Chapter 1

3 0 0
                                        

ONE LOOK

Masayang nag kukwentuhan sina Kim at Amily kasama ang kanilang iba pang mga classmates, katatapos lamang ng kanilang English subject at ngayon hinihintay nalamang nilang dumating ang susunod na guro.

"Hoy Amily luka-luka ka talaga!" Pagalit ngunit nakangiting sambit ni Joy na isa rin sa kanyang natatanging kaibigan.

"Oh bakit nanaman ako naging luka-luka?" Sagot ni Amily kay Joy.

"Naku! kailangan paba iyan itanong!?  Pasalamat ka at naisipan kong gumawa ng extra assignment kung hindi nalagot ka nanaman kay ma'am!"

" O sige thank you na! Ikaw nang pinaka the best Bae sa whole wild world!" Natatawang sagot ni Amily sa kanyang bestfriend. At tuluyan ng nagtawanan ang magkakaibigan kasama ang iba pa nilang mga classmates.

Joy has been Amily's classmate eversince kinder, may mga year nga lang na nagkakahiwalay sila dahil sa napupunta sa higher class si Joy sapagkat may katalinuhan ito, samantalang si Amily naman ay nanatiling nasa lowest. Gayunman ay nanatili ang kanilang pakikitungo sa isat-isa. Third year highschool na sila ng marealized na mag bestfriends nga silang dalawa. Samantala, si Kim naman ay nakilala ni Amily noong grade six na siya, unang tagpo palamang ay alam na kaagad nilang dalawa na magiging matalik na magkaibigan silang dalawa. Ewan ba ni Amily kung bakit o papaano, ang kanyang dalawang matalik na kaibigan ay hindi naging close tulad ng gusto niya, maybe because Kim was a very shy and timid girl, sa kanya lamang ito nag bibiro, while Joy is a very outgoing girl, well both are smart but Joy is the active one.

Natigil lamang ang kanilang tawanan nang may pumasok na lalaki sa pintuan na malapit sa kanilang kinauupuan.

"Oooh..ang yummy.." Ika ni Sybel, isa sa mga kaibigan ni Joy.
"Wow hot fafah!" Pabulong na bulalas ni Athena.

Napaka puti ng lalaki na pumukaw ng kanilang atensyon, halos lahat na ata ng katangian nito ay isa-isang pumasok sa isipan ng kababaihang nakatulala dito.

"Ang pogi.. Ang linis.. Ang puti.. Ang tikas.. Ang bango.. Ang astig pumorma.. Ang lakas ng dating.."

Lahat ng iyan ay umiikot sa kanilang isipan habang titig na titig sa nasabing lalaki, everyone, except Amily. Busy siya sa pag scroll sa screen ng kanyang cellphone, oo nakita niya ang lalaki but unlike her friends hindi niya inabala ang sarili na titigan pang matagal ang lalaki, yes he's kind of gwapo, nakaka agaw pansin BUT, hindi siya interesado sa ganoon, mas gusto pa niyang magbasa ng Wattpad at kiligin sa kanyang mga paboritong fiction characters.

Ngunit lihis sa kanyang kaalaman na ang gwapong lalaki ay lihim siyang sinusulyapan at pinakikiramdaman.

"Emily.." Bulong nito habang lihim na pinagmamasdan si Amily.

"Hoy Amily nakikinig kaba? Sabi ko if knows mo yung guy?" Ulit na tanong ni Ace kay Amily habang itinuturo ang nguso nito sa nasabing lalake.

"Who?"
"Him"
"Huh?"
"Sisipain na kita diyan! Tingnan mo kasi!" Nanggigigil ngunit pabulong na sabi ni Ace.

In-off ni Amely ang cellphone at saka binigyang pansin ang lalaking topic ng kanyang mga kaibigan.

He's eye cathing, with those long legs she's very sure six footer ito. Maganda ang build ng katawan para sa 20 year old, his hair is so dark and it even looks smooth ano kayang shampoo na gamit nito naitanong niya sa sarili, at pwede rin itong maging bida sa isa sa mga fiction romance stories na binabasa niya sa wattpadd sa laki ng biceps nito, magandang pagbitinan ng bidang babae, seryosong nasabi ni Amily sa sarili.

Lumingon ang lalaki, now she has the chance pagmasdan maigi ang mukha nito, medyo natatakpan ng buhok ang kaliwang mata nito. His lips, manipis iyon at mamula-mula, the nose, pointy but a little crooked in a perfect way, with high cheeckbones kahit sinong babae kaiinggitan ito. His skin is so white, almost pale white, and his eyes.. Hindi niya madescribe iyon, parang umiikot ikot ang dark colors sa iris nito..At sinubukan pa niyang titigan itong maigi sa mga mata.

"Emily..."

"Whe're back.."

"I'm back.."

"Emily.."

"Em-" As if natauhan sa pagkaka hipnotismo si Amily at iniling iling ang ulo. Naliliyong hinawakan ang kanyang ulo na para bang binibiyak iyon sa sakit.

"Excuse me, but I think your friend here needs help, I sudjest you bring her to the clinic, namumutla na sya at mukhang nahihilo, or I could just bring her there by myself?"

Walang kamalay malay si Amily na nasa harap na pala niya ang lalaking kanya lamang sinusuri kanina. Samantala ang kanyang mga kaibigan naman ay halos parang naistatwang nakatitig sa lalaking nag sasalita, nakabuka ang mga bibig na tumatango lamang sa pagsang-ayon sa sinabi ng lalaki.

At kumilos nanga ang lalaki, dahan dahang binuhat si Amily na para bang isang prinsesa palabas ng classroom, pababa ng building...

Ashes Of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon