The Blue-eyed Angel

101 2 0
                                    

The Blue-eyed Angel  

Tuwing Linggo, nakagawian na naming magsimbang pamilya kada alas-kwatro ng hapon. Isa na siguro iyon sa mga tradisyong hindi na maaalis sa pamilya namin. 

"Aina, bumili muna tayo ng sampaguita saglit" pagyayaya ni mama 

"osige po" sagot ko 

"osya, bumili muna kayo ng sampaguita, kukunin ko na yung sasakyan. Magkita na lang tayo sa may gate" sabi naman ni papa 

Tumango na lang kami at umalis na si papa. Naglakad-lakad kami sa mataong patio ng simbahan para maghanap ng mabibilhan ng sampaguita. Weird, usually, madaming bata ang nagkalat dito na may bitbit na binibentang sampaguita. Oo, nakakalungkot mang sabihin pero kadalasan mga bata ang nagbebenta dito na imbis na maglaro, ay maagang nagbabanat ng buto. Pero bakit ngayon parang wala akong makita? Puro taga-benta ng lobo at langis ang nagkalat. 

"aba't bakit wala man lang akong makitang nagtitinda ng samapaguita dito?" sinambit ni mama ang bagay na pinagtataka ko kanina pa 

"manong" lumapit na ko dun sa lalaking may tindang mga lobo "wala na ho bang nagtitinda ng sampaguita rito?" 

"ah yun ba!" sagot ni manong "naku, halos lahat ng batang nagbebenta ng sampaguita nandun!" may tinuro si manong na direksyon na sinundan namin ng tingin. "may mga dumating kasing namimigay ng libreng pagkain sa mga bata. Kaya ayun sinugod nilang lahat" 

Oo nga, sa hindi kalayuan may mga kumpol ng bata parang nagkakagulo. May mga iilang nakaputi na parang nag-aasikaso sa mga bata. Pinagmasdan naming sila. 

"ano ho ba yan, organisasyon ang nag-chacharity work?" usisa ni mama 

"hindi ko rin alam eh, pero sa nakita ko kanina mga dayuhan yung nandun" sagot ni manong 

"buti na lang may mga katulad pa nilang nagmamalasakit sa mga bata, jusko, nakakaawa nga yang mga batang yan" sabi ni mama 

Patuloy ko silang pinagmasdan. Maya-maya pa ay nagsipulasan na yung mga bata at may mga hawak ng tinapay at juice. Doon ko na rin nakita kung sino yung pinagkakaguluhan nung mga bata. Isa iyong lalaki, na may hawak na sako. Kahit sa kinatatayuan ko halata ngang foreigner yung lalaki. Matangkad siya, at blonde ang buhok. Tumatawa siya dun sa mga kasamahan nya, hindi ko naman alam kung ano yung pinagtatawanan nila. 

"ako na lang po, bibili ng sampaguita" nilingon ko si mama

"osige, iintayin na lang kita sa may gate?" sabi ni mama 

Tumango ako at umalis na rin si mama. Nilapitan ko yung isang batang babaeng hindi kalayuan sakin at may hawak na tinapay 

"pabili akong sampaguita" sabi ko dun sa bata 

"ilan po?" 

"bente pesos, yung mabango ah" sabi ko 

Sinipit muna nung bata yung hawak nyang juice at tinapay sa kilikili nya para hindi malagalag habang kumukuha ng sampaguita. Siguro nasa mga 10 yrs. Old na to. 

"oy, Alice bakit mo ko iniwan dun. Sabi ko bibili akong sampaguita eh" may lumapit sa amin. 

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Halos malaglag ang puso ko ng makita ko kung sino iyon. Siya yung lalaking may hawak na sako kanina, yung tumatawa, yung matangkad at blonde ang buhok, yung foreigner.... Teka?! Foreigner nagtatagalog?! 

"marunong kang magtagalog?" bigla ko na lang nasabi na hindi man lang nag-iisip. Agad kong pinagsisihan yun dahil pakiramdam ko feeling close ako sa lalaking ito na hindi ko naman kilala. Tumingin siya sakin... 

CERTIFIED 5SOS ONLY: Collection of One-shot 5SOS fanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon