Chapter 2
Joshua's POV
"Good morning Class." Bati samin ni Sir Rodel.
Agad naman akong tumayo at inayos ang uniporme ko.
"Untimprano Artistico Maestro Davis." Bati namin gamit ang lengwaheng espanyol. Ganyan talaga dito sa Organization na pinasukan ko.
Teka... naexplain ko na nga ba kung ano 'to?
SPA ang tawag.
Special Program for the Arts.
May 5 na uri o specialization. Musical Theatre, Musical Instruments, Visual Arts, Media Arts at Dance.
Masasabing mahirap pagsabayin ang Acads pati ang mga performances na nakalaan samin. Pati na rin ang mga quizzes tuwing hapon, at ang sistema ng pinag-aaralan. Pero worth it naman, dahil naiimprove ang talento na pinili naming pagtuunan ng pansin gamit ang specialization namin.
Kung tatanungin nyo ako, Musical Instruments ako. Tutugtog, mag-aaral tungkol sa musika, at syempre magiging masaya.
Ganyan dito sa SPA.
"Sebastian?"
"Present sir!" Sabi ko nang tawagin ang pangalan ko. Napa-iling naman si Sir Rodel sa di ko alam na dahilan.
"Poling ka beks?" Pagpapatawa nya. Oo sir, falling ako. Falling in love with chuuu yieeee. Charot.
"Hahahaha. Sir naman." Pagpapalusot ko nalang. Tumawa naman ang mga katabi ko na sina Mori at Jane.
"Okay, the lesson for today is Love." Nang masabi ni sir ang mga katagang yan, agad naghiyawan ang mga kakalase ko.
Paktay tayo nyan. Di ako interesado dito.
"Sir, pano yung mga wala namang crush?" Sabi ni Christian nang malakas.
"Hindi naman crush ang paguusapan natin e, kundi love. Kung ganyan lang kababaw ang tingin nyo sa topic natin ngayon, aba'y hindi nyo pa talaga naiintindihan ang love." Saad naman ni sir.
I know nothing about love. May nagustuhan ako dati nung grade 3 ako kasi lagi niya ko shinashare-an ng table pag recess. Binibigyan nya ko juice at sandwich. Crush ko na yon. Ganun lang. Hahaha.
Nung grade 6 naman, ang cute niya kasi kaya crush ko. May pagkamaldita pero mabait at matalino. Sa tingin ko yun ang type ko, di ko binabase sa itsura. Kasi kung maganda ka, kung di naman ikaw ang gusto nung tao, wala lang din naman diba? Tsaka kumukupas yang ganda, pero ang ugali never kukupas yan.
Yun lang ang tanging gandang kikinang sayo. Ugali mo at paano ka makitungo sa tao.
Sa ganto ko kalalim mag-isip, wala pa rin akong alam sa love. 15 years old lang ako. At wala akong crush. Hahaha.
May balak? Hmm. Maybe lol.
"Actually mahirap masabi kung mahal mo ang isang tao, bagay, hayop o kung ano man yan. Dahil hindi madaling salita ang Love. Maraming aspeto yan."
Pageexplain ni sir.Naisip ko naman, paano ko nga ba maeexplain ang love?
"Mori." Tawag ko sa katabi ko.
YOU ARE READING
Reality Meets Destiny
Teen FictionMy name is Joshua. Or Jean Joshua. Hindi ako interesadong tao. Aaminin ko hindi ako kapogian. May mga talent ako oo, sa pagkanta, paggitara, at pagiging matalino sa eskuwelahan. Marunong din akong magsulat at magbasa. Kaya kong sagutin ang mga equat...