When i woke up, I find myself in a certain place. I was at the top of some mountain rocks but when i look down, I saw a castle with seven gates.
Napailing-iling ako. Where the hell am i? Hindi ko naaalalang gumaganap ako ng isang movie o kung ano!
Huh? Wait, Bakit wala akong maalala? Parang walang laman ang utak ko at tanging alam lang ay yung pangalan ng kung sino. Airam. Sino si Airam? Ate ko? Mama ko? Tita ko? Ah! Bahala na kung sino!
Tumalikod ako at naglakad papalayo doon sa aking nakita. Ewan ko pero, sinasabi ng instincts ko na hindi magandang lumapit sa lugar nayon kaya mas mabuti ng magpakalayo-layo muna ako.
Habang naglalakad, nag iisip ako kung nasaang lugar ba ako at kung bakit wala akong maalala. Is it possible na napunta ako sa isang mundo na out of the earth and encounters some hotties? Tapos may mga powers sila at may mga demons and Gods or whatsoever?
Hell that'll happen.
Sinipa ko iyong maliit na bato at nasapol ang isang puno. Napatingin naman ako doon at nakakita ng apple. Natakam ako kaya nilapitan ko iyon.
Kukunin ko na ng biglang may ahas na nagpakita. Nanlaki ang mata ko at napapikit nalang, hinihintay akong kagatin dahil hindi na ako aabot sa paglayo ng aking kamay, masyadong mabilis yung ahas. Mga ahas nga naman.
"You need to be careful, this snake is poisonous. You'll get killed even if its only a scratch." napamulat ang isang mata ko ng may marinig akong nagsalita.
Isang lalaking nakangiti habang hawak hawak yung ulo ng ahas. Agad ko namang binawi ang aking kamay at hindi na kinuha iyong mansanas. Lessons learned.
"S-sino ka naman?" tanong ko sa kanya. Base kasi sa pananamit nya, sobrang iba kumpara saakin. Hindi ko alam pero parang nakakita na ako ng damit na suot nya eh, hindi ko lang matandaan.
He smiled. "I'm Limbo, The guardian of the first circle." binitawan nya na yung ahas at lumayo sa kanya ngunit napako padin ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Maamo ang kanyang mukha at nakangiti parin saakin. Yung mga ganitong mukha pa naman ang mahirap pagtiwalaan. Atyaka anong guardian ng first circle na sinasabi nito?
"Anong circle-circle ang sinasabi mo? Atyaka nasaan ba ako? Bakit wala akong maalala?" konot noong sunod-sunod na tanong ko.
I can't help it! Hindi ko alam kung nasaan ako no? Atyaka may kasama akong isang lalaki na kakaiba ang pananamit at may lakas loob na hawakan ang ahas na kakagat sana saakin. Baka kung anong gawin saakin neto.
Bumuntong hininga sya. "You're in hell."
"Huh?" nu natira nito?
"Nasa Hell ka. Nagsalita na ako gamit language mo. Baka hindi mo pa maintindihan?"
Tumalikod ako sa kanya at nagisip isip. Seryoso? Hell to? Pero bakit parang kakaiba kumpara sa mga paniniwala naming mga tao?
Wait... Hell? Hala! Ano ginagawa ko dito?
Humarap na ulit ako sa kanya. "Y-you're pranking me, right?" nakangiwing tanong ko sa kanya.
Umiling-iling sya. "I'm not. The castle with seven gates and the people inside is more than enough proof for you to believe, right?"
Napalunok ako. I've heard this story before. Hindi ko lang alam kung saan at kailan. Does this mean i'm dead? Lumapit ako sa kanya. "H-how can i escape from hell, Limbo?" i asked without hesitation. He opened his eyes and looked at me seriously.
"There's no escape from hell, Little girl. You know that better."
"K-kahit anong way o kung gaano kahirap man yan gagawin ko para makaalis dito kaya please, Tell me..."
BINABASA MO ANG
9 Circles Of Hell
FanfictionWhat will happen when we die? Is there a heaven o hell? Karamihan sa mga tao ay napapaisip ng ganyan. Pero pano kung totoo pala lahat ng iyon? May heaven at hell, may Gods and Demons, at totoo yung 9 circle? Meet Airam, the girl who died at the age...