Sienna's
Bored na bored ako ngayon at naka-tunganga lang sa harapan ng cellphone ko. Kakatapos ko lang basahin ang story ni Kaputsino sa Wattapad at wala na rin naman akong mabasang iba dahil nabasa ko na rin naman ang mga stories nila Pilosopotasya, Blue_Maiden, Jonaxx, April_Avery, JF Stories, Purpleyhan, Cris Ibarra, YanaJin, Sic Santos, KIB, at marami pang iba. Special mention lang sila kasi sobrang gusto ko ang stories na sinulat nila.
Habang nag-i-scroll ako sa facebook account ko ay bigla akong naka-kuta ng isang post mula sa isang roleplayer.
Bigla naman akong napa-isip.
What if, gumawa rin ako ng RP account sa RP World? Baka mawala ang pagiging bored ko.
Kaya naman ay kaagad akong nag-creat ng bagong account na ang pangalan ay Sienna Samonte. Gamit ko ang mukha ng isang magandang babae na may singkit na mata na mukhang may lahi pa.
Nang maka-gawa ako ng panibagong account ay kaagad akong nag-add ng ibang RP accounts. May Beethoven, Noonxr, Oppxr, at marami pang ibang sikat na apilyedo. Maroon ring mga family GC na may jowa-jowa. Mukhang family stroke yata. Pft.
Marami naman kaagad ang nag-accept at add sa akin.
But one account caught my attention, because of his attractive name.
Notification :
Saint Vergara sent you a friend request.
Saint Vergara
|| Accept || Delete ||
I stalked him first, bago ko siya tuluyang in-accept. Marami siyang poetry sa timeline niya na gawa niya yata. May iilan ring short stories, one shot. He is also popular here dahil na rin siguro sa magaling siya sa larangan ng pagsusulat.
Hanggang sa...
*Ting!*
BINABASA MO ANG
Roleplay [#CHATSERYE]
Humor[C O M P L E T E D] Roleplay Chat Serye. LANGUAGE: FILIPINO