I can still remember how he, make me fool that day.
Yung araw na, naghintay ako sa park na 'yun.
Yung araw na sobrang excited ko na for the first time inayos ko ang sarili ko.
Kasi gusto ko na when I met him, magbabago yung nararamdaman niya. Na posibleng magustuhan niya ko bilang kung ano ako at hindi bilang isang-kaibigan.
Kaibigan. kaibigan na handang gawin ang lahat para sa kanya. Kaibigan na sa tuwing broken hearted siya eh. masasandalan niya.
Hindi lang tuwing kailangan niya ng taong mapagkukwentuhan. Kung hindi kasama niya sa lahat ng bagay na gusto niyang makamit.
" Lagi mong tatandaan na lahat ng bagay may dahilan 'yan kung bakit ito kailangang mangyari." sabi yan ng mommy ko bago niya kami iniwan. Bago niya kami talikuran. Grade six ako ng mga panahong yun. Musmos pa nga talaga ang pagiisip ko nung mga panahong yun.
" May mga taong bigla na lamang rin mawawala."ani pa nito na parang pailing-iling pa. kasalukuyan ako nung nagsusulat ng assignment at pilit iniintindi ang mga english sentences na nakasulat sa aking english textbook.
She had a dream. And that dream seems so far away.
Inunti-unti kong praktisin ang mga salitang 'yun dahil naalala ko noon na gusto kong mag-travel around the world. Isa kasi 'yun sa mga nakasulat sa bucket list.
"Magandang umaga ho, Tita
I just wanna know kung nandyan po ngayon si Rose?"Nagulat na lamang kami ni Mommy nung may nagdoor-bell sa bahay. Si Mommy na ang nagbukas ng gate. Sumunod ako kay Mommy nakatago lang ako sa likuran niya at nakakapit sa may baywang niya malapit sa paldang bahagi ng bestidang suot nito. May isang lalaking may dalang bulaklak at may height na sa tingin ko ay 5'6. Matangkad ito at napansin ko ring nakasuot ito ng stripes na polo na katulad nung kay Ate Rose.
" Ako nga po pala si Ken flowers for you tita." Inabot yun nung lalaki kay Mama at napangiti naman ng bahagya si Mama kaya naman maski si Mama ay tarantang taranta rin ng patuluyin niya ito sa bahay namin.
"Naku pasensya ka na hijo sa bahay namin . medyo makalat at medyo maliit. Hindi kasi namin na bigla kang bibisita hehe."
Ayun yung huling panahon na nasilayan ko si Mama na sobrang mahinahon. Yung sobrang maasikaso na side ni Mama nakakapanibago lang kasi na unti-unting nanunumbalik yung masiglang personality niya. Siguro ay nahihiya lamang itong ipakita ang side niya dahil may bisita nga. Napakadisente noon ni kuya Kent.
Kung minsan ipinapasyal niya kami ni ate sa mamahaling restaurant at magoorder ng paborito nilang spicy chicken samantalang sa akin naman ay chocolate sundae lang dahil ito yung napapanuod ko sa mga tv commercials. At tuwang tuwa ako noon dahil first time kong makakatikim noon. Mumting bata pa ko noon ng ma-realize ko na sobrang swerte ni ate kay kuya dahil sobrang bait nito at napakasweet pa.
"NAK tawagin mo ang ate mo at nakakahiya sa bisita. " Utos sa akin ni Mama na hindi na talaga mapakali.
"Opo Ma,saglit lang po"sabi ko kay mama at kaagad na pumunta sa kwarto ni ate. Basta yun yung mga pangyayari kadalasan.
Kung minsan pa nga eh madalas ko silang kasama o sabihin na nating lagi nila akong sinasama saan man sila magpunta. Parang fiesta lagi dahil pirming maraming pagkain sa mesa araw araw sa tuwing sasapit ang monthsary. At doon ko nakilala si Christian na naging kababata ko pala dati.
Maraming beses na kaming muntik na pagtagpuin. Ngunit tadhana na namin ang nagiging dahilan para paglayuin kaming dalawa.
****
Mapaglaro. ganyan maisasalarawan ang kapalaran naming dalawa ngayon. Mapaglaro na tipong kaunting agwat na lang ay mawawala pa.
Siguro kung pinaglaban niya lang ako dati. Hinding hindi na hahantong ang lahat sa ganito.Hindi siya mahihirapang lapitan ako at yayain na kumain ng ice cream sa big scoop na paborito naming tambayan dati nung NASA grade school pa kaming dalawa.
To be continued...
-----
Please vote comment and recommend . :)Dedicated To : maureenisme
Hi dedicated sa kanya for supporting the fist story C AND E
YOU ARE READING
Finding Someone (Sequel of C AND E)
Teen FictionDo comebacks still exist? Two hearts. Strangers. Both has undefined stories. Will they meet again for second time around? ©All rights reserved ©Themysteriousjuan ---------