Status Update: "Single"?!?! Diba dapat "Complicated"...
Profile Picture: "Anne Curtis"?!?! Pangit ko kasi eh...Buhay nga naman... buhay pag-ibig pala, sorry ! Ang complicated kasi eh... Yung para bang mamamatay ka sa kilig ng pero hanggang panaginip lang. Kulang nalang bumili na lang ako ng boyfriend sa isang tindahan or sa online shopping, gaya nung nasa tele novela yung korean ba yun ah basta alam niyo na yun! Kilig muchh!!!!
Pero ipapakilala ko muna ang sarili ko sa inyo... Ako nga pala si Jennifer Laude, ang babaeng di tinatamaan ng pana ni kupido. Chararat man ang mukha ko at wala nang pag-asang makapag asawa ng matinong lalaki, nabiyayaan naman ako ng buhay na pagkaganda-ganda dahil mayroon akong mga magulang na mababait at sinosoportahan ako. Wala akong kapatid dahil namatay na daw siya nung kapanganakan niya ewan ko may kwento kwento sila. Di maramya ang buhay ko at malayo rin sa gulo. Pero pagdating sa social media baliw na baliw ako... Kumbaga para bang wala na akong buhay na kinagigisnan sa labas ng social media. Internet ang naging buhay ko simula nung grumaduate ako ng kolehiyo di ko pa planong magtrabaho kasi gusto ko munang magkaroon ng boyfriend. Hindi ako mapili sa lalaki pero kung gwapo at matino siya go ako, pero kung tinapakan ng kalabaw yung mukha at mas madalas pa sa ibang babae aba maghahanap nalang ako ng iba.
Marami na akong naging crush nung nag-aaral pa ako pero parang lahat naman sila ayaw sa akin... Kaya nung nasa high school na ako nagsimula na akong mag eyeball at makipag chat sa mga online sites. Pero nung eyeball na ang papangit pala kaya sinira ko yung puso nila... Meron namang mga lalaki na parang mga anghel sa sobrang gwapo pero bakla naman! Ano ba ang sapat kong gawin tinanong ko yun sa salamin. Hahayaan ko nalang ba na tumanda akong dalaga at virgin? O maghunting pa ng mga boys diyan sa tabi tabi...
Isang araw, merong lalaki na nakakuha ng puso ko... Ang gwapo niya para bang mamamatay na ako. Naka eyeball ko siya nung isang araw... Nagandahan daw siya sa akin. sabi ko naman "I'm so flattered" kasi kala ko kano siya sa sobrang puti niya kasi sa picture niya eh. Sabi naman niya "Di mo kailangang mag english". Kala ko wala na kaming chance na magkaintindihan pero kaya naman Pinoy pala. Kaya kinilig ako ng sobra sobra halos mabasag na yung bintana namin kasisigaw at magiba na yung kama ko kalulundag! Tinanong niya kung may Skype ako sabi ko naman "Oo"... Tinanong niya kung ano yung username ko... Sabi ko naman "jenlauferde" tapos bigla nalang may nag video call sa akin... Siya pala yun nako! ang gwapo jusko po maiinggit mga kaibigan ko neto! Teka ang pangalan nga pala niya ay Jonas ang aking prince charming at one true love... Na love at first sight daw siya sa akin... Pero as time flies nag chat lang kami ng nag chat hanggat sa maging close na kaming dalawa!
BINABASA MO ANG
KAIBIGAN o ka-IBIGAN?
RomanceIto ang storya ng isang babaeng naghahanap ng one true love... At nahanap niya ito sa isa niyang kaibigan na di umano ay naging kanyang ka-ibigan