MY AMERICAN SUMMER FLING
BY: CHILLZBABY
All rights reserved!!
************************************************************************
PROLOGUE:
Lumapit si Edward kay Kaye habang abala ito sa pag-aassist sa iba pang mga guests. Pagkalapit niya ay niyakap niya ito mula sa likod dahilan ng pagkagulat ni Kaye.
"Ay kabayong walang buntot!" sigaw nito sabay lingon para makita ang yumakap sa kaniya. Nung makita niya si Edward, todo ngiti naman ito at tipong kinikilig na niyakap siya ng isang taong hinangaan niya sa kabila ng pag-init ng ulo niya dahil dito.
"Hey. I'm not a horse. And definetely not one that doesn't have a tail." he smiled.
Nagulat si Kaye sa narinig. "You understood what I said?"
Kinurot ni Edward ang pisngi nito. "Of course dear. I'm half Filipino. I just pretended I didn't understand everything you whispered but sad to say, I do. Everything!"
Hindi alam ni Kaye kung pano siya magrereact sa nalaman. Ganun nalang kabilis ang tibok ng kanyang puso.
"You mean, including the aswang thing I told you?" agad na nagtakip ng bibig si Kaye.
"Opo. Alam ko what aswang is. I just enjoy pissing you off coz you look cute and believe me, you're tough when you try to piss me back."
"Hala! Ibig sabihin niloko mo ko? Grabe ka Edward." pinalo-palo ni Kaye ang dibdib nito pero sa halip na masaktan, hinila nalang siya nito at niyakap ulit.
"I'm sorry if I had to do it. I just..ahm..I actually wanted to tell you something." bigla namang nagseryoso ang mukha nito habang tinitingnan si Kaye sa mata.
"Ano na naman yan? Baka puro kalokohan na naman yan eh." yumuko si Kaye para makaiwas sa mga tingin ni Edward. Alam niya kasing unti-unti na siyang natutunaw sa mga titig nito.
"No. This thing is serious."
"Sige, simulan mo na."
"The first time I saw you, I thought I saw an angel." he sighed.
"Weeh?! Angel? Sa mukha kong to? Are you kidding me?" pabiro namang banat ni Kaye.
"Why? What's wrong with your face?" tanong naman ni Edward habang tinitingnan ang buong mukha ni Kaye.
"Everything! Yung pango kong ilong, yung isang-kilong bigat kong lips...ahh..basta..lahat."
"That's not what I see in you." muli na naman nitong hinawakan ang mukha ni Kaye. "I like you Kaye. You're so much different from all the girls I've met in the States. I even think I'm starting to love you. Like everytime I see you, I just can't stop falling for you even more."
Kumalas sa pagkakahawak ni Edward si Kaye at tumalikod nito. Pero ang totoo, ginawa niya lang yun kasi kinikilig siya at ayaw niyang magpahalata masyado. Baka kasi isipin ni Edward na easy-to-get siyang babae.
"Pano mo naman nasasabi yan?" nakatalikod padin siya habang nagsasalita. Yung ngiti kasi sa mukha niya abot tenga na. Ganun din ang pagtatatalon ng kanyang puso.
"Things that revolves around love doesn't need any explanation. I know it's hard to believe but, it's true."
Huminga muna ng malalim si Kaye at nag-ayos ng buhok bago humarap kay Edward. Kailangan niya kasing kausapin ito ng harapan para malaman niya kung totoo ang sinasabi nito.
"Ang hirap nga namang maniwala na ang isang gwapong katulad mo eh magkakagusto sa isang katulad ko. Pero sabagay, may point ka naman."
"What do you mean?"
"Gaya mo kasi, di ko rin kayang i-explain kung bakit crush ktia kahit lagi mo akong pinagtritripan."
"Crush? Haha. That term is so childish."
"Childish ka diyan. Ikaw nga din naman may crush sakin diba?"
"I don't consider it as crush. I mean it as LOVE. I love you pathetic Filipina girl!"