Chapter 1 Part II Limbo

19 13 5
                                    

I said that to him pero... Why the hell am i being his lackey?

Pagkatapos lahat ng madramang nangyari, inuutusan nya na ako at nagchechange ng subject sa tuwing tatanungin ko kung ano ba ang challenge na ibibigay nya saakin para makaalis na ako dito at makapunta sa second circle!

"After you're done picking those leaves, get me an apple. I'm hungry." nakangiting utos nya saakin. Yung way nung tono ng pagsasalita nya ay nakakainis. Parang ineenjoy nya na tignan ako habang sinusunod ang bawat utos nya.

Hindi uso sa impyerno ang mga walis at dustpan. Kamay mo ang kailangan pangkuha ng mga kalat sa sahig. Wala ding garbage bag at doon ko nilalagay sa isang puting tela na mahaba na parang garbage bag pero hindi plastic na binigay nya saakin.

Ipapasunog nya nalang daw sa lugar ni Heresy. As far as i remember iyon ay iyong sixth circle. Nakikikapit bahay din pala itong mga to.

"You see, I'm not here to be your lacke--"

"Obey my orders and i'll tell you what your going to do." i rolled my eyes. Binilisan ko na ang pagpupulot sa mga dahon. Nanggaling ito mula doon sa mga puno ng gubat at di hamak na medyo madami-dami ang nakakalat sa sahig.

Natapos ko na din sa wakas! Hinubad ko ang aking itim na jacket para gawin isang lalagyan ng mga mansanas. Jusko! Mukhang magkikita muli kami ni Ahas. Alam na ngang muntikan na akong kagatin papakuhain pa ako. Pero kaylangan kong gawin, dito nakasalalay ang pag alis ko dito sa impyernong to.

Naglakad ako papuntang gubat at pumunta doon sa puno na kung saan kukunan ko sana ng mansanas kanina. Hindi pa nagpapakita si Ahas saakin, sure ako na magpapakita to pag pipitas na ako ng bungang mansanas. Sya ata ang nagbabantay sa mga bunga ng puno eh, makikiiusap nalang para mas madalian.

"M-manong Ahas..." tawag ko sa kanya at bigla itong nagpakita na ikinabigla ko naman. The snake responded to me! Sinong hindi mabibigla doon? Napalunok naman ako at pinakalma ang sarili saka nakipag eyes to eyes sa mga mata nya. F-feling ko anytime na tatalunin nya ako mula sa punto para paluputan at gawin akong pagkain. His eyes is so damn intimidating. "P-pwede po bang m-makakuha ng mansanas kahit t-tatlo o apat lang? Inuutusan po kasi ako n-ni Limbo na manguha ng mansanas d-dahil nagugutom daw sya." Pakiusap ko dito. Para akong tanga dito na kinakausap ang isang ahas. Alam ko namang hindi ako naiintindihan nito, pinagpipilit ko pa ang sarili ko. Bahala na! Sa ngalan ng kalayaan ko.

Umalis sya at bumalik muli doon sa taas. Napangiti naman ako at ilang beses nagpasalat sa kanya habang magkadikit ang magkabilang kamay na parang nagdadasal, at second thought. Napagtanto ko na nasa impyerno pala ako.

Kumuha ako ng apat na mansanas at nagpaalam na kay Manong Ahas. Nakangiti akong naglalakad pabalik sa kanya habang hawak-hawak iyong jacket ko na ginawang lalagyanan.

"Eto na! Buwis buhay kong kinuha to para sayo! Sabihin mo nadin kung ano ang aking gagawin para mapabilis ang pag alis ko dito." sabay abot sa kanya nung mga mansanas na kinuha ko at syang pagpagpag ko naman sa aking jacket at isinuot muli.

"Wow, akala ko kakagatin ka na ng ahas doon at hindi magiging ganon kadali ang pagbalik mo dito, i'm amazed." hindi makapaniwala nyang sabi saakin.

This man is trying to kill me.

"Be grateful! Nagmukha pa akong tanga ng dahil dyan. Buti nalang naiintindihan ata ako nung ahas doon at nakiusap nalang."

"Now, now, There's no need to rush. Wala pa akong guarantee na makakaalis ka talaga dito kahit na matapos mo ang mga challenges na ibinigay sayo naming siyam. I mean, wala pang tao ang nakakaalis sa impyerno, but if you did, i would gladly serve you and protect you from shadows... Only if you did." napa'tch' nalang ako sa sinabi nya. Alam ko naman iyon, pero kahit imposible gagawin ko dahil kahit imposible ay nangyayari. I would never give up kahit anong pagsubok ang aking susubukin.

9 Circles Of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon