Arin's PoV
I quietly opened the classroom door. Napahinga ako ng maluwag ng hindi doon nakita si Dalton.
"Late!!!!" Sigaw ng sekretarya namin. Nagpalate kasi talaga ako para pag dating ko nasa iba ang atensyon ni Dalton, halos hindi na din kasi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kung ano ang maaaring mangyari today.
"Traffic o tinamad kang bumango?" Usisa ng kaibigan kong si Pia. I scoffed at her.
"H'wag mo akong itulad sa'yo gaga ka!" Natatawa kong sabi. Lagi kasi itong late pagkat tinatamad gumising.
"Sorry naman madame!" She happily answered. Nagusap-usap lang kami. Until dumating na ang first subject at walang Dalton na dumating.
Is he absent?
"Okayyy, so Prez is absent. Pakisabi mamaya kay Vice President Yna na s'ya muna ang bahala sa Student Body Lucy." Sabi ng sekretarya namin habang sinusulat ang name ni Dalton sa absentees.
"Okieee!" Lucy answered in such a joyful tone.
"Weird. In our two years of being classmates parang ngayon lang umabsent si Prez?" Kuryosang sambit ni Pia. Sumandal ako sa aking upuan.
"Baka may sakit?" Hula ko naman. But it's impossible. Kahit may sakit iyon ay pumapasok s'ya sa eskwelahan. Pero baka malala ngayon, hindi naman kasi biro ang inabot niya kahapong ambon.
"And Arin?" Tawag saakin ni Lucia. I looked at her.
"Why po?" Tanong ko.
"You live at Barangay Tres di'ba?"
"Oo. Yes." Agad kong sagot.
"Malapit ba kayo sa Dewford Subdiv?" Napaisip ako sa tanong niya at muling tumango. Dewford Subdiv is a well-known and exclusive subdivision na tanging mayayaman lamang ang nakaka-afford.
"Yup. Halos katabi lang ng bahay namin." Paga-add ko pa ng info.
"May ipapadala lang akong something mamayang dismissal. Pakibigay naman kay Dalton." Huh?
"Anong ibibigay? Huy! Di ko alam ang bahay noon!" Tsaka pupunta sa bahay? Edi parang bibisita? E gawain lang 'yun ng girlfriend ah?! I mean, that's his personal space right?!
"Please!! Dewford subdivision, phase one, house five. Malapit lang ang bahay n'yo eh!" Nakapout n'yang pamimilit. I looked at our other classmates. Baka naman maissue pa ako kung hindi ko tatanggapin ang offer ni Lucia.
Napahinga nalang ako at tumango. "Noted. I'll do it."
*****
Muling dumating ang dismissal, ibinigay saakin ni Lucia ang isang paper bag na naglalaman ng folder, not sure what it is for pero tinanggap ko nalang. Pia walked with me towards the shed na pagiintayan ko ng bus. Later, nakita ko ang isang maglalako sa aking harapan.
"Manong! Pabili po!" Agad kong sabi ng makita ko ang pudding na kaniyang binebena. Sosyal naman! Pati pala pudding nilalako na.
"Ilan ija?"
"Is—" napatigil ako sa aking sasabihin ng magflash sa utak ko si Dalton. Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa ng makita ko s'yang masayang nangangain ng pudding noong recess namin ng first day ng Grade 11. Ngumiti ako kay manong at nilabas na ang wallet ko. "Tatlo po manong." Dalawa para kay Dalton at isa para saakin.
Hindi naman ako palabiling tao. Nagtitipid naman kasi talaga ako. Pero parang ang weird naman ata kung pupunta ako sa kanila at walang dala diba? Kahit naman at least pagkain para sa may sakit magdadala ako.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Dream
RomanceA one-shot story dedicated to those who does not have enough trust with themselves, for those who hide within their shell, and for those that have crushes on someone unreachable and shielded.