Donna's POV
Umaga na. Malamang. Papasok nanaman! Makikita ko nanaman ang pagmumukha ng mga tropa ko. Lalong lalo na yung mukha ni Iya! Hinayupak yung babaeng yun. Tumayo na ko sa kama para makaligo na.
"Hmm. Dadalin ko ba tong pabango ko o hindi? Oo hindi? Hay! Dalin na nga lang! Baka mangasim ako mamaya. Di ko na lang ipapakita to kay iya baka ubusin eh bago pa naman." Sabi ko sa sarili ko. Nakakakaba kasi magdala ng mga bagong gamit sa room lalo na't pag si iya ang makakakita nito. Sigurado laspag gamit mo bago makabalik sayo.
Umalis na ko ng bahay. Di na ko kumain kasi baka malate nanaman ako. Paktay nanaman ako kay andy neto. Si andy, yung teacher namin. Nagpapagalit pa naman yun pag late. Maaasar ka lang eh. Nasa byahe na ko nang may nagtext. Putcha nagtext na ang kopal.
From: Iya
Oi kopal asan ka na? Dito na ko taena mo late ka nanaman
Kingina netong gaga na to. Aga aga ganun agad ang bungad. Ni wala man lang goodmorning. Pero dahil wala akong load di ko na siya nireplyan. Malapit nanaman ako eh.
Pagdating ko sa school sumilip muna ko. Tapos tinanong ko yung janitor namin na type ni iya.
"Kuya umpisa na klase ng 2ndyear?" Tanong ko. Umoo lang si kuya. Napailing naman ako dahil late nanaman ako. Hayup kasi eh. Pumasok na ako ng office. Naabutan ko sa labas sina meljohn at mark. Late din pala tong mga to.
"Potek donnat late tayo!" Sabi ni meljohn. Tumawa lang ako.
"Donna may assignment ka ba? Pakopya di ako nakakopya eh!" Sabi naman ni mark.
"Wala kay divine lang ako kokopya mamaya." Sagot ko naman. Kay divine kase ko nahingi ng sagot since di naman siya nakakapalag sakin hahaha joke.
Nakita ko naman nasa klase na sina iya. Bali kami lang ni mel ang late sa tropa. Umupo muna ko at tinitignan si iya. Maya maya pa tumingin na din siya sakin tapos tumawa. Bigla ba naman akong tinuro sa prof namin. Pinakyuhan ko lang siya tapos nagpakyuhan na kami. Patago lang yung ginawa namin kasi may CCTV eh. Oha sosyal ang school namin may CCTV. Maya maya pa nakita na din ako nina CJ. Minuwestra ni CJ yung kamay nya pataas. Yun kasi yung batian naming magttropa eh. Tinaas ko din yung kamay ko tapos ngumiti ako kanila anne.
Aurhea's POV
Late nanaman si kopal. Nandito na kami sa klase. Sina donna at meljohn late. Bagay talaga sila! Loveteam eh! Nakita ko siya nakatingin sakin kaya nakaisip nanaman ako ng kalokohan, tinuro ko siya sa prof namin para malaman na late nanaman siya. Mukhang napansin yun ni donna kay pinakyuhan niya ko. Natawa naman ako kaya pinakyuhan ko din siya. Patago lang. Hahaha adik talaga to si donna.
Breaktime. Lumabas na kami tapos nakapasok na din sa room sina donna.
"Potek na yan! 5mins pa lang akong late di na agad ako pinapasok!" Reklamo ni meljohn.
"Wag ka na nga mginarte dyan ako din naman ah." Sabi naman ni donna. Aha! Nagaaway nanaman ang dalawa.
"Ayiiee! LQ!" Sabi ko naman. Natatawa lang ako.
"Ulul ka talaga iya!" Naiinis na sabi ni donna.
"Tara jollibee!" Sigaw ni anne. Pangjollibee ampeg niya eh palibhasa mapera.
"Di ba pwedeng sa karinderya na lang tayo? Wala akong pera eh!" Sabat naman ni donna.
"Pakamatay ka na kasi." Sabi ko naman. Tumawa lang kaming lahat. Pinakyuhan kasi ko ni donna eh.
Ending sa karinderya kami. Mas lamang ang walang pera eh. Umorder na din kami ng ulam tapos kanin.
"Dre! Dito ka tabi tayo!" Sabi ko kay donna. Tumango naman siya tapos nilagay niya yung pagkain niya sa lamesa namin.
Pasubo na ng kanin si donna nang pinigilan ko siya.
"Dre pakuha tubig." Tumayo naman siya para kumuha ng tubig. Nakaupo na ulit siya. "Dre pakuha nung kitsap!" Biro ko pa. Natawa naman siya tapos kinuha yung catsup. "Dre hingi ka sabaw." Tiningnan niya na ako ng masama.
"Tangina mo naman iya di ako makakain sayong hayup ka eh!" Pagalit niyang sabi. "Te penge nga po sabaw," sabi niya sa tindera. Natawa naman ako sakanya.
"Hahaha salamat," sabi ko sakanya. Di na nya ko pinansin dahil kumakain na siya. Maya maya pa painom ako ng softdrinks ko ng pigilan niya ko.
"Hoy iya akin yan loko ka!" Tawang tawa ko nung pagkasabi niya sakin. Feel na feel ko pa kasi yung pagkakahawak ko sa bote ng coke kanya pala yun.
"Hahaha tangina ka di mo sinabi," sabi ko. Tawang tawa din siya.
"Ilayo mo kasi yang coke mo sa coke ko," sabi niya. Nilayo ko naman dahil magkadikit lang eh. Maya maya pa natapos na kaming kumain. Nakalabas na ng karinderya ang tropa. Palabas na din si donna ng tinawag ko siya.
"Donna wait magyoyosi lang ako," as usual badtrip namaman yung mukha niya palagi na lang kasi siyang naghihintay maubos yung yosi ko eh hahaha.
"Ano ba yan! Bilisan mo!" Sabi niya. Habang hinahawi hawi niya pa yung kamay niya dahil sa usok na binubuga ko.
"Eto na wait lang," sabi ko naman.
"Bilis baka malate nanaman tayo sa labas nanaman ako neto parang wala din akong pinasok," sagot niya
"Bakit nagaaral ka ba?" Natatawa kong tanong
"Oo naman hayup na to anong akala mo sakin," sagot naman niya. Maya maya pa naubos ko na yung yosi ko tapos umakyat na kami pero bago yun nagCR muna ko. Nagpahintay ulit ako kay donna. Pumasok na ako ng CR ng may malakas na katok ang narinig ko.
"Tangina ka donna!" Sigaw ko. Narinig ko lang siyang tumatawa tapos inulit ulit yung pagkatok. But this time mas malalakas tapos madami.
"Demonyo ka talaga donna hayup ka!" Sabi ko. Maya maya pa biglang nagdilim. Pinatay niya naman ngayon yung ilaw. Di lang basta patay, patay sindi pa.
"Donna!! Buksan mo gago ka!" Narinig ko nanaman siyang tumatawa.
"Bilisan mo kase nagfifinger ka na ata dyan eh kaya butas yang stocking mo. Hahahah." Sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hahaha ulol gaya mo pa ko sayo kaya laging butas yang stocking mo dahil binubutas ng mga jowa mong driver," sabi ko naman. Tumawa lang siya. Then lumabas na din ako. Natatawa kami habang lumalakad tapos pumasok na kami ng room. Thank goodness wala pang prof so ingay ingay muna kami.
