Chapter 1 Part III Limbo

9 9 3
                                    

T-this is getting into my nerves!

"Hi, miss! Witwew." bati saakin ng isang lalaki dito sa 3rd floor at may pa'witwew' pang nalalaman.

Natapos na ako sa 2nd floor since sobrang tahimik lang nila pero ngayong 3rd floor na, mas malala pa tong mga to kaysa doon sa una!

"How can you roam so freely? Cheater!" away naman saakin nung isa. May mga ibang language din na nagsasalita saakin pero hindi ko maintindihan.

Madami sila actually, all over the world ba naman ang hell eh. Madami-dami kaya ang namamatay halos araw-araw kaya sobrang laki nitong castle nato at sobrang dami din ng tao.

Napaface palm nalang ako. Para silang mga zombie na nakakulong at nakakita ng isang tao, pinagkakaguluhan nila at pilit na inaabot kahit na anlayo ko naman sa kanila. Kahit nandidito sila, karamihan ay mga wala paring modo o hindi manlang magrepent ng kasalanan nila. Hindi parin sila naniniwala sa panginoon at langit kahit na alam nilang may impyerno.

Nakakabingi ang pinagsama-sama nilang mga boses. Lalo na yung mga ibang lahi na hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi. Hindi ko rin sila magsisi na umangal ng makita ang isang katulad ko na katulad nila ay nagagawa ang kanyang gusto at malaya pa--yun siguro ang nakikita nila saakin pero ang totoo, hindi. Mas mahirap ang kalagayan ko kaysa sa kanila. Forcing myself to escape kahit na alam kong imposible, i even interacted with a guardian of the first circle, becoming his lackey, accepting challenges to escape this place, and lastly no memories.

I want to tell them all of that pero hindi ko magawa because i'm dealing with a bunch of lunatics! There's no way they'll understand me.

Diretso akong nakatingin sa dinadaanan ko at hindi sila pinapansin. I continued walking, without paying attention to any of them. I'm just here to patrol and check if there's something wrong about the building or any casualties, not to deal with them.

Biglang ay nagbato saakin ng isang bato, pero mas malaki pa iyon sa kanina. Akala nila masasapol ako noon pero nabigla ang lahat ng makuha ko iyon gamit ang aking kanang kamay lamang habang seryosong nakatingin doon sa bumato. Kita ko ang takot sa kanilang mga mukha habang nakatingin saakin. Nabalik naman ako sa aking sarili ng maalala nalang ang aking nagawa.

I was drowned at thinking that even i didin't notice that my body is unconsciously moving. D-do i always have that kind of reflexes? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa bato na hawak-hawak ko.

Binalik ko ang tingin doon sa nagbato. Umatras sya papalayo hanggang sa makasandal doon sa pader. "D-demon!" he said while pointing his finger at me and shouting. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at pinagdedepensahan ang sarili ko pero walang nakikinig saakin.

Nilibot ko ang tingin sa kanila at naakita ko nalang na lumalayo nadin sila katulad nung lalaki kanina. "D-demon! G-get out of here!" taboy nila saakin.

"N-no. I'm no--"

"GET OUT OF HERE!! MONSTER!"

I moved forward. Naalala ko na mga wala sa tamang isipan ang karamihan sa kanila, no use at arguing.

Habang naglalakad, hindi parin mawala ang pagbaling ng atensyon ko sa aking nagawa kanina. I just stared at them seriously, they freaked out already. Gusto kong makita yung itsura ko pero walang salamin dito. It's just a castle for sinners, kulungan ng mga makasalanan.

Ihinagis ko habang nakatalikod iyong bato na hawak-hawak ko saka umakyat na papuntang 4th floor.
Whatever, i need to be ready in this kind of cases. Dahil pag nalaman ko na ang katotohan, kailangan kong humanda para tanggapin ang sarili kong mga nagawang kasalanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

9 Circles Of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon