaroon ng crush kay Anton. Wala pa ngang nakakaalam complicated na agad. Saklap naman ng buhay!     
"Nasa Amerika ba ako at kanina pa ako nakakarinig ng english words and sentences?" pagbibiro ni Jane na tila nakahalata sa not so good atmosphere na namomoo sa amin.
"Oo nga Jane kanina pa dumudugo ang tenga ko sa mga naririnig ko,"sabi ni Amanda na kunwari ay hinawakan pa ang tenga.       
Napabuntong hininga ako. Tila kasi walang pumansin sa pagbibiro nila Jane at Amanda. Tahimik lang sila Kris, Gwen, Dani at Naomi. Si Shaine ay deadma lang sa pag-eemo ng apat. May iba kasi itong crush at kadaraan lang. Ang Math genius na si Reginald. Elementary pa lang kami ay crush na nito iyon. Gwapo rin naman kasi at mabait.
"Pwede ba itigil nyo na yang pagsisintir ninyo. Hindi bagay. Me and Anton Louie are not close. I'm a little confused myself. Dahil sa dinami-dami ng estudyante ng St. Claire Academy na may gitara, ako pa talaga ang pinili nyang hiraman. Eh,hindi ko nga alam kung paano nya nalaman na may gitara ako. "
Lumabi si Dani,"Huh? Talaga lang ha? Baka naman nang-eechos ka lang?"
"Swear, I'm telling the truth",itinaas ko pa ang kamay ko na tila nanunumpa. "Araw-araw tayong magkakasama pero ngayon lang nangyaring nilapitan nya ko at kinausap. Tayo-tayo lang,magsisinungaling pa ba ko. Teka nga,ano ba talaga ang issue dito? Na hindi kayo kinausap ni Anton Louie o akala nyo ay nagsisinungaling ako?"
"Dahil hindi mo man lang kami ipinakilala,"imporma ni Kris."Andon na eh. Lumapit na sya. Chance na namin iyon. Pero nagbabay na sya't lahat hindi mo man lang kami pinakilala. "
Napatawa ako. "So iyon ang ipinagsisintir ninyo? Dahil hindi ko kayo ipinakilala? Why would I do that ni hindi nga kami properly introduce at hindi kami magkaibigan. Nakaka-akward kaya yon."
"Tama! Awkward nga yon!" pagsisigunda ni Amanda sa akin. Mabuti pa sya naiintindihan ako. Itong apat na to, haay!
"Ah basta. Dapat binigyan mo man lang sana kami ng moment para mapansin nya,"matigas pa ring sabi ni Kris.
Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Nagsitayuan na kaming lahat maliban kina Kris at Dani na mukhang masama pa rin ang loob.
"Pwedeng itigil na ninyo yang dalawa. I think Ara has a point. Its embarassing na ipakilala nya tayo sa taong di nya naman ka-close. Don't be so hard headed. Come on, guys?" sabi ni Naomi kina Kris at Dani ng mapansing kandahaba pa rin ang nguso ng dalawa ng makarating na kami sa flag ceremony ground.
"Eh, kasi naman! Sayang talaga!"sagot ni Kris.Lumapit si Amanda dito at tinampal ito sa noo. "Aray naman, Amanda. Bakit mo naman yon ginawa?"
"Ginigising lang naman kita sa kahibangan mo. "
"Eh, bakit ako lang? Diba dapat si Dani din?"
"Huh? Tingnan mo naman sa Dani ayos na. Ikaw lang itong sobra na. Alam mo ba kung bakit?"
"Bakit?"
"Nakalimutan mo lang namang tapusin ang assignment mo sa math dahil sa kasentihan mo. "
"Waaaaah!!!"Biglang tinakpan ni Amanda ang bibig nito.
"Ang ingay mo, Kris."
"May problema ba, Ms. Ochoa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Secret AdimirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon