PINILI NGUNIT INIWAN

481 24 4
                                    

Ikaw ang pinili kaysa sa kanya
Ikaw ang aking pinili kaysa sa iba
Dahil ang buong akala ko
Sa likod ng mga matatamis na salitang binabanggit mo ay totoo
Akala ko ang bawat pagsabi mo ng 'I miss you' at 'I love you' ay totoo
Akala ko ang lahat ng ito ay kasing totoo ng nararamdaman ko para sa'yo
Ngunit hindi pala...
Hindi pala totoo ang sinabi mong 'miss na miss mo na ako' at 'mahal na mahal mo ako'
Dahil ang totoo pala ay iiwan mo lang pala ako
Iiwan mo lang pala ako sa gitna ng dilim na tatahakin ko
Ang buong akala ko ay kaya ikaw ang pinili ko kase mas sasaya ako!
Pero mali pala..
Dahil sayo ko lang pala mararamdaman ang sakit, pighati, o lungkot na kailanma'y di ko ginusto.

Marami akong mga tanong sa aking isipan na ikaw lang ang makakasagot
Ngunit tila ba talagang malabo ko nang makuha ang mga sagot
Dahil sa paulit-ulit na pagtanong
Ang tanging sagot mo lang ay 'patawad'
Mahal...hindi ang salitang 'patawad' ang nais ko
Kun'di ang sagot mo sa bawat tanong ko
Dahil ngayon... alam ko nang kahit kailan hinding-hindi ko makakamit ang pagmamahal mo
Tanging sagot lang ang kailangan ko para maunawaan ko ang side mo
Ngunit hanggang ngayon
Andito pa rin ako...
Andito pa rin ako nagtitiis aa salitang iniwan mo
Andito pa rin ako naghihintay sa mga sagot mo
Andito pa rin ako nag iisip ng posibleng sagot sa mga tanong na
Bakit ako ay iniwan mo?
Ginamit mo lang ba  ako?
Di mo ba talaga ako minahal?
May nagawa ba akong mali?
Di pa ba ako sapat?
May humahadlang ba sa ating dalawa?

Oo. Alam kong walang tayo
Alam kong hindi naging tayo
Pero di ko lubos maisip kung bakit ako'y iniwan mo
Kase sa umpisa pa lang naman masaya tayo
Kahit na tayo pa lang ay magka M.U.
Pero...sabagay...
Ano nga bang magagawa ko kung isa lang naman akong hamak na babaeng nagmamahal sa'yo?
Isang hamak na babaeng karapat-dapat pagkaitan ng pagmamahal mo
Ano rin naman magagawa ko kung ikaw na mismo ang sumuko?
Kung ikaw na mismo ang nang-iwan sa tulad ko na walang ibang ginawa kun'di ang ibigay lahat ng pagmamahal ko
Na walang ibang ginawa kun'di ang piliin ka kaysa sa nagmamahal sa tulad ko
Sino nga ba naman ako sa'yo?
Ako lang naman yata ang nang gugulo sa buhay mo..sa puso't isipan mo...
Patawad na lang kung ganoon ako
Kung ako ang nang gugulo sayo..

Pinili ngunit IniwanWhere stories live. Discover now