Joshua's POV
🎶"Ako'y alipin mo kahit hindi batid..." 🎶
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang alarm ko na sinet ko kagabi. Argh. Panibagong umaga, panibagong problema.
"Bad morning, Sunshine." Kunot - noo kong saad sa view na nasa labas ng bintana ko. Lagi kong nakikita araw - araw 'to. At naiinis pa rin ako hanggang ngayon.
Wala naman kasing good sa morning. Sino nga bang nagimbento nyan?
Walang gana akong tumayo sa higaan ko at agad nang bumaba. Hinihintay na nga ata ako ni papa.
"Magandang umaga sa bunso ko." Nakangiting saad ni papa.
Oh diba. Maganda ba ang umaga? Saan banda? Di ko talaga makita.
"Morning ho. Nakakain na kayo pa?" Peke kong ngiti sa papa ko. Mukhang nag-inom nanaman sya kagabi, at sumuka uli siya sa banyo namin. Di ko alam tuloy pa'no ako makakaligo neto.
"Teka, maganda nga ba ang umaga ng anak ko? Hahaha. Nakakain na ang papa mo. Pinapasok ko na rin ang kuya mo. Kumain ka na dyan, tiniran na kita ng almusal." Ani ni papa.
Araw - araw kaming ganito. Mukhang eto na nga ang kinasanayan ng papa ko. Gigising ako at pagbaba ko, maabutan ko siya. Babatiin ako ng good morning, sasabihin kung maganda ba talaga ang umaga ko at ipapaalam na pinapasok niya na si Kuya.
Hindi ko alam kung may Amnesia ba siya, o di kaya pinipilit niya lang maging masaya. Dahil sa bawat pagbaba ko ng hagdan, ngiti niya agad ang aking nakikita.
Hindi maganda ang umaga ko araw - araw, dahil sa bawat gabi na aking itutulog, inaasikaso ko si Papa. Si papa na laging umiiyak at sumusuka sa banyo. Si papa na walang sawang umiinom dahil may gusto siyang kalimutan. Si papa na ako na lang ang nag - aalaga dahil ako na lang ang may kaya nito.
Kinalimutan ko na ang aking pagmumuni - muni at nagsimula nang kumilos. Papasok pa pala ako sa iskul.
"Anak, may pupuntahan lang ako. Itext mo lang ako kung may kailangan ka. Mag - iingat ka sa iskul Jean. Mahal na mahal ka ni Papa." Saad niya at ginulo ang buhok ko. Agad naman siyang umalis na at isinarado na ang pinto.
Hindi ko talaga maipipinta na kahit ganoon ang sistema ni papa, ramdam ko naman na may pasasalamat siya. Mahal niya ko bilang anak at bilang bunso.
Binilisan ko na ang pagkain at nagsimula na kong maligo. Habang nagbibihis ako, may narinig akong tunog na nanggaling sa cp ko.
🎶"Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano ikaw pa rin ang gusto ko..."🎶
Tumatawag si Matt. Ang nakakabata kong tropa. Kasangga sa lahat. At syempre, pati na rin sa kalokohan.
"Oh?"
"HOOOOOYYYY!!!"
"ARAY! Ano bang kailangan mo dre?! May pasigaw ka pa. Sakit sa tenga ha!"
"Di ako makakapasok!!"
"Pake ko?"
"Hanep ka naman! Malamang joke lang yun. Sabay tayo sa iskul Josh, tutal may ipapasa rin tayong project."
Nagbuntong - hininga ako. Dahil naalala kong di ko pa pala tapos ang project. Sinundo ko kasi si Papa sa inuman, at may pinagawa ang kuya ko. Yari ako kay Matt, partners pa naman kami.
"Kakagising ko palang! Mauna ka na. Sa school na natin, pag - usapan yung project. Bye biik!" Natatawa kong saad pagkatapos kong i-end ang call namin.
Medyo chubby si Matt, pero maputi at may appeal. Syempre, wala kong kaibigang hindi pogi. Hahaha. Tsaka di na rin problema sakin ang pagpapalusot, kayang - kaya ko yun. Magaling ako magtago ng sikreto. *winks*
Linock ko na ang pinto pagkatapos kong magpabango at magsuot ng sapatos. Di na ako nagsusuklay, dahil maikli naman ang buhok ko, at kaya namang kamay na lang ang gamit dito.
Naglakad ako ng marahan papuntang iskul. Pero tila bang, nakasalubong ko si...
"Jackson!!" Pasigaw kong tawag sa tropa ko. Araw - araw kumakain 'to samin, feeling at home na nga e. Kasama ko simula grade 7. Kasangga ko rin sa lahat, pero mas kasangga ko sa kalokohan.
"Oy dre! Aga mo ata ngayon ah?" Ngiti niyang saad.
"Aga daw. Late na nga tayo! Bogardz ka talaga." Sabi ko sa kanya sabay suntok ng marahan lamang. Close talaga kami neto, sobra.
Moreno ang kulay ni Jackson, matangkad siya at gwapo. Lalaking - lalaki kung kumilos, tahimik at limitado magsalita -- pero sa babae lang.
At dahil close kami, kilalang - kilala ko na siya. Wala na kaming hiyaan at alam ko na rin lahat ng love stories niya. Kung tutuusin mo nga pati kung paano siya tumae alam ko na e.
"Oh andito na tayo dre." Ani ni Jackson.
"Oh yeah! Hahaha." Sabi ko ng may konting lakas ang boses. Nakakaproud.
Tila bang namangha ulet ako sa pinapasukan kong school, kahit 2 taon na ko dito. Dahil hanggang ngayon, kita ko pa rin ang ningning ng memorya namin simula grade 7. Naalala ko lahat - lahat. Nakakamiss.
"Oh ano? Makikita mo na ulit si Sasha." Sabi niya sabay smirk.
"Wala akong pakielam dun. Pumasok na nga tayo, patay tayo kay Sir Rodel." Sabi ko sabay hila na kay Jackson.
"Teka lang dre, ayun si Mori oh! Haha." Nakangiting saad ni Jackson. Inlababo ata tropa ko. Hulog na hulog kay Moriko.
"Halika na!" Tinodo ko na ang hila at pumasok na kami ng classroom. Wala pa naman ang first subject teacher namin, ngunit andito na rin ang mga kaklase ko.
"Yo wassup!" - Christian
"Joshuaa!!" - Matt
"Dre ml!" - Paulo
Tawag sakin ng iba ko pang tropa. Hahaha. Namiss ata ako.
"Bad morning, mga dre!" Sigaw ko.
Welcome back, Highschool Life.
YOU ARE READING
Reality Meets Destiny
Teen FictionMy name is Joshua. Or Jean Joshua. Hindi ako interesadong tao. Aaminin ko hindi ako kapogian. May mga talent ako oo, sa pagkanta, paggitara, at pagiging matalino sa eskuwelahan. Marunong din akong magsulat at magbasa. Kaya kong sagutin ang mga equat...