DISMISSAL
"Cassey ano? Sasabay ka ba umuwi?" tanong ni Jae Hee habang nag aayos ng gamit.
"Ah.. ano, may pupuntahan pa ako mauna ka na. Kita na lang tayo bukas" sagot ko naman habang naka knapsack na ako at handa na para umalis sa classroom.
"Ok sige. Text mo nalang ako pag nakauwi ka na" sabi niya sakin at ako naman tuluyan nang umalis.
Pumunta ako sa Garden na sinabi Kai kanina at habang naglalakad ako biglang may kumalabit sa akin na nagresulta ng aking pagkagulat
"Boom!" lumingon ako para malaman kung sino ang nanggulat na iyon.
"Oppaaaa!~" sabay suntok sa braso niya at yakap.
"Si bunso naglambing na naman" at yumakap pabalik si Oppa Chanyeol.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya tapos inakbayan ako.
"Para sunduin ka! Wala akong pasok ngayon kaya naman naisip ko na bumawi ako sayo bilang Kuya" sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Si Oppa nga pala ay pinsan ko lang. Dahil nga nag-iisang anak lang ako tinuring ko na siyang kapatid. Wala na ang parents at ate niya dahil sa pagkasunog ng bahay nila at hindi sila nakaligtas tanging siya lang ang natira dahil sa mga panahon na iyon nasa school siya. Kaya naman kinuha siya ni Mama at Papa na ngayon tinuturing ko na siyang kapatid. (A/N: Kung mababasa ninyo sa Chapter 6, nasa iisang bahay lang sila)
Tumango naman ako sakanya at pumunta kami sa parking lot ng school para sumakay sa bago niyang motor.
"Oppa uuwi tayo agad?" Tanong ko habang nagsusuot ng helmet.
"Kakain tayo ng jjajangmyeon at ice cream, treat ko" ngumiti siya at pinaandar ang motor saka tuluyang umalis.
Ang sarap ng simoy ng hangin, minsan lang bumawi si oppa kaya GO lang agad ako. Namiss ko na din kasi yung kwentuhan namin at kakulitan.
Nakarating kami sa convenience store na lagi naming tinatambayan malapit sa bahay. Bumili siya ng dalawang jjajangmyeon at umupo kami.
"Heto para sayo, ngayon nalang ulit ako nakakain nito sa sobrang dami ng thesis sa college." At sumubo siya ng pagkain at kitang kita sa kanyang mata ang pananabik nito dito.
"Oppa alam mo kung magsalita ka parang di naman tayo nagkikita sa bahay!" Tumawa ako at kumain na din.
"Alam ko pero, di na tayo nakakapagbonding ng ganito. Outdated na siguro ako tungkol sayo. Kamusta naman ang school mo?" Tanong niya at inisip ko ang tungkol kay Kai.
"Okay lang naman. Ganun pa din katulad ng dati." Sagot ko na hindi tumitingin sakanya.
"Minsan naman mag enjoy kasi nagmumukha kang manang kapag studies lang. Enjoyin mo din."pangaral naman ni Kuya.
"Ineenjoy ko naman eh. Sumali nga ulit ako sa Volleyball para sa darating na sports festival eh." Pagmamalaki ko naman sa kanya.
"E di mabuti. Mas maganda 'yun para naman physically healthy ka. Kung di mo pa alam, itong oppa mo na ito ay nag ggym" sabi niya habang itinataas ang mga braso niya at ipinapakita na may muscles.
"Okay oppa tama na. Mukhang hindi 'yan muscle. Mas mukhang taba para sa akin hahaha!" Tinawana ko siya ng malakas tapos biglang nagtanong ulit si oppa chanyeol.
"Si Kai? Kamusta siya?" Dagdag ni oppa.
"Hindi ko alam. Bakit ako tinatanong mo?" Tumingin ako na may doubtful look. Nagbago ang atmosphere.
"Pumunta siya noong isang araw sa bahay hindi ba? Kaya naman sa palagay ko ay close kayo" at kumain ulit siya hanggang sa maubos.
Di na ako sumagot at inubos na din ang pagkain sabay tumayo. Binilhan ako ni Oppa chanyeol ng ice cream. Mukha din naman kasi na uulan na kaya umuwi na kami agad.
Nakarating kami sa bahay at dun pa lang nagumpisang umulan ng malakas, buti nalang ay nakauwi na kami.
"Cassey, alam kong madami ka pang dapat ikwento pero mukhang ayaw mo pa sabihin kaya naman nasa kabilang kwarto lang ako kung gusto mo ng kausap ok?" Sinabi niya at ginulo ulit ang buhok ko.
Umakyat ako ng kwarto at ibinagsak ang sarili ko sa kama. Maya maya pa ay biglang may naalala ako. Omg! Hala! Si Kai nga pala! Baka naghintay 'yun sa Garden ng matagal. Pero baka hindi din.
Tumayo ako at dumirecho kunin ang cellphone ko. Shoot. Tinawagan ko siya pero hindi sumasagot. Baka galit siya sa akin. Hindi ko naman sinasadya na makalimutan pero galit kaya siya?
Tinawagan ko siya ng tinawagan pero hindi sumasagot. Ano ba naman ito. Kai please answer, Im really sorry. Hanggang sumuko na ako sa pagtawag at pinagpasyahan na bukas na bukas magsosorry ako. Hanggang sa nakatulog na ako.
Kinabukasan .....
"Uy kanina ka pa tulala diyan! Magsalita ka naman. Mahirap mapanis ang laway" sambit ni Jae Hee habang kinakalabit ako.
"Ah ganun ba? Sorry" sagot ko ng matipid at tinignan niya ako ng malalim
"Epekto ba 'to dahil hindi pumasok si Kai?" Tapos nakatitig parin si Jae Hee ng malalim sa akin na para bang may hindi ako sinasabi.
-----------------------------------
To be continued... hehe. Pabitin po ba? So ayun hindi pa nagkikita si Kai at Cassey. Hintayin nyo yung next chapter para malaman kung ano ang nangyari sa paghihintay ni Kai kay Cassey sa Garden.Thank you sa mga readers! You're the best ^_^
-AGDL
![](https://img.wattpad.com/cover/15636557-288-k722818.jpg)
BINABASA MO ANG
My Rival is my Star(Exo Kai)
FanficA story between two person named Kai and Cassey that excels academically. Will love occur between them if for Cassey they're rival? Can they develop what we called LOVE? Ito ay Tagalog na Short Fanfiction.. Please read.