Saint'sIt's been years since nangyari ang lahat ng iyon. Graduate na rin ako bilang isang Civil Engineer.
Sobrang nasaktan ako sa pangyayaring iyon. Parang gumuho ang mundo ko. Parang nahati ang puso ko, at dinurog ng paulit-ulit.
Hindi ko pa rin nalilimutan ang maamo niyang mukha...
Lagi ko ring binabasa ang mga chat namin sa isa't-isa na siyang tanging memorya namin noon.
I miss her so much.
It's been years noong umalis siya at dinala sa ibang bansa, matapos mangyari ang isang himala sa loob ng hospital.
Patay na siya noon ng halos isang oras...pero biglang tumibok ang puso niya nang sinubukan ng mga doktor ng hospital na i-revive siya.
Kinuha ko ang cellphone ko, at bumungad ang mukha niya na siyang wallpaper ko. Napa-ngiti na lang ako, saka ako napa-iling, bago ko binuksan ang RP account ko at muling binasa ang convo namin. Ilang taon na rin niyang hindi binubuksan ang account niya, at naka-deactivate naman ang real account niya.
Hanggang sa...
Mayroong nag-pop sa messages ko.
--
Sie Nna sent you a friend request.
Confirm || Delete
--
Sie Nna sent you a message.
Open || Close
--
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Isang account ang nag-add sa akin.
Kaparehong pangalan...at may mukha niya. Ang kanyang real account!
Dali-dali ko siyang in-accept, saka ko nakita ang profile picture niya na mayroong background na ferries wheel.
Kaagad ko naman in-accept ang message niya, saka ko iyon binuksan.
---
>Saint Vergara
Sie Nna<
SN : Labas ka sa condominium na tinutuluyan mo.
SV : Sienna?
SV : Ikaw ba talaga 'to?
SV : Bakit ngayon ka lang nag-paramdam?
SN : Bilisan mo.
---
Pagkatapos na i-send sa akin iyon ni Sienna ay dali-dali akong nag-bihis at lumabas sa tinutulayan kong condominium.
Nang maka-baba ako ay lumingon-lingon ako sa paligid ngunit walang bakas ni Sienna sa paligid.
Hanggang sa mayroong staff na nag-abot sa akin ng isang itim na sobre.
Kaagad kong binuksan ang sobreng iyon, saka ko binasa ang nilalaman.
Isang imbitasyon para sa isang kasal. Gumuho naman ang mundo ko nang malamang ikakasal na siya. Tila mas masakit pa 'to, kesa sa naramdaman ko noon dahil sa muntik niyang pagka-wala.
Pero kailangan kong pumunta... sa beach wedding niya.
Kaya naman ay kaagad akong tumungo sa mall at nag-paayos at bumili ng pormal na damit, saka ako nag-simulang bumyahe paroon gamit ang kotse ko.
Mabilis ang takbo ko...hanggang sa tuluyan na akong makarating sa isang private beach resort.
Kaagad ko namang ibinigay ang envelope, saka ako pumasok at nag-park ng kotse, saka ako lumabas.
Nang biglang mayroong humawak sa mag-kabila kong braso at piniringan ako.
Pilit akong kumakawala habang dinadala nila ako sa kung saan, hanggang sa huminto kami. Pinaayos pa nila ako ng tayo.
Pagkatapos no'n ay tinanggal ko ang piring sa sarili ko. Malabo pa ang paningin ko no'ng una, kaya kumurap-kurap ako hanggang sa naging malinaw ako.
At tila nalaglag ako nang makita ko ang red carpet na puno ng puting rosas sa harapan ko, patungo sa direksyon ng naka-ngiting si Sienna, habang suot ang isang kulay puting gown na simple lang at elegante. May suot rin siyang belo na may disenyong flower crown sa itaas at mga perlas.
Kasabay rin noon ay ang pag-tugtog ng isang instrumebtal music. Beautiful In White.
May nag-abot sa akin ng mikropono, saka ako sinabihang tumungo na sa bride ko.
Gulat pa rin ang nararamdaman ko...na may halong saya. Halo-halo na ang emosyon ko dahil sa mga pangyayari ngayon.
Nag-simula na ako sa pag-kanta, habang naglalakad ako palapit sa kanya dito sa dream wedding ko.
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
TonightNa na na na
So beautiful in white
TonightKanta ko, bago ako tuluyang makarating sa kanya. Umiiyak siya, ganoon rin ako, habang naka-ngiti. Hindi ko in-expect na ito ang mangyayari. Pero masaya ako dahil ito ang aming pagtatapos.
Mula sa Roleplay Relationship.
At ito kami ngayon...
Nasa harap na ng altar.
Upang mangako sa isa't-isa at mai-kasal.
"On behalf of my wife and I...I suppose I'm going to have to get used to every opposite we have, I would like to start by thanking everyone here today for sharing our very special day with us. Thank-you for all the wonderful gifts and cards that you have given us, we are very touched at your generosity. I'm certainly looking forward to seeing how Steve has managed to gift-wrap the Wheelbarrow! We have both been very nervous about today and it means a great deal to us that you are sharing our day with us, and we hope that you are enjoying the occasion every bit as much as we are," sambit ko, saka ko hinawakan ang kamay ng babaeng katabi ko ngayon rito sa altar.
"I will be the first person in this room to admit that I was never the type of girl to dream about her wedding day. A big, romantic wedding was just never something that I thought all that much about. I was not even sure if I would ever get married. But when you meet the right person, you just know, and I am so grateful that I met Saint and that I get to be his wife. I could not ask for a better husband. This wedding has been a whirlwind of love and happy moments with all of the people that I love the most. But most of all, it is the day that I got to marry the love of my life. Saint thank you for being my husband. I love you with every fiber of my being. Thank you for being my husband," she said habang naka-ngiti at umiiyak.
"You may now kiss the bride," sambit ng pari, saka ko hinarap si Sienna. Tinanggal ko ang belo niya. And, yes. She look so beautiful in white.
Dahan-dahan kong ini-lapit ang mukha ko sa kanya, hanggang sa nag-lapat na ang aming mga labi.
"I love you, Saint..."
"Mahal na mahal rin kita, Sienna."
BINABASA MO ANG
Roleplay [#CHATSERYE]
Mizah[C O M P L E T E D] Roleplay Chat Serye. LANGUAGE: FILIPINO