Chapter 9 Sports Festival(Pre)

110 7 2
                                    

"Ok! Listen up students! Alam kong alam niyo na malapit na ang sports festival, next week na at alam kong excited na kayo kaya naman ibibigay ko sa president niyo ang papel na kung saan mamimili kayo kung sino ang sasali sa ibat ibang sports na magaganap, please cooperate dahil aattend ako ng meeting" announce ng adviser namin. Pagkaalis niya ang dami nang nag usap usap kung sasali ba sila.

"Guys! Pay attention muna dahil kailangan natin magdecide as one!"sigaw ng president namin at mukha namang nakuha niya ang atensyon namin kaya tumahimik lahat.

"So.... eto ang list ng competition...

Relay  (5 participants)

High jump (2 participants)

Sack Race (4 participants)

Volleyball (6 participants)

3 kilometer marathon (all)"

Mas kumonti ang game. Siguro dahil sa nangyari na gulo last year. Nag away away ang bawat sections, nagkaroon kasi ng dayaan sa pagitan ng laro kaya naman kaunti lang ngayon ang pwedeng salihan.

"Kayle!(pangalan ng president) Sasali ako sa Relay at Volleyball" paalam ko kay pres. para malista niya ako.

"Cas.. isa lang, pili ka para may chance pa yung iba..." sagot ni Kayle sa akin.

"Sige volleyball na lang!" Sigaw ko pabalik at nag thumbs-up siya.

"Girl! Sa high jump ako pati si taejun!" Sigaw ni Jae hee habang kinikilig dahil makakasama niya si Taejun. Hayy, baliw na baliw talaga si Jae hee sakanya dahil nga pareho sila ng interes. Ang mag high jump.

Lumapit siya sa akin at sinabing "Girl volleyball na naman? Ayaw mo magtry ng iba?"

"E ikaw, high jump na naman? Di ka magtry ng iba" sagot ko naman sa tonong sarkastiko

"Hayy.. wag kang ganyan, may matinding reason naman ako noh" sagot naman niya.

"Sasali ako sa Relay" narinig kong sabi ni Kai kay president. No doubt kung bakit yun ang pinili niya, mabilis naman siya tumakbo.

Pagkatapos ng mahaba habang usapan kung sino sino ang sasali sa kompetisyon. Nag lunch na kami.

"Baekhyun-ah!" Tinawag ko ang isa sa kaklase ko na ka-seatmate ni Jae Hee.

"Bakit, Casey?" Tanong niya papalapit sa akin habang umiinom siya ng gulaman.

"Nakita mo ba si Jae? Kanina ko pa kasi hinahanap eh. Sabay kami kakain" sagot ko naman tapos 'yung mukha niya parang inaalala yung dinaanan niya kanina.

"Ah! Oo, kasama siya ni Taejun nandoon sa gym" sabi niya kaya sigurado nagpapractice na agad 'yung dalawa sa pag high jump.

"Salamat baek" umalis ako at lumabas ng classroom. Wala tuloy akong kasama kumain.

Nakarating ako sa canteen at umupo nalang at inilabas ang chicken pastel na gawa ni Mama at maya maya may umupo sa harap ko.

"Casey!" Bungad niya at nakangiti.

"Oh baek, bakit ka nandito?" Tanong ko at binuksan ang tapperware na naglalaman ng chicken pastel.

"Nakita kasi kita, wala kang kasama kaya heto sasamahan kita kumain" sagot naman niya.

"Ok. Hmm. Gusto mo?" Inalok ko siya ng baon ko at binigyan siya ng extra fork.

"Ano bang tanong 'yan Casey, syempre gusto ko!" takaw talaga niya. SAbay kuha ng tinidor at kumain.

"Ang sarap naman nito, sino nagluto? Hayy. Naaalala ko tuloy si Lola, masarap din 'yun magluto" tanong at kwento niya na parang nadala siya sa sarap ng kinakain niya ngayon.

"Si Mama nagluto niyan, request ko. Kung gusto mo punta ka minsan sa amin para makakain ka pero baka next time ka nalang makaputa dahil magiging busy ang lahat sa paghahanda sa Sports festival" Sabi ko sa kanya. Kung hindi ko pa nasasabi, si baekhyun ay pambato namin pagdating sa kantahan. Ang ganda pakinggan ng kanyang boses at kung ngumiti siya parang walang bukas pero makulit siya.

"Oo nga eh" sagot naman niya at napatingin sa table. Maya maya pa ay may umupo sa aking tabi.

"Casoy, bakit nawala ka kaagad sa classroom? at bakit kasama mo ang lalaking ito?" sabi ni Kai at tumingin ng masama kay Baekhyun, bigla namang ininom dire-direcho ni baekhyun ang gulaman sa kamay niya at sabay ngiti.

"Hyung sinasamahan ko lang naman si Casey kumain" at ngumiti ulit siya.

"At ikaw? bakit hindi mo naman ako nilapitan para sinabayan kita kumain?" sabay tingin sa akin ni Kai at inagaw ang tinidor at tapperware.

Pagkuha nito ay sumandok at "Say ahh....." ako naman tumingin muna sa tao sa paligid at kay baekhyun at muling binalik ang tingin kay Kai at kinain ang nasa tinidor.

"Ok na, busog na ako." sambit ko naman at kinuha sakanya ang pagkain ko, niligpit at nilagay sa bag.

"Hyung! Magkasama tayo sa relay kung 'di mo pa alam" Paalala naman ni baek.

"Alam ko 'yun at bukas training tayo baka bumigay agad katawan mo" nag'thumbs up' naman si baekhyun bilang sagot sa sinabi ni Kai at nagpaalam na umalis sa amin..

"At para naman sayo, pumunta ka sa garden mamayang uwian. Huwag mo kakalimutan 'yon" Sabay tumayo si Kai at lumakad, bago pa man sa umalis bumalik siya at biglang

*KISS SA CHEEKS*
 

at nagtatakbong parang bata pabalik ng classroom..

_______________________________________________

Ano kaya ang meron at bakit kailangan ni Casey pumunta sa garden mamayang uwian?

Wah! ^__^ nakapag update ulit ako, just a short update. It's Christmas break by the way and Merry Christmas readers!

-AGDLnim-___-

My Rival is my Star(Exo Kai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon