chapter 12

169 2 0
                                    

Chapter: 12 :) @JWay_1113010103111
Binibining JWay
_________________________

Hera Carter
________________________
"Dont move!" galit na saad sa akin ni Lolo Zaus.
Nanatili naman ako sa ganuong posisyon para hindi na magalaw yung sugat ko.

"Ito na po, Sir" agad na inilapag ni Yaya Iya yung kahong may lamang mga gamot. Taranta namang binuksan ito ni Chan pero agad rin itong inagaw ni Lolo Zaus.

"Ako na. I can do it" ani Lolo Zaus at hinalongkat na iyong box.
Hindi ko talaga alam kung bakit sila ganyan. Kahit ano kasing pinaggagawa ni Chan ay inaagaw ni Lolo Zaus. Pati nga iyong pag buhat sa akin para ilipat sa kama ay pinag agawan pa nila. Pero mukhang wala naman ata silang problema diba?

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?!" galit niyang tanong sa akin. Sinimulan niya namang pahiran iyong dugo kong nasa paa. Saglit niya naman akong tiningala at bumalik rin sa ginagwa niya.
Grabe, ako na nga itong niliparan ng pusa ako pa itong pinapagalitan niya?

"Huwag mo na siyang pagalitan" anas ni Chan sa gilid. Nagbukas naman siya ng bagong bottled juice at isinala duon sa baso at inabot sa akin. Agad ko naman itong nilagok lahat.

"Why shouldn't I be, Chan? Nakakalimutan mo atang asawa ko siya" sagot ni Lolo Zeus dahilan para uminit ang mukha ko.

Ano ba kasi ang meron at ganyan sila umakto?

Naramdaman ko yung pagpisil ni Lolo Zeus sa paa ko kaya agad ko siyang tinignan. Bigla niya nalang akong kinindatan kaya agad akong nagiwas ng tingin. Kainis tong lalaking ito. Ano kaya iyong nakain niya ngayon?

Mga ilang sandali lang ay agad nang natapos iyong paglilinis niya sa sugat ko. Hindi naman ito masyadong malala kaya kaya ko pang makatayo. Maglalakad na sana ako nang bigla along pigilan ni Chan.

"Bubuhatin na kita, Babe" Aniya at agad na akong binuhat. Hindi naman ako makahindi dahil buhat buhat na niya ako ngayon.

Maglalakad na sana siya ng magsalita si Lolo Zaus.

"Ibaba mo siya, Chan" sabi niya at halatang galit.

Nako po! Mukhang burido nanaman ata ang utak nito!

"Its okay, Zeus. Kaya ko naman siyang buhatin" sagot ni Chan at akmang hahakbang na sana pero sumagot ulit si Lolo Zeus kaya natigilan ulit siya.

"Do you think hindi ko siya kayang dalhin sa kwarto?" Tanong niyang deritsong nakatingin kay Chan. Halatang galit ito dahil sa pag igting nang panga nito.

Naitikom ko naman ang bibig ko. Bakit kasi sa ganitong panahon ay hindi ako makasingit sa usapan nila? Hindi naman ako makahindi kay Chan dahil komportable naman ako sa pagkakabuhat niya sa akin. Malaki naman kasi iyong braso niya at may tangkad rin kaya masasabi kong okay lang ako dito.

"Its not what I mean Zeus. Total ay ikaw naman ang naglinis sa sugat niya kanina kaya ako naman ngayon." Tinignan ako ni Chan at muling nagsalita "If it is okay to Hera" aniya at tinignan ako na parang nagpapaalam. Tumango naman ako kaya agad naman siyang ngumiti.

"Okay lang naman sa kanya. So, ako na ang magdadala sa kanya"

My Childish LifeWhere stories live. Discover now