Chat pa more!

40 0 0
                                    

Chat lang kami ng chat... minsan voice call minsan video call... Kung ano man yung matipuan naming gawin! Di pa man kami nagkikita ng personal pero parang na dedevelop na kami sa isa't isa! Nakakakilig noh!

One time sa chat namin. Nagselos siya sa akin. tinanong niya sino daw yung lalaking kasama ko sa picture nung isang araw. Sabi ko "Di pa naman tayo ah? Napaka over protective mo naman at napaka seloso.. Di ko yun boyfie single pa 'ko noh! Bestfriend ko kasi yun!"... "Ah sorry naman ha! di ko kasi alam... Sorry ha!" reply niya with sad emoji pa! Kinilig naman ako ng sobra sobra! "Ok lang yun di ko naman kasi sinabi sayo eh" Reply ko sa kanya... Nag chat lang kami ng nag chat hanggang mag sawa kaming dalawa. 

Napagod na yung mga daliri ko at lahat lahat katatype ng message at sumakit na rin yung mata ko dahil maghapon nang naka tutok yung mga mata ko sa screen ng laptop ko. Pero di pa rin kami nagsasawa sa kachahcat hanggang sa dumating na yung oras na tinanong niya ako kung kailan kami pwedeng  magkita yung personal na meeting daw... Di na ako nakareply kasi di ko alam kung ano isasagot ko. Pero gustong gusto ko talagang makita siya in person! Kaya yung nireply ko nalang sa kanya is "Basta maghintay nalang tayo ng next grand eyeball"... Sabi naman niya "sige!" at nireplyan ko siya ng "sumipot ka ha... aasahan ko yung dating mo doon" Di ko sure kung pupunta ba siya o hindi wala kasi siyang reply eh.. Biglang nag offline matutulog na siguro.

Alam ko na mas totoo ang lahat kapag personalan pero ako kasi yung tipo ng tao na kikilalanin ko muna yung isang tao bago ko siya mahalin... Masabi ko man na kinikilig ako pero nararamdaman ko lang yun dahil nasa isip ko palang pero ang tunay na kilig ay yung mahawakan mo siya ng personalan at hahawakan ka rin niya. Dinadaan man namin ang lahat sa mga eyeball at chat pero may nararamdaman pa rin kami para sa isa't isa. Sa tingin ko nga mahal na niya ako kasi kahit sa simpleng litrato na may kasama akong iba nag seselos siya paano pa kaya pag kami na?!

Sabi ng iba di daw ako magkakaroon ng love life kasi bukod daw sa chararat kong mukha at pagtago sa dilim habang walang nakakakita wala naman daw kasi akong mga kaibigan mayroon pero mga isa hanggang dalawa lang. Pero sa ngayon na nahanap ko na si "THE ONE" masasabi ko na mali sila kahit hindi pa man kami official na in a relationship... Pero alam ko at alam ng puso ko na kailangan kong maghintay para sa tamang oras na masasabi ko na siya yung mahal ko. 

Minsan sa mga chat hindi totoo ang lahat, minsan sabi sabi lang ang mga ito at minsan naman ay totoo. Malalaman mo lang ito kung talagang kilala mo na yung nag-iisang taong mamahalin mo at minamahal mo! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAIBIGAN o ka-IBIGAN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon