Tumagal pa ang pagiging super close natin sa school. Nagtataka na rin ang ating kaklase sa kinikilos ko at kinikilos mo. Masyado raw tayong sweet. Naks naman! May spark pala tayo. Hahaha
Sabado ngayon. Hindi lang basta bastang sabado,nakakatamad na sabado. Ang tagal ko na ring pinaplano na sabihin ko sayo ang nararamdaman ko sayo, pero di ko magawa. Parang pag kaharap kita, may tape ang mukha ko.
Umaga't nakahiga pa rin ako. Kinuha ko na lang yung phone ko sa ilalim ng unan. Dun ko na nilalagay yung phone ko kahit na may table sa tabi ng bed ko. Kasi naman yung nanay ko kinukuha yung phone ko at nagbababasa ng message.
Tingnan ko ang contacts ko kung sino pwede i text. Nakita ko pangalan. Kaya tinext kita."hi goodmorning!"
Umilaw ang phone ko. Nabasa ko ang reply mo "goodmorning din. Pwede ka ba ngayon.?"
Di ko alam kung ano ang isasagot ko dahil ako nga yung tipong pa hard to get. Pero di kita natiis." Oo naman.! Free na free ako ngayon."
Umilaw ulit ang phone ko. " ok. Kita tayo sa karinderya malapit sa inyo. 9:00 am"
Agad agad akong bumangon sa kinahihigaan ko at naligo. Ang oras na kasi ay 8:30. Bat pa kasi ganung oras yung naisip mo leo?
Natapos na ko maligo at namimili na rin ako ng susuotin. "Hmmm... Ano kaya susuutin ko? T-shirt? Shorts? Ahh alam ko na ! DRESS!".
kinuha ko na ang phone ko para itext kita na tapos na ko. Nabigla na rin ako ng magreply ka kaagad."dito na ko sa gate niyo"
Walang alin langan na nagpaalam sa nanay ko kahit bangag pa ito. Puyat kasi kagabi. Lumabas na rin ako ng gate at nilock ko ang gate. Abot ko yung lock kasi mahaba yung braso ko. Flexible ata to.! Hahaha
"O leo. Bat ka pa nakatunganga diyan? Pumunta na tayo sa karinderya!" Yan ang bungad ko sayo.
Bigla mo na naman ako inakap at bulong"ganda mo!". Ano ba nakain mo leo. Hilig mo talaga bumulong with matching akap.
Hinawakan ko na kamay mo dahil para ka ng na istatwa sa kakatingin mo sa kin.
Hinila nankita papunta sa karinderya. Di ka man lang nagsasalita.
Nang makaupo na tayo. Bigla ka naman sumigaw." Bat tayo nandito.?"
"Ito naman yung sinabi mo na kung saan magkikita tayo."
"Tanga dito tayo magkikita pero di tayo dito kakain."
Aray na tanga pa ako.
Hinila mo na naman ako at mabilis pumara ng jeep papuntang MOA.
"Anong gusto mo?"
"Sigurado ka ililibre mo ako? ang mamahal dito. Sa iba na lang tayo." Sambit ko.
"Basta pumili ka. Gusto ko espesyal na araw to."
Pumili naman ako. Kahit na nagtataka sa sinabi mo. Espesyal na araw? ano meron?
Umupo na tayo kasma ang ating order.
" may sasabihin ako sayo." Sabay tayo nag sabi ng ganun.
"Ikaw muna." Sambit mo.
"May sasabihin sana ako." Pautal utal na sabi ko. Nangangatog din ako sa kaba dahil bakaagkasalungat tayo ng sasabihin.
Nagulat na lang ako ng bigla mo hinawakan ang kamay ko.
"Mahal kita."
Nagulat ako sa sinabi mo pero sinabi ko sayo " mahal na din kita. Galung parehas tayo ng sasabihin."
Sabay ka naman tumawa ng malakas.
"So tayo na.?" Sigaw mo
"Ano pa nga ba e di oo tayo na." Sambit ko.
Ipinagsigawan mo sa buong restaurant na tayo na. Tuwang tuwa naman ako kasi di mo ako kinakahiya.
--
Author's note:
Sarap magmahal. Pero walang kasiguraduhan kung kelan ito tatagal.
Abangan niyo sa susunod na mangyayari sa kanila.
Love,
Nicole

BINABASA MO ANG
anino
Romanceang mga babae di kayang ipakita ang totoong nararamdaman. minsan sa panlabas nila masaya, pero sa loob loob nila, ang sakit sakit na.