♥C H A P T E R 3 ♥

51 10 0
                                    

Dedicated to :
whenitcomestolove


Christian

Maaga palang ay naghanda na ko para sa pinakaspecial na araw na 'to.  Naabutan ko si Mom na nagluluto ng breakfast.

Nagpunta ako ulit sa room ko to have my clothes changed, I brushed my hair and suddenly nag-vibrate yung phone ko.

"Anak Christian, kumain ka muna bago ka umalis." Narinig kong sabi niya at agad na Rin akong bumaba sa dining table. Binilisan ko ang pagkain dahil excited na talaga ako.

"Bye Mom" hinalikan ko sa pisngi si mom then kinuha ang bike sa harapan Ng gate namin. Kinuha ko ang mp3 player ko at pinatugtog Ng malakas na volume ang kantang 'My One and Only You ng  Parokya ni Edgar

Habang masaya rin akong nagbisikleta. nakita pa nga ako ni aling Tetay . Kumaway na lang ako dahil nagmamadali na talaga ako.

At sa di inaasahang pagkakataon, Nandito si Chelsey—Ang babaeng iniiwasan ko at ni Ericka dati. Ang sumira ng lahat ng Plano ko.

Nag 'hi' ito sa akin. Ilang minuto ang namagitan ng magsalita ito ulit. Hindi ito mapakali . Halatang kabado siya ngayon.

" I know na masama pa Rin ang loob mo sa akin. I can't blame you. I'm really sorry." Paghingi nito Ng tawad sa akin. Anong nakain nitong babaeng to. This woman is really getting into my nerves. Unang una sinira niya yung gap sa aming dalawa and now, She's saying sorry. She is apologizing.

Tsk! may saltik na yata talaga ang isang ito.

Kung akala niyang okay na Yung sorry niya. Diyan siya nagkakamali.

" I'm sorry kailangan ko na talagang umalis. May date Kasi kami ni Ericka. So if you don't mind." Mataman siyang tumitig sa mga mata ko. Bakit Kasi ang kulit kulit nito. Ilang beses bang pinanganak to.

Iniwasan ko na lang na makipagtitigan. Alam ko sa sarili ko that this might be the best option. And I know for sure na mas lalong gugulo ang Mundo ko dahil sa babaeng 'to. I'm dead serious.

Humarap akong muli at sinabing " Maybe we can talk sometime around. Baka malate na Kasi ako. And about doon sa nangyari, let's just forget all about it. Masyado ng matagal ang nangyari. Kung nagii-insist ka. You can say sorry to Ericka. So she may know na sincere ka talaga."

" Sige bye!" Nagmamadali Kong Sabi at binilisan ang pagpadyak sa pedal ng bisikleta ko. I know na nandoon na siya nakakaexcite.

Mabilis naman akong nakarating sa tagpuan namin. Katulad Ng dati, marami pa ring mga students ang nandito. Sinadya ko talagang umalis ng bahay para makapaghanda pa ng unti. Gusto ko maging perfect ang lahat. Gusto Kong makabawi at Makita siyang ulit.

Sa totoo lang hindi ito Ang unang beses na magkikita kami. Dahil sa naging busy ako sa pagiging exclusive writer ko. Unti-unting nawalan ako ng time para sa 'social life' ko. Naging malimit na rin yung pakikipagkita ko sa kanya. Dati kasi madalas na magtagpo yung landas namin sa park. Kung minsan sa school gymnasium. Minsan nasa canteen siya kasama yung ibang mga kaibigan niya na puro halos babae. Nakakahiya namang lapitan sila. I find it awkward.

At isa pa iniiwasan niya rin kasi ako. Nandito rin yung mga tropa ko. Si Bench, Louie at Gierome.

Sinalubong na nila kaagad ako para sa surprise ko mamaya. Binigyan ko kasi sila ng tasks. Si Bench ang nag-hanap ng venue. Si Louie ang naka-assign sa designs at si Gie naman sa music.  Sa aming tatlo kasi siya ang nas may taste sa music. Napagplanuhan namin na gawing simple lang ang motif pero mukhang engrande at pinaghandaan.

Nagkaisa kaming gawin tong lahat. At umaasa akong magugustuhan niya yun. Habang ginagawa nila yung mga tasks . hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil nag-flashback sa akin lahat ng mga messages namin ni Ericka. Abala akong nag-back-read ng mga past conversations namin.

"Aba! masayang masaya ka pre ah" Si Louie

" Iba talaga ang pag-ibig. Dumadating ng hindi mo inaasahan". Napa-aray na lang sila ng parehas ko silang batukan.

" Kayo talaga. hay naku. Hahaha" Ibinalik ko na yung phone ko at umalalay sa kanila.

Magaalas sais nang matapos yung design. May balloons na heart shape. then may ilang mga fairy lights ang nagbigay kulay sa venue. At ang highlight for the event is yung type of music. Narinig kong nagre-rehearse sila ng kanta. Yung tipong puro instrumental lang. Violin cover ng A Thousand Years ang napapakinggan ko ngayon. Nilibot rin ng paningin ko ang banner na " Will you be my girlfriend? " Natuwa lang ako kasi sa ilalim ng mga letters may naka-sketch na stick drawing. I must say na medyo natawa ako sa idea nilang 'yun. Though,I find them nice and cute kaya hinayaan ko na lang.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta lang ako sa locker.

" Sige sige. basta bilisan mo kasi kaunti pa lang yung natatapos. Ok?" Sabi ni Louie. hawak ang isang japanese paper na ginawang rosas. Ang lupit lang!

"Oo naman mga tsong! Akong bahala. mabilis lang ako. haha" Tumakbo na nga ako ng mabilis papunta sa locker area para maiwan ko yung letter sa locker.

"Uy ano yan?"

"Anak ng kalabaw!"Napasigaw ako dahil nabigla ako sa pagsulpot ni Thomas sa likuran ko. Hindi ko naman kasi siya napansin kanina. Mukha namang  walang tao dito kanina, ah

Tsk ! Pambihira talaga.

" Basta wala ka na doon. Wag kang magulo." sabi ko sa kanya habang panay harang naman niya sa akin. Hindi naman ako nainis sa kanya dahil isa rin siya sa mga blockmate ko sa university.

"Ayiiieeee pumapag-ibig ang lolo niyo hahaha" Sabi na lang niya at tuluyan ng umalis

Matapos niyon ay bumalik ako sa venue namin. Laking gulat ko ng mapansing mas lalong gumanda yung venue. Marami ng improvements simula kanina pero dumoble ngayon.

🎵Summer after highschool.
When we first met .
You make up all your mustbang
radiohead.
And on my eighteenth birthday,
We got matching tattoos.

Kung kanina soft music ang tumutugtog. Ngayon naman ay sobrang relaxing ng ambiance. Familiar sa akin ang kanta dahil kinanta ko ito sa kanya nung eighteenth birthday niya.

Dahan dahang lumalapit ang paa ko para tunguhin at sundan kung saan galing ang music. Piano cover ito ng kantang The One that Got Away ni Katy Perry.

🎵And another life
I will be your girl
We keep full of promises
To end against the world...

Napansin kong nakasuot ito ng pink na floral dress. Nakatalikod ito habang tinutugtog ang piano.

Sinubukan kong kalabitin siya.

" Im glad na dumating ka..."

🖤🖤🖤

©Finding Someone by ©themisteriousjuan
®

All rights reserved , 2020

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding Someone (Sequel of C AND E)Where stories live. Discover now