MY THE BEST DECISION PART #2

131 5 1
                                    


**Kinabukasan:**

Shit, eto na. Haist, kaya ko ba? Wag nalang kaya? Ay, hindi pwede. Paano ko malalaman kung di ko susubukan? Diba, self, kaya mo 'yan! Fighting!

Nandito ako sa kwarto, nakabihis na at paalis, pero sobrang kinakabahan. Di ko alam kung bakit. Bwiset, ginugulo ng lalaking yun ang utak ko. Sino ba kasi siya? Bakit dinamay niya sa katarantaduhan ang relasyon namin ni Kian? Pero ganun talaga, kaya dali-dali akong umalis ng bahay at nagpaalam na okay lang kahit gabihin ako.

Pagkatapos ng 30 minutos, nakarating ako sa kanila. Nakatayo ako sa tapat ng bahay nila, naguguluhan kung hahakbang papasok o uuwi na lang. Pero nandito na ako, kaya ko 'to. Pumasok ako sa bahay nila, nagulat pa ang mama at kuya ni Kian. Nagmano at ngumiti lang ako.

"Anak, kamusta ka? Pumayat ka ata." — Mama niya 
"Okey lang po, si Kian po." — Ako

Nagtinginan sila ng kuya ni Kian, para bang balisa at may tinatago. "Nasa loob siya, nasa kwarto niya." — Kuya niya.

Pumasok ako sa bahay at nandoon ako sa labas ng kwarto ni Kian. Medyo nakabukas ang pinto, kaya nakita ko siya, pero hindi pa dun natatapos. May babae sa loob ng kwarto niya! Puta! Parang namanhid ako at nangangatog habang nakatayo sa pinto, pinipilit kong wag umiyak para hindi nila ako marinig.

"Kian, buntis ako. Alam kong ikaw ang ama." — Babae 
"Babe, baka naman delay lang. Nagpa-check up ka na ba?" — Kian 
"Oo, eto nga yung resulta. Tsaka nag-PT na ako tatlong beses, pero ganun pa rin ang resulta." — Babae

Putang ina! — Kian, sabay gulo sa buhok niya. 
"Paano mo sasabihin sa kanya?" — Babae 
"Ako na bahala magpaliwanag. Magpalakas ka para sa bata." — Kian, tapos hinalikan at niyakap niya ang babae.

Wala, talo pa rin pala ako. Doon ko natutuhan. Pagkatapos ng eksenang iyon, nilapag ko yung regalo ko at dali-daling umalis. Nakita ko ang mama niya, pero ngumiti lang ulit ako.

"Okey lang po ako, tita. Sige po, alis na ako. Pag hinahanap niya ako, sabihin niyo po, hindi niyo ako nakita. Ingat po kayo, tita." — Ako, habang nagpipigil umiyak. Pero niyakap lang ako ng mama niya at sabi, 
"Sorry, anak." — Mama niya.

"Hindi, okey lang po. Sige po, una na ako." — Ako, ngumiti ulit sabay labas ng bahay. Nakita ko yung kuya niya at si Tine.

"Anong ginagawa nito dito?" — Ako. 
Nagulat ata sila sa akin, pero di ko pinahalatang nasasaktan ako.

"Oh, andiyan ka na pala." — Kuya niya, sabay yakap sa akin. 
"Sorry, Khane." — Kuya niya.

"Kuya, para kang tanga! Okey lang ako! Baliw, wala namang nangyari, ha?" — Ako. 
Pero mukhang hindi naniniwala yung isa dahil nakatitig siya sa mata ko. 
"Sinungaling!" — Sabay nilang dalawa. 
"Hahaha, mga sira!" — Ako.

Tapos may narinig akong boses mula sa loob ng bahay. 
"Mama, pumunta dito si Khane?" 
Ano pa nga bang aasahan ko dun? Haha. Di naman ako masakit, pero naramdaman kong basa ang mukha ko. Kaya itong dalawang kasama ko, hinila ako sa may mga damo na di kami makikita at niyakap nila ako.

Dapat natapang ako. Nararamdaman kong tinatapik ng dalawa yung likod ko, tapos nag-sasalita si Kian. 
"Ma, nasan na siya? Kanina pa ba siya pumunta?" — Kian.

"Anak, naririnig mo ba yan? Sinasabi mong nag-aalala ka sa kanya. Bakit inisip mo bang nasasaktan siya sa kalokohan mong ginagawa? Wala siyang kasalanan pero naiipit siya sa'yo. Dapat nung una palang sinabi mo na para alam niya at hindi siya nagpapakatanga sa'yo. Alam mo bang nung nakita ko siya kanina, halos pumayat siya? Ang laki ng eye bags niya. Puro ngiti lang ang binigay niya sa akin at sa kuya mo, pero alam namin nasasaktan na siya." — Mama niya.

Tumahimik si Kian.

Malapit lang kasi sa puno yung pinagtambayan nila kuya at may mga damo doon na matataas para hindi kami makita. Pinapalakas ko yung sarili ko, gusto kong lumabas, pero pinipigilan ako ng dalawa kong kasama. Kaya tumingin ako sa kanila at sinabing, 
"Please, this time, sarili ko naman ang pipiliin ko. Hayaan niyo na ako. Nandiyan pa rin naman kayo sa tabi ko, diba? Aaalalayin niyo pa rin ako?" — Ako, sabay ngumiti. Wala silang nagawa kundi lumabas sa damo at hinawakan ako.

"Kaya mo 'yan! Kailangan mo nang piliin ang sarili mo. Tama na ang paglaban. Wala na, tapos na." — Kuya niya. 
"Nandito ako sa tabi mo." — Tine, sabay lakad namin papasok ng bahay. Nagulat silang dalawa. Nakatayo si Kian at yung babae, pero katulad ng kanina, ngumiti lang ako at hinarap sila.

"Kian, magpapaliwanag ako." — Kian. 
"Kian, okey na. Tanggap ko na." — Ako, nagpipigil na umiyak. Nararamdaman ko ang higpit ng kapit ng dalawa. Ayaw nila akong bitawan.

"Bitawan niyo muna ako, please." (Sabi ko sa dalawa, sabay bitaw sa braso ko.) 
Humarap ako sa kanila, wala na dun si mama niya. Siguro umalis o pumasok kanina.

"Maghiwalay na tayo." — Ako, sabay nakatingin sa mata niya. 
"Wala kang aalalahanin. Sana maging masaya ka sa desisyon at sa ginawa mo. Oo nga pala, congrats! I'm so happy for you. Be a good father." — Ako, walang ni isang luha na lumabas sa mata ko.

Tapos nag-salita ulit ako, 
"Hahaha, nice anniversary gift! Eto yung gift na hindi mo makakalimutan." Sabay tingin ko sa babae. 
"Ingatan mo ha, mahalin mo 'yan." Sabay sampal ko sa dalawang pisngi niya. Bago ako nag-simula maglakad, nag-salita ulit ako, 
"Isang hakbang patalikod sayo, hindi na kita mamahalin. Dalawang hakbang palayo, kakalimutan na kita. At tatlong hakbang palayo sayo, kakalimutan mo na lahat ng ugnayan meron tayo."

Wala akong narinig na side niya. Siguro hindi ko din kayang marinig ang mga paliwanag niya. Tama na yung nasaktan ako, sapat na yun. Tsaka eto naman yung gusto niyang makipaghiwalay, edi ako na ang gumawa ng paraan.

Nandito kami ngayon sa motor ni Tine. 
"Kuya, mag-ingat ka ha. See you! Hanggang sa kaya ko nang harapin siya. Bye, kuya. Thank you po sa lahat-lahat." — Ako, sabay yakap sa kuya niya at sumakay sa motor.

Tapos pinaandar ni Tine yung motor at hindi na ako lumingon.

Pagkatapos ng 15 minuto, wala ako sa sarili ko, kaya hindi ko alam kung nasan kami. Pero narinig ko yung tunog ng dagat, kaya malamang dinala niya ako dito. Nag-simula akong bumaba.

Umupo ako habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw, tapos bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

**Kinabukasan:**

Pagmulat ng mata ko, 
"Anak, okey ka na ba?" — Mama. 
"Dinala ka ni Tine dito sa ospital. Bigla ka daw nahimatay. Sabi ng doktor, buntis ka daw anak."

Bigla akong umiyak, tapos humarap sa mama at papa ko. 
"Mama at Papa, sorry po. Sorry po talaga, hindi ko po sinadya."

"Ssshhh, anak. Hindi kami galit. Alam na namin dahil nakikita namin ang pagbabago mo. Okey lang, baby. Hindi kami galit, okey? Magpalakas kayong dalawa. Andito lang kami." Tahan na, anak.

MY BEST DECISION oneshotWhere stories live. Discover now