Meljohn's POV
Okay uwian na. So nagbabalak nanaman kami kung san ang gala namin ngayon. Nandito kami sa may tindahan sa may baba ng school namin. Nagiisip kami habang nagyoyosi si iya .tapos sina anne at cj naglalambingan, si donna at edong nakaupo lang tapos si divine nagseselfie. Mahilig magpic yung babaeng yun eh. Tapos ako nakaupo din pala hehehe.
"Ano san na tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Kayo san ba gusto nyo?" Tanong naman ni CJ.
"Kahit san. SM na lang tayo, tomsworld," sabi naman ni donna.
"Ge tara!" Sabi ko naman. Nagabang na kami ng masasakyan naming jeep. Maya maya pa sumakay na din kami.
"Hoy bayad nyo!" Sigaw ko.
"Dre bayaran mo muna ko," sabi ni iya kay donna. Umungot naman si donna.
"Eh! Wala nga kong pera eh papalibre lang ako kay CJ," sabi naman ni donna.
"Oh eto ang bayad ko oh," sabi ni edong sabay abot sakin bg bayad niya. Buti pa si edong. Maya maya pa nagkalabasan na din ng pera. Tapos bumaba na din kami sa SM.
"Kain tayo," yaya ni iya.
"Eggnog!" Sigaw ni edong na parang bata.
"Eggnogg ampotaj mabubusog ba tayo dun?" Sabi ni donna na tumatawa tawa pa.
"Uyy dont say badwords," sabi naman ni edong
"Amen! Hahahah" sabi naman ni donna. Loko talaga to.
"Chowking na lang," sabi ni iya. Sumangayon naman kaming lahat.
--------------//////-----------------
Donna's POV
Nasa chowking kami ngayon. Si meljohn ang umorder tapos ako yung kumuha ng kutsara pati asado. Nakaupo na sila dun. As usual katapat ko si iya tapos katabi niya sina CJ at anne ako naman katabi ko si meljohn at edong si divine sa tabi ni anne.
"Ano yan ah? Hinahand job mo ba dyan si CJ?" Tanong ko kay anne. Tawa naman kami ng tawa. Kasi naman yung kamay ni anne nasa lap ni CJ tapos nakatago pa sa lamesa. Hahaha.
"Baliw!" Sabi naman ni anne. Maya maya pa dumating na din yung order namin.
"Kuya penge kalamansi ah saka tubig," sabi ko sa waiter. Umoo naman yung waiter.
"Ako din kuya kalamansi ," sabat ni iya
"Kuya ako din limang kalamansi saka chili sauce," sabi naman mi CJ. Umalis na yung waiter para kumuha ng kalamansi namin.
"Hahahaha!" Tawa ko. Nakita ko kasi yung nameplate ng manager ng chowking. Abe ang pangalan.
"Bat ka tumatawa?" Tanong ni Iya. Tinuro ko naman sa kanya yung nameplate ni Abe. Natawa din sya.
"Abe maria!" Kanta ni iya. Tawa naman ako ng tawa. Ang sama na kasi ng tingin samin ni Abe.
"Hahaha gago ka talaga Iya baka sugurin tayo niyan," tawa lang kami ng tawa hanggang sa natapos na kaming kumain.
"National bookstore!" Yaya ni edong. Nagpasukan naman kami sa NB. Wala lang basa basa lang para bumaba na din yung kinain namin. Maya maya pa magsawa na din kami tapos lumabas na din kami. Tumambay muna kaming foodcourt, kwentu kwentuhan lang muna saka magdecide na din kaming umuwi. Pagkalabas ng entrance nagkanya kanya na kaming direksyon pauwi. Itinaas na namin yung kamay namin bilang pagpapaalam. Nagtataka naman yung mga tao kung bakit nakataas yung kamay namin. Hahaha. Pero ganun pa man, wala lang samin yun basta masaya kami.
Kinabukasan. Gumising na ako ng maaga para di ako malate. Nasa byaha na ako. Abang abang lang na makarating din ng school. Maya maya na nakarating din.
"Aga ah," bati ni iya.
"Gago!" Sagot ko naman. Tumawa lang siya tapos pinakyuhan ako. Wala eh. Umupo na ko sa upuan ko sa dulo ng klase. Minsan kasi natutulog ako, nagcecelphone tapos minsan kumakain kaya pinili ko na yung sa dulong pwesto.
"Ang tagal ng uwian!" Sabi ko. Odiba kakapasok ko pa lang uwian agad.
"Tangina mo! Di pa nga naguumpisa uwian ka agad!" Sabi naman sakin ni iya. Tumawa lang ako kasi totoo naman eh. Maya maya pa dumating na din yung ibang tropa at nagsiupo na din sila.
Start na yung class. As usual, wala nanaman ako sa mood makinig kaya nagpasya akong mag CR kunwari. Kinuha ko yung pera ko sa bag para makakain na.
"Mam CR lang po," paalam ko. Tumango naman si mam. Naniwala naman di naman kasi mukang gagawa ako ng kalokohan eh hahaha. Lumabas na ko para makakain na. Syempre nagmamadali pa ako para mapaniwala si mam na nagCR lang talaga ko. Nakabili na ko ng coke saka biskwit. Maya maya pa bumalik na ko ng room. Tinago ko lang yung binili ko para sa upuan ko na lang kainin.
Kumakain na ko ng marinig ni iya yung tunog ng balat ng biskwit. Tumingin siya sakin tapos ngumiti.
"Donna ano yang kinakain mo?!" Sigaw ni Iya. Nagulat naman ako dahil sinigaw niya pa. Tiningnan. Tuloy ako ni mam ngumunguya pa naman ako. Siraulo talaga to.
"Pakyu ka talaga Iya," sabi ko. Tumawa naman siya.
"Ay ano yun donna may sinasabi ka?" Sabi naman niya habang tumatawa pa.
"Ulul." Nasabi ko na lang. Kahit kelan talaga pahamak siya.
"Hahaha! Mam oh si donna po may sinasabe," sabi naman ni iya. Nanlaki naman yung mga mata ko.
"Ay mam wala po ah," sabi ko na lang.
"Kingina mo dre hayup ka!" Bulong ko.
Okay tapos na ang first class. Lunch muna kame then klase ulit. Pagtapos nun uwian na. SM nanaman kame. Gala gala hanggang sa mapagod tapos uuwi na din.