Legend /3/: What are you?

0 1 0
                                    


***

" Heto po master!" saad ni Falcon sakin. Lumapit naman ako upang makita ang nais nyang ipapakita at-

WHAT THE----!!!

Ano ba yan?? Wasak na wasak at wak wak ang dibdib ng isang-sa palagay ko ay isang nymph din. Napaluhod ako sa nakita waring di madigest ng aking isipan ang kasuklam suklam na bagay na di ko pa nakita sa tanang buhay ko. Anong klasing nilalang ang gumawa nito?

" Hindi lang ito ang kauna-unahang kababalaghang nangyari master. Nagsisimula na ang pagbago ng kulay ng buwan. Unti-unti na itong naging kulay berde. Iyan ang kinababahala ngayon ng iyong nayon." mahabang salaysay ni Falcon sakin. Lubos akong di makapaniwala dito. Di naman siguro ang buwan ang may kayang gawin ito, at ang mga yapak kanina. Posible kayang may kinalaman iyon sa kasong ito?

" Ano ba ang palatandaan pag-naging kulay berde ang buwan?" tanong ko kay Falcon, umaasang may alam sya upang maliwanagan ako sa mga nangyayari.

"Hindi ko na po alam ang tungkol diyan. Limitado lang po ang aking nalalaman sa ngayon." saad nito. I calm myself from frustration. Isa lang ang alam kong makakasagot nito. Si Denver, isang nymph na nagbabantay sa mga literatura sa librarya. Kailangan ko syang puntahan para sa mga karagdagang impormasyon. Alam kong may malawak syang pang-unawa sa mga bagay na ito.

" Sige, Falcon at Mariposa bumalik na muna kayo sa South wing, may gagawin muna ako saglit." wika ko. Kinakailangang may gawin ako para masolusyonan ang mga  nangyayaring kababalaghan dito.

" Pero, Master delikado dito. Di pa natin wari kung anong mabangis na nilalang ang pagalagala dito." saad ni Falcon. Sumang-ayon naman si mariposa at pilit nila akong sinasama pabalik pero mapilit ako.

" Sige na, kayo ko na ang sarili ko. Mauna na muna kayo. Saglit lang ako dito." saad ko. Para saan pa at naging Jalish ako. May dala dala na man akong pana saking likod.

Nagdadalawang bumalik sila. Nang masiguradong wala sa sila. Agad kong inubserbahan ang karumal dumal na nangyari sa bangkay ng isang nymph.
Kaawa-awa ang sinapit nito.

Nabaling ang tingin ko sa may damuhan. Nakarinig kasi ako ng kaluskos sa banda roon. Dahan dahan kong kinuha ang pana na nakasabit saking likod. Kung ano mang nilalang ito, papatayin ko. Kumaloskos uli ang damuhan.

Dahan dahan ko namang itinoon ang dulo ng aking pana sa kinaruruonan ng-

may isang kuneho ang lumabas doon. Palukso lukso pa ito na waring balisa. Ibinalik ko nalang ang pana saking likod at lumapit sa kuneho.

Bigla nalang itong lumukso papalayo sakin kaya hinabol ko ito.

"Munting kuneho, huwag kang tumakbo, di ako masamang nymph." sigaw ko dito. Bumaling naman ito sakin. Dahan dahan akong lumapit dito. Tinitigan ko ang dalawa nitong mata at nagkonsentrate.

" Munting kuneho, may alam ka ba sa nangyari sa nymph na iyon?" tanong ko dito. Nagbabaka sakaling sumagot ito at magbigay impormasyon sakin.

Medyo nagulat pa ito saglit, pagkunwa'y sumagot.
" Wala akong alam!" at balisa itong lumukso palayo sakin.

Kinalma ko muna ang aking sarili at nagwikang.

" Kung hindi ka magsasabi ng kahit anong nalalaman mo, may mangyayari pang mas kasuklam suklam pa rito. Baka iba pang nymph, o di kaya'y pamilya mo o baka ikaw na mismo!" pananakot ko dito. Nadala naman ito at nagbaling ng tingin sakin. Lumapit ito sakin.

" Isang nilalang, hindi! Isang nakakatakot na nilalang ang may gawa nyan. May dalawang pares ng pak pak at matulis na pangil. Nakakatakot!" saad nito at umalis. Saglit kong tinignan ang daang tinahak nito at pagkunwa'y bumalik sa bangkay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Legend Of Ozcar The BeastWhere stories live. Discover now