Saint'sNandito ako ngayon sa loob ng GYM kasi magkikita kami ni Sienna. I don't know her yet, but I love her.
Wala akong pake kung pangit siya o kung anong estado ng buhay niya, basta ang alam ko, mahal ko siya.
Ang usapan namin ay alas-tres kami ng hapon magkikita and it's already three thirty in the afternoon.
Natatakot ako...
Natatakot ako na hindi niya ako siputin sa araw na 'to.
Hanggang sa nakarinig ako ng yabag ng paang tumatakbo, kasabay ng pag-hinto ng isang babae sa harapan kong naka-suot rin ng uniporme, katulad ko.
Hinihingal, at tila tumakbo pa mula sa malayo.
Tinitigan ko siya, at tumitig naman siya pabalik sa akin.
"Tama nga si Aliyah. Ikaw ang Saint ng Mooncrest University. Kaya pala napaka-popular mo kahit na Roleplayer ka, kasi sila, alam nila na ikaw 'yon, samantalang ako, hindi..." sabi niya, at saka siya nag-iwas ng tingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Sorry...Hindi ko rin inaakala na ikaw si Sienna Samonte. Ang babaeng todo cheer sa akin sa tuwing may basketball game ang team," natatawa kong utas. Nakita ko naman na napa-iwas siya ng tingin. Tila nahihiya at namumula pa ang pisngi.
"Sienna...gawin na nating totoo ang pagpapanggap na 'yon."
"Let's be real, Sienna."
Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay kaagad ko siyang niyakap.
Ilang minuto ang lumipas...dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya, saka niya ako niyakap pabalik.
Nang biglang naka-rinig kami ng halakhak ng isang babae...
"Akala niyo magiging masaya kayo? Samantalang ako, nasasaktan? No!" sigaw ni Aliyah, saka siya nag-labas ng isang baril.
Nanlaki naman ang mata ni Sienna na singkit, saka siya nanginig sa takot dahil sa obssess na babaeng si Aliyah. Ang leader ng fansclub ko, at saka, mayroon ring bali-balita na miyembro siya ng isang gang o ewan. Fraternity or sorority?
"Saint. Matagal mo na akong kilala! Mahal na mahal kita, pero ba't hindi mo iyon kayang suklian? Bakit hindi mo ako kayang tignan kagaya ng pag-tingin ko sa iyo?" puno ng hinanakit niyang tanong sa akin. Umiling naman ako sa kanya.
"Sorry, Aliyah. Pero hindi ko madidiktahan ang puso ko na mag-mahal ng taong hindi ko naman gusto in the first place. Lalo na sa baliw na katulad mo," sambit ko at tila mas nag-puyos naman siya sa galit dahil roon, saka niya kinasa ang baril na hawak niya.
"Baliw?" ngisi niyang tanong, saka niya itinutok ang baril kay Sienna.
"Tignan natin kung anong magagawa ng baliw na katulad ko," sambit niya, at kasabay no'n ay ang pag-kalabit niya sa baril, at ang pag-bukas ng pintuan.
Kaagad akong tumakbo palapit kay Sienna, pero hindi ko na naabutan...
Tumama sa bandang puso niya ang baril, at wala akong nagawa...
Pumasok ang mga guardia sa GYM at janitor dahil siguro sa pagtataka kanina na naka-sara ang laging bukas na pintuan ng GYM.
Kaagad rin nilang hinuli ang nagwawalang si Aliyah na tila nawala na talaga sa tino.
Habang tumawag naman ang kararating lang na Principal ng ambulansya.
"S-saint..." dinig kong sambit ni Sienna. Kaagad ko namang hinaplos ang kanyang mukha, saka siya tinitigan ng mata sa mata.
"B-baby...don't leave me, okay? Malapit na ang ambulansya," naiiyak kong sambit sa kanya. Nakita ko namam na mayroong butil na tumulo sa mata niya. Marami na ring dugo ang nawala sa kanya.
Kasalanan ko 'to...
Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kamay niyang may bahid ng dugo, saka niya ako tinitigan ng mata sa mata.
"S-saint...sa sandaling iyon, minahal na kita. I love you, S-saint. Don't b-blame yourself, baby... I guess, this will be the l-last," she said, saka niya unti-unting binitawan ang pisngi ko, at saka bumagsak ang malamig niyang kamay na mayroong bahid ng dugo sa malamig na sahig ng GYM.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko...
Pero sumigaw ako ng sumigaw habang umiiyak. Tila sinaksak ang puso ko ng libo-libong karayom sa pangyayaring ito.
She's my first love...pero wala na siya dahil sa akin.
Binuhat ko ang katawan niya, saka ko siya niyakap habang umiiyak. Malamig na ang katawan niya. Nalagyan rin ng dugo niya ang suot kong uniporme.
Ngunit kagit gano'n... napaka-mapayapa pa rin ng ng mukha niya, at amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya.
Patawarin mo ako...Sienna.
BINABASA MO ANG
Roleplay [#CHATSERYE]
Humor[C O M P L E T E D] Roleplay Chat Serye. LANGUAGE: FILIPINO