Hot
Zehra POV
Pagkatapos ng nangyari nagsipasukan na kami sa loob habang ang katawan ni Jeric kinuha ng mga maid.Tinanong namin sila kung saan nila dadalhin pero imbis na sagutin kami tinignan lang kami at wala kaming nakuhang sagot.Napansin ko ang kakaibang takot sa mata nila nang magtama ang paningin nila kay Hazel.Napatingin ako kay Kate sinasabi ng mga mata niya na hayaan ko muna.Pagkatapos nito pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto.Isinarado na namin ang pintuan ng kwarto at maging ang mga bintana.Iniharang din namin ang ref sa pintuan nang sa ganun pag bumukas magising kami sa ingay na malilikha nito.Hindi namin pinatay ang ilaw sa cr pero sinara namin ang pinto nito dahil na rin sa takot.Nagkanya kanya na kami ng higa sa kama,batid ko hindi pa lahat tulog dahil rinig ko ang pagbugtong hininga ng iba sigurado ako iniisip nila ang mga nangyari.Wala ni isa saming ang nagsalita hanggang sa tuluyan na kami makatulog.
Nagising kami sa katok mula sa pintuan kaya naman agad akong tumayo na sinundan din ni Aceiy at Nica.Tinulungan nila akong alisin ang ref mula sa pagkakaharang nito sa pintuan.Napatingin ako sa bintana,maliwanag na kaya paniguradong umaga na.Pagkabukas namin ng pinto bumungad samin si Laxus na nakaboxer short at sando lang.
Anak ng!
"Zeh tutulo na laway mo"
pangangasar ni Nica kaya naman tinarayan ko na lang siya at shaka bumalik sa kama para mahiga ulit.Bakit ba kasi ganun lang suot niya?Alam niya namang sa kwarto ng mga babae siya kakatok ea."sabi sayo ea may tama rin sayo yun,sadyang si Cynne lang ang jinowa hahaha"
sabi naman ni Aceiy,inis naman akong nagtalukbong ng kumot dahil napatingin sakin si Laxus at dahil na rin sa hindi naman ganun yun.Mahal ko ang boyfriend ko,mahal ko si Cynne."tigilan niyo nga kami,baba na kakain na daw.Masyado na kayong tanghali kung gumising tsk"
sabi ni Laxus."ea ikaw nga mas maagang nagising samin nakaboxer short parin sana man lang nag-abala kang magpalit diba"
sabat naman ni Kate bahagya naman akong napangisi."wag ka na magdaldal jan,magmumuog ka na lang.Oh siya sunod na agad sa baba bago maubusan ng biyaya"
sabi nanaman ni Laxus.Kasing daldal na ata to ni Naithan ea!"we patay gutommmmm"
sabay sabay na sigaw ng tatlo.Batid kong nakalayo na si Laxus kaya naman inalis ko na ang pagkakatalukbong ng kumot at tumayo agad."taray ng ganda mo te ha,dala-dalawa ha"
nakangising sabi ni Nica,inis akong tinignan siya."tigilan mo yan Nica kakagising lang niyan hahaha"
sabi naman ni Kate."hiyang hiya naman ako sa nasopla niyan kagabi"
sagot ni Nica natigilan naman kami at mukhang narealize ni Nica ang sinabi niya.Agad na bumukas ang lungkot samin,panibagong araw na nanaman na haharap kami sa katotohanang lagas na kami sa kadahilanang isa samin ang pumapatay at kami ang pakay niyang patayin."hoy girls ano na?baba na aba"
biglang salitang galing sa pinto.Si Naithan lang pala.Tumango na kami at nagkanya kanyang mumog,nagtulakan pa nga kami kung sino mauunang pumasok sa cr baka daw kasi nandoon kaluluwa ni Denice.Tuluyan na kami bumaba at pumunta sa dinning area."babe dito ka"
bungad na sabi ni Cynne pagkaratimg namin.Napalunok laway naman ako nang makitang nakashort lang siya at walang kahit anong suot na pangtaas."grabe naman yung dalawang lalakeng inlove sayo,ang hohot te ha"
sabi naman ni Kate,napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay pero ang loko nginisian lang ako shaka umupo sa pwesto niya.Lumakad na lang ako papunta sa tabi ni Cynne at kinurot ang tagiliran niya
"aray babeeee"
sigaw ni Cynne."wala ka na bang masuot para magganyan ka lang ha"
inis na sabi ko.Paano ba naman kasi talagang mapupunta sa kanya ang atensyon mo dahil na rin sa ganda ng katawan niya.Umupo na lang ako pero siya nananatiling nakatayo at ngiting ngiti ang mukong,aabot na ata sa tenga yung ngiti niya na yun."ano?"
taas kilay na sabi ko."ang cute mo naman babe,pinagdadamot mo ako"
nakangiting sabi niya."pinagdadamot?magkaubo ka sana"
sigaw ko,napanguso na lang siya shaka naupo na rin sa tabi ko.Nagsimula na kami kumain,nung una tahimik pero dahil kay Naithan nagsimula na kaming mag-ingay at kahit papaano nakakalimutan namin ang bigat ng nangyayari pwera lang kay Mench na tahimik lang talaga at namamaga ang mata.
Pagkatapos kumain nagkanya kanya nanaman kami,bumalik kaming apat sa kwarto.Agad naman pumasok sa cr si Aceiy para maligo.Tahimik naman umupo sina Kate at Nica sa kama nila at ako naman kumuha ng isang libro bago tuluyang umupo rin sa kama at mag-umpisang magbasa.
"hey Zeh walang balak maligo?"
sabi ni Kate kaya natigil ako sa pagbabasa,saglit ko ipinahinga ang mata ko bago tuluyang maligo.Pagkatapos ko maligo at magbihis bumalik ulit ako sa pagbabasa samantalang yung tatlo naglalaro ng uno cards na nakita nila sa lagayan ng mga libro.
"dali pustahan para may trill"
dinig kong sabi ni Aceiy kaya naman napatingin ako sa kanila at binato sa kanya ang isang unan."aray naman Zeh"
sigaw ni Aceiy nang matamaan siya."pustahan,kutusan kita jan.Maglaro kayo ng walang pustahan"
mataray na sabi ko sa kanila."yes mama"
sabay sabay na sabi nila shaka sabay sabay na tumawa kaya naman pinagbabato ko ulit sila ng unan hanggang sa napunta na sa hampasan ng unan pati batuhan ng uno cards ang ginagawa namin.Batid naming napakagulo na ng kwarto sa pinaggagawa namin pero pakiramdam ko nakakabawas to kahit papaano ng kalungkutan."guys"
salitang galing sa pintuan dahilan para matigilan kami at sabay sabay mapatibgin dito.Nakita namin si Larenz na nakapangswimming na short at walang suot na sando.Napatingin ako kay Nica na parang asong naglalaway.Isa sa katingian ng mga boys samin ang hohot nilang lahat."Nica tulo mo lumalaway"
pangangasar ko.Nagsitawanan naman kami lalo na ng umasta siyang sasaluhin ang laway niya.Mukhang hindi rin niya napansin na baliktad ang sinabi ko na siyang nagpalakas pa ng tawa kina Kate at Aceiy.Pabebe niya naman akong hinampas."nabaliw na ang loko"
bulong ko na lang."bakit luvs?"
malambing na sabi ni Nica."swimming tayong lahat dali"
masayang sabi ni Larenz."lahat?"
takang sabi ko."oo nandoon na silang lahat pati si Mench kayo na lang kulang kaya magbihis na kayo,sunod na kayo ha"
sabi niya may pakindat pa kay Nica siyang nalalaman.Masaya namang tumango yung tatlo habang ako hindi naman panatag ang loob.Tuluyan ng umalis si Larenz at nagsimula na ring magsibihis ang mga kasama ko."Zeh wag kang kj bihis na dali"
nakangising sabi ni Aceiy.Napatingin ako kay Kate."bihis ka na dali,mag-enjoy tayo"
nakangiting sabi ni Kate.Bumugtong hininga ako at ngumiting tumango sa kanila shaka nagpunta ng cr para magbihis.Pagkalabas ko ng cr gulat akong makita ang reaksyon nila.
"hoy ano ba yan?nakakahiya ha"
kamot ulong sabi ko."kunwari pa ayaw magbihis ea kabog naman kami sa puti at ganda ng katawan"
nakangiting sabi ni Nica."ewan ko sa inyo.Tara na nga halata naman sa inyong kating kati na kayo magswimming ea"
sabi ko sabay lumapit sa kanila.Tinignan namin ang isa't sa bago tuluyang bumaba at pumunta ng swimming pool area.
YOU ARE READING
Bloody Vacation
De TodoBakasyong magpapatunay sa samahan ng magkakaibigan. Kung sino ang tunay at kung sino ang may balak ng kasamahan. Mapapanatili niyo parin ba ang matatag na samahan kung may isang nagbabalak ng patayan. Welcome to Bloody Vacation:)