Part 17 [Tonight with you]

1.1K 37 0
                                    

Kaiden POV*

Pumunta kami sa nakita kung bahay.
Parang kubo lang sya.

Naramdaman kung hinawakan ni Janna ang braso ko, tiningnan ko naman sya.

"K-kai k-kakatakot dito"-Sya sabay tingin sa bahay.

"HALA ANU YUN???"-sigaw ko at sabay turo sa bandang likuran nya

"WAAAAHH!!!"-Sigaw nya

Pinikit nya lang ang mata nya at niyakap ako.

Nung ginagawa nya!!

"Eheeem!"-relax kung sabi

Inangat nya yung ulo nya at tumingin sya sakin.

Nagulat naman sya at biglang humiwalay sa yakap nya.

At ako naman pinapagpagan ko yung damit ko na feeling may alikabok.

"Tssk!"-naiinis na ata sya
HAHAHAHA!!!

Hinayaan ko nalang sya at itinuon ang atensyon ko sa bahay.

"Tao po"-ako

Parang walang tao ah

"Tao po"-sya

Nagtinginan nalang kami ni Janna.

"Buksan mo nga"-utos nya

Dinahan dahan ko ang pag bukas ng pinto.

Nakita kung walang niisang gamit ang nandun parang wala na nga atang tao dito.

"Pasok kana"-sabi ko sa kanya

At pumasok naman sya ng bigla syang

"AYYY!!!!"

Author's POV*

Pagkapasok ni Janna ay nadulas sya at sinalo naman agad sya ni Kaiden.

Nagkatitigan ang dalawa.

"B-bitaw na!"-utal na sabi ni Janna

Binitawan naman agad sya ni Kaiden.
Si Kaiden naman di nya matitigan si Janna dahil nahihiya sya.

"5% nalang yung phone"-Janna

"Eh yung sayo ilang percent pa?"-Dagdag pa nya

Kinuha naman ni Kai ang phone nya.

"85% pa"-Mahina nyang sabi

"Ayan! Buti naman."-Nakangiti nyang sabi

FAST FORWARD**

Nakaupo si Janna sa may kama ng bahay nayun pero wala silang kumot kahit unan man lang.

Samantalang ang phone naman ni Kaiden ang ginamit nilang ilaw.

"Matulog kana"-Kai

"Pano ka? Iisa lang kasi yung kama. San ka matutulog?"-Pag aalala nyang sabi

Tiningnan sya ni Kai

"Vampires not sleep"-mahinang sabi ni Kai

Nabigla naman si Janna sa sinabi ni Kaiden.

"Eh panu yung boung araw kang nasa loob ng kwarto?"-Pagtataka ni Janna

"Nagbabasa lang ako ng libro"-Kai

Tumayo si Kai at binuksan ang pinto.

"Matulog kana, may kukunin lang ako"-Kai

Janna POV*

Ang ginaw na dito!!!

Nasan na ba kasi si Kai??

Ginawa ko nalang bilang kumot ang jacket ni Kai.

"Kai asan kana ba"-sabi ko habang hinihimas himas ang braso ko sa sobrang ginaw

Kaiden POV*

Sa wakas kahit maliit na dugo lang nakainom rin ako.

Iniwan kona ang aso dun at bumalik na sa bahay.

Andito na ako ng buksan kona ang pinto.

BAT WALA SYA SA KAMA NYA??!!!

Nakita ko syang nakahandosay sa sahig.

Tumakbo agad ako papunta sa kanya at inangat ang ulo nya at pinasandal sa katawan ko.

"Janna!!! Anung nangyare sa kanya??"-pag aalala kong sabi

Hinawakan ko ang noo nya at leeg nya.

Ang Lamig ng katawan nya.

Anung gagawin ko?

"Janna gising!" niyugyug ko sya pero wala paring nangyare

Binuhat ko sya at nilagay ko sa kama.

Dito ka muna babalik agad ako.

Hold on. Gagawa ako ng paraan para makagising kana!!!!

Lumabas agad ako at nag dali daling nag hanap ng kahoy.

Kailangan to ng katawan nya!

Sapat na siguro to...

Dali-dali akung bumalik at nilagay ko sa lababo.

Kaiden POV*

Panu ba gumawa ng apoy?

Gagawin ko nga yung nakita ko sa tv.

Sandali nlang Janna.

Kumuha ako ng dalang bato at kinikiskis ko ng malakas.

Bat ayaw!!???

Please naman. Kahit ngayon lang gumana ka!!

Nilingon ko muna si Janna at kiniskis ulit ng malakas.

Ayan gumana!!!

Buti nalang epektibo yung ininum kung gamot para di kami masunog sa apoy at araw.

Hinihipan ko apoy. Para naman mas lumaki ang apoy.

Mas lumalagablab na ang apoy.

My Boardmate Is A Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon