Question 8
Hera's POV
It's my vacant hour and sakto naman na vacant din ung dalawa kong groupmate for reporting next week sa communication so I'm waiting for them here sa bench. Sana lang dumating sila kasi hindi ko naman sila kaclose.
Sobrang pagdadasal na ung ginawa ko na sana kahit sino kina Mina at Bria makasama ko para may maasahan naman ako kaso malas talaga ako dahil ni-isa sa kanila ay wala akong nakasama.
"Hera! Sorry nalate kami. Nag-overtime kasi ung isa naming prof sa major." Pagpapaliwanag ni Rave habang papaupo dito sa kaharap kong upuan.
"Ok lang. Akala ko nga hindi kayo dadating."
"Ha? Imposible mangyari yun. Sobrang nagmamadali nga si Rave na puntahan ka." Sinamaan agad ni Rave ng tingin si Rod at siniko ito sa sikmura. Nakita ko namang nasaktan si Rod sa ginawa ni Rave.
"Syempre, nakakahiya naman kay Hera na siya pa mag-aantay sa'tin. Wag mo nga iyan lagyan ng malisya, tsk." Kita ko ang pagsama ng tingin ni Rave kay Rod. Kaya para makapag umpisa na kami ay nilabas ko ung notes ko sa communications para mapaghatian na namin ang mga dapat gawin.
"Oo na, oo na makinig na kayong dalawa sa akin. Sino sa inyo ung marunong gumawa ng powerpoint?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Mabilis na itinuro ni Rod si Rave kaya naman pinaliwanag ko dito ang mga dapat nitong ilagay sa powerpoint presentation namin.
"Rave nakikinig ka ba?"
"hmmm"
"Rave to Earth??" Medyo napakunot ang noo ko dito dahil parang hindi ito nakikinig sa itinuturo ko kaya naman tinignan ko na ito sa mata.
"Tsong tawag ka ni miss leader."
"Ay, anggandamopalasamalapitan." Pare-parehas kaming tatlo nagulat sa sinabi ni Rave. Napatakip naman si Rave ng bibig niya.
"Ang ibig kong sabihin ang ganda pala sa malapitan ng sulat mo. Bakit hindi ka nag-archi?" I just shrug it off na lang ung sinabi niya. Ayoko magka-ilangan sa grupo namin lalo na't next week na ung presentation at isang buong sem ko pa siya makakasama sa klase.
"Wala kasi akong future sa pagdrawing. Hahaha."
"Alam mo bagay sa'yo ung nakatawa. Hindi ka mukhang mataray."
"Tsong, easyhan mo lang. May bf na yan." Pabirong siko sa kanya ni Rod.
"Actually wala na. Lol. It's been a month mula noong nagbreak kami."
"Pasensya na. Rod kasi ang daldal mo alam mo ba yun? Daig mo pa babae. Kung hindi mo alam, ngayon alam mo na tsong."

BINABASA MO ANG
He's Anon
RomantikAng kwento nating nag-umpisa sa "Hi" at nagtapos sa "Seen". Ang lakas kasi ng loob mong landiin ako pero hindi mo pala jo-jowain. Highest rank: Rank 1 in Ghosting Stories