Zienas POV
Nagising nalang ako sa tunog ng alarm ckock ko. Tumayo ako at pinatay ang alarm clock. Napalingon ako sa tinulogan ng kapatid ko. Double deck ang higaan namin at nasa itaas siya, mahimbing na natutulog.
"Makaka pag tapos karin bunso" bulong ko sa sarili ko tas ngumiti. Kinuha ko yung tuwalya ko at pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong maligo lumabas na ako nang banyo at nadatnan ko si mama na abalang nag luluto ng pang umagahan at si papa? Tsk nakahiga sa sofa at sobrang lakas ng hilik.
"Oh anak bilisan mo mag mag bihis at nang makakain kana" banggit ni mama na abalang nag naglalapag ng pinggan.
Diko alam pero dinila ako ng mga paa ko sa kinatatayuan ni mama. Binagyan ko siya ng isang malambing na back hug sabay halik sa kaniyang ulo. May namumuo naring kunting luha sa tagiliran ng aking mga mata. Alam kong hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Kung saan susuko na si mama sa pagpapaaral sakin. Pero walang makakapag pigil sa pinang hahawakan kong pangarap para saking pamilya. Lahat gagawin ko matupad lang ang aking inaasam asam na pangarap.
Napatigil naman si mama sa kaniyang ginagawa at tinapik ang aking braso.
"Anak, Ziena. Pasinsya sa nagawa kong disesyon ah" ani ni mama sabay hawak sa aking braso na nakapulupot sa kaniyang katawan. Di ko man nakikita ang mukha ni mama pero alam kong naluluha siya base sa pananalita niya.
"Ma, walang makakapagpigil sa pangarap ko sa pangarap natin. Di hadlang ang kahirapan. Lalaban ako ma" emosyonal na sabi ko ni mama. Bumabagsak narin ang kunting butil ng luha sa aking mga pisngi.
"Ang swerte ko talaga na naging anak kita" sabi ni mama na may namumuong ngiti sa kaniyang labi.
Bumitaw ako sa pagkayakap ni mama at pumunta sa kwarto para magbihis. Paglabas ko ay kumain na ako at pagkatapos nag paalam na kay mama at kay bunso.
Ngayon ang araw kung saan magsisimula na akong maghanap na pweding matrabahoan. Nagtanong tanong tanong narin ako sa mga kaibigan ko kung san pweding maka hanap ng trabaho. Naglakad lakad lang ako para maka hanap talaga ng trabaho kahit maiinit tinitiis ko. Isa isa kong kinakatok ang bawat malalaking bahay at mga tindahan na dinadaanan ko nagbabasakaling makakahanap ako ng trabaho pero bigo akong makahanap. Pero di parin ako tumitigil sa paghahanap kasi sa puso't isip ko, may pinang hahawakan akong mga pangarap. Naglalakad ako sa ngayon sa kahabaan ng kalye at nakasalubong ko ang isa sa mga pinsan ko na maarting kinakawayan ako.
"Hi Ziena" sabi niya sabay ngiti.
"Oyy hi Daisy" sabi ko naman sa kaniya at ningitian din siya.
"Where are you going?" Maarting tanong nito at hinead to toe ako. Nailang naman ako sa ginawa niya.
"Oww naghahanap ka pala ng trabaho diba?" Dipa ako nakapagsalita at nag salita siya ulit. Tango lang ang naging sagot ko sa tanong niya at mapait na ngumiti.
"How sad, your family can't afford you to go to school" maarting tugon nito. Ningitian ko nalang siya ulit di pinapahalata na nahihiya ako. At naglakad na siya papalayo sakin.
Napayuko nalang ako sa kinatatayuan ko. Malungkot mang isipin na pati mga pinsan ko dinodown ako, kami ng mga pamily ko. Kompetasyon ang kanilang ginagawa at hindi pakikipag ugnayan at pagkakaisa. Isa sa mga rason kaya naging ganyan ang aking ama. Ang aking papa ay hindi nakapag tapos ng pag-aaral at kaniyang mga kapatid ay nakapagtapos ng pag-aaral. Imbis na tulungan ay minamaliit pa ito hanggang sa nakapg asawa ang aking papa sa isang 3rd year highschool lang ang natapos. At dahil don, patuloy siyang inaapakan at minamaliit hindi lang siya kundi kaming kaniyang mga pamilya.
"Balang araw maipapakita korin sa inyo na mali ang lahat ng ginagawa niyo at balang araw di niyo na kami ma apak apakan pa. Pangako yan" bulong ko sa sarili ko na may halong diterminasyon.
BINABASA MO ANG
May Forever sa Room 303
Dla nastolatkówTrabaho, aral, trabaho, aral, at walang katapusang trabaho at aral. Diyan lang umiikot ang buhay ni Ziena, isang typical na studyante na may pinanghahawakang pangarap at isang anak ng mahirap na pamilya kung kayat kailangan niyang mag trabaho para...