Naghuhugas ng pinggan ang dalagang si Ziena at ang kaniyang ina naman ay nasa mesa at may sinusulat ito sabay bilang ng pera at halata sa mga kilos at mukha nito na ito'y stress. Napalingon ang kaniyang ina sa may sala kung saan naka upo ang kaniyang asawa sa mahabang sofa at umiinom ng beer habang nanonood ng TV. Napahawak nalang Ito sa kaniyang ulo at napa pikit. Ilang saglit lang ay tinawag niya ang kaniyang anak na si Ziena na abala parin ng paghuhugas nang mga pinggan.
"Ziena iha, hali ka mona rito" tawag ng kaniyang ina.
Napahinto naman ang dalaga at nilingon niya ang kaniyang ina. Agad na nagtungo ang dalaga at nag punas ng kaniyang kamay gamit ang kaniyang suot na saya. Umupo siya sa harap ng kaniyang ina at nagtatakang napatitig ito sa kaniyang ina na di mapinta ang itsura.
"Nay, may kailangan po ba kayo ?" Tanong ng dalaga.
Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay ng dalaga "Anak, di na sapat ang ating gastusin sa mga kailangan niyo sa paaralan at tamang tama lang ito pambili nang gastusin natin dito sa bahay at sa mga utang natin. Naging matumal na kasi ang ating paninindang gulay at isda. Dikona rin kayang rumaket nang paglalabada kasi masakit na ang aking katawan" sabi nang ina ng dalaga at napa ubo pa ito.
"Pasinsya na anak at kailangan niyo nang tumigil nang pag aaral" dagdag pa ng kaniyang ina. Kitang kita sa mga mata nito na nalulungkot rin siya sa nagawang desisyon.
Ang kaniyang ama ay nagpapasada ng jeep ngunit maliit lamang ang binibigay nito na pera sa kaniyang pamilya. Kadalasan itong lasing at nakatambay sa kapitbahay upang mag sugal at mag mag inoman ng kaniyang mga barkada. At minsan naman hinihingi pa ito ng pera sa kaniyang asawa. Di nalang pumapalag ang kaniyang ina at maging sila dahil hahantong lang ito sa away at minsan pa ay pagbubuhatan pa sila ng kamay nito.
Napa buntong hininga nalang ang dalaga at may namumuo naring mga luha sa kaniyang mga mata habang hawak hawak niya ang kamay nang kaniyang ina.
"Ano ma? Titigil na ako sa pag aaral?" Singit ng kaniyang bunsong kapatid na si Zekob na galing lang sa kwarto nila.
Napalingon ang mag ina sa kinatatayuan ng binata. Si Zekob ay tutungtong na sa ika-9 na baitang sa junior high ngayong pasokan at samantalang si Zeina naman ay tutungtong na sa ika-12 na baitang sa senior high. Kayat ganon nalang ang naging reaksyon ng dalaga sa kadahilanan na kung kailan gagraduate na siya ay pinahinto naman siya ng pagaaral.
"Mas mabuti yan" singit ng kaniyang ama at tumayo sa kinauupoan nito at humarap sa kanila. "Kung walang mag aaral walang gastusin. At yang perang ginagamit niyo sa pag aaral aba! Akin nalang! Mas malaking pakinabang yun woyy" dagdag pa ng kaniyang ama sabay inom ng beer at lumabas sa bahay.
Nabasag ang sandaling katahimikan nang mag salita ang dalaga "wag kang mag alala bunso, gagawa ng paraan ang ate" aniya sa kaniyang bunso sabay ningitian nito.
Sa sandaling iyon, umaasa ang dalaga na di ma puputol ang kaniyang binuong mga pangarap para sa kaniya at sa kaniyang mga pamilya. Umaasa siya na magkapagtatapos siya ng pag aaral at maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan. At ang tangging paraan na namumuoo sa kaniyang isipan ay ang mag trabaho ang para matutusan niya ang pag aaral niya pati narin sa kaniyang kapatid. At bukas na bukas ay sisimulan na niyang paghahanap ng panibagong pagasa.
BINABASA MO ANG
May Forever sa Room 303
Teen FictionTrabaho, aral, trabaho, aral, at walang katapusang trabaho at aral. Diyan lang umiikot ang buhay ni Ziena, isang typical na studyante na may pinanghahawakang pangarap at isang anak ng mahirap na pamilya kung kayat kailangan niyang mag trabaho para...