CHAPTER 1: HE'S HOT AND I'M WET
"Kay sira-sira...whatever you'll be, you'll be....nanananana.." napatigil ako sa pagkanta nung may kumalabog sa pinto ng banyo. Hayy, kahit kailan may panira sa moment ko.
"Hoy Kaye! Bilis-bilisan mo naman diyan kasi marami pa ang susunod. Pag ikaw talaga nakapagsimula nang bumirit, nakakalimutan mo na ang mundo."
"Eto na nga po. Grabe naman. Minsan ko nga lang feel maligo eh, kinokontra mo pa." dali-dali akong nagbanlaw at pagkatapos ay lumabas na. At dun ko naman nadatnan si Emily na nakasandal pa sa may pader. Yung mukha niya parang pinagsakluban ng langit.
Buti nga at di nito naisipang sirain ang pinto eh. Baka pagbayarin pa ako ng landlady naming masungit.
"Grabe ka maligo Kaye!! Parang sayo lang ng banyo ah! Tabi na nga diyan para makaligo na ako." aba ang sungit ah. Ke-aga-aga.
Dumirecho na ako sa kwarto para magbihis.
For those who don't know, nagbo-board lang ako at si Emily ang room mate ko. Double deck ang kama namin at siyempre ako ang nasa taas. Para malapit sa langit, haha.
Nga pala ako si Kaye. Kaye Sirasira ang full name ko. Oh diba unique? Katulad na katulad ng makalumang kantang kinakanta ko kanina.
I'm a tour guide dito sa isang magandan isla somewhere in the Visayas.
Nagipit kasi kami kaya kailangan ko mag-part time. Tourism yung course ko kaya naman yung work na pinasok ko is related naman. 2nd year college nako nung magdecide na akong magstop muna.
Ang sabi sakin ni Maam Aria, group of foreigners daw ang naka-assign samin. Kaya dapat bongga ang itsura ko.
Summer kasi ngayon kaya siguradong marami ang mga dadayo dito sa isla nami. Ang sarap kaya mag-beach. Ang sarap din namang magsight seeing eh. Haha!
"Uy Kaye! May factory ba kayo ng pulbo?" natatawang tanong sakin ni Emily. Akalain mong tapos na agad maligo to. Parang nakakasampung minuto palang eh. Tindi!
"Huh? Anong factory ka dyan? Kaya nga ako nagtratrabaho para kumita ng pera kasi bankrupt ang bulsa ng nanay at tatay ko." sagot ko naman habang naglalagay ng kolorete sa mukha.
"Shonga! Simple joke di nagets."
"Alin ba ang joke kasi dun? Para makatawa ako. Kahiya naman sayo."
"Tingnan mo sarili mo sa salamin ng malaman mo kung ano ang joke."
"Anak ni mang teteng na pilay!!" gulat na gulat ako nung maitapat ko ang salamin sa mukha ko. "Hala te! Naubos ko yata ang pulbo sa mukha ko!" nakapalan ko kasi ang paglalagay. Nabasag kasi yung salamin ko kaya kung saan-saan nalang ako kumukuha ng repleksyon.
"Ahahaha! SInabi mo pa. Kaya nga kita tinanong kung may factory kayo ng pulbo kasi wala kang kyeme as paglalagay niyan sa mukha mo. Nagmukha ka tuloy espasol, haha."
Mabawasan nga. Nagmumukha na akong lukaret sa itsura ko eh. Buti sana kung maganda ko. Kaso nung nagsaboy yata ng kagandahan sa mundo, nakatuwad ako. Haha. Pwet ko lang kasi ang maganda sakin. Chubby butt kumbaga.