Aamin na ba ako? Hay hirap maging babae.! Di bale na. Magkikita naman tayo ngayon kasi may pasok.
Dumating ako sa school. Ngunit wala ka pa. Pumunta muna ako sa cr para mag ayos ng sarili. At nag inhale exhale na rin kasi baka ngayong araw ki na rin sabihin na may pagtingin ako sayo.
Pag labas na pag labas ko sa restroom, agad na pumunta sa hall way. Ewan ko kung bakit ako pumunta. Trip ko eh.! Hahaha.
Pero habang naglalakad ako papunta sa hall way. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi mo sa iba.
" nasan si nicholle?" Tinatanong mo yan sa iba nating classmate.
Huminto ako sa pag lalakad. At sa pag harap mo, nakita mo ako, at tumakbo papalapit sa kin. Inakap mo ko. Sabay bulong,"wag ka kung saan saan pumupunta. Gusto ko pag dating ko sa school ikaw agad ang makikita ko." Wala na rin akong magawa kundi akapin ka din. Omg! This is my chance.! Kilig pwet na naman ang mangyayari sa kin.
Nag bell na. At kailangan na rin natin bumitaw sa pag akap.
Pero sa di inaasahang move, hinawakan mo ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko. Hinihila mo ako para pumila na ng maayos. Sabi mo," pumila ka na ng maayos. Baka pagalitan ka pa ng teacher natin." "Paano ako pipila ng maayos kung hawak hawak mo ang kamay ko?" Sagot ko. Binitawan mo naman ang kamay ko.
Matapos ang flag ceremony, kinuha na natin ang bag para umakyat sa classroom. 3rd floor ang aakyatin natin papunta dun sa mahiwagang classroom. Pero hinawakan mo yung bag tas sabay hila. "Ano ba yan!" Sigaw ko."akin na bag mo" sagot mo naman.
Ako naman tong si pa hard to get. Pero pinipilit mo ako na ibigay yung bag.kaya sa huli, wala na akong magawa kundi ibigay ang bag ko. ang kulit mo eh. Binuhat mo kasabay ng pag buhat mo sa bag mo. "Alam mo naman ayaw kitang napapagod." Dagdag mo. " yieeee. Sweet mo naman. Swerte yung magiging girlfriend mo." Sabi ko.
Pumunta tayo sa classroom at nilapag mo na ang maganda kong bag. Dumating na ang magaling na teacher. Magaling magbigay ng assignments na si Sir Eric santos. Di ko alam kung kaano ano niya si eric santos na singer.
Sobra sobra magbigay ng assignment yang si papa eric. Papa eric ang tawag namin sa kanya pag nakatalikod siya. Siya ata ang father of assignments sa school. Hahaha. Lalo na math teacher pa namin siya. Sabog ang utak namin sa subject pa lang niya.
Matapos ang buong araw natin sa school, si papa eric lang ang may assignment sa tin.
Hinatid mo naman ako sa bahay. Shemang kabayo with hair ka naman leo! Masyado mo naman ako pinapakilig eh. Nako!.
Dumating tayo sa bahay namin at bumugad sa kin ang nanay ko.
"O anak! Di mo naman sa kin sinabi na may bisita ka. " sabi ng nanay ko.
"Mama , si leo nga pala bestfriend ko." Sabi ko. Mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag bukas mo ng gate at inalalayan siya sa papasok sa bahay natin. Hindi ba dapat ako ang inaalalayan mo? Ako anak mo eh. Outcast lang pala ako dito.hahaha. drama ko.
Sabay tayo gumawa ng assignment na binigay ni papa eric. "Ang talino mo pala sa math?" Sabi ko." Ganyan ako pag inspired." Utag mo.
Umuwi ka na ng bahay niyo kasi pinapalayas na kita sa bahay, dahil kilig na kilig na ko sayo. At ang atensyon ni mama ay na sa iyo na.
--
Author's note:
Sana magustuhan nio ang susunod na chapter. Aamin na kaya si nicholle kay leo? Tulungan niyo siya kung paano sasabihin kay leo kung aamin man siya.
Love,
Nicole
BINABASA MO ANG
anino
Romanceang mga babae di kayang ipakita ang totoong nararamdaman. minsan sa panlabas nila masaya, pero sa loob loob nila, ang sakit sakit na.