Halos Alas Dyes na ng gabi iyon at pauwi pa lamang si Eros. May tatlo pa siyang kasama. Isang matanda, isang bata at isang estudyanteng katulad niya. Ginabi na siya dahil sa Group Project na kailangan nilang tapusin. Inaantok na siya at siguradong paguwi niya'y dederetso na lamang siya sa kanyang kama't matutulog.
" 13th Station — " Naalis ang antok niya at napamulat. 13th Station? Diba'y 12 Stations lang ang meron sa Killen? Meron na ba non?
" Pre? Narinig mo ba yon? " Tanong sa kanya ng kapwa niya Estudyante. Halata ang pagkalito sa mukha nito. Pero nababakas niya rin ang takot.
" Oo — " Di na niya nasundan pa ang sasabihin ng biglang tumigil ang Tren na sinasakyan nila. Rinig niya pa ang tunog ng paghinto at pagbukas ng Tren. Makalawang — dahil luma na. Kasama pala nito ang bata.
" P — Pre? Bumalik na lang kaya tayo? " Tinignan niya ang lalaki at namumuo na ang butil butil na pawis sa noo nito. Di niya ito pinansin at dumiretso sa hagdan pataas.
" Baka nagkamali lang yung Computer sa pagsabing nasa 13th Station tayo. Halika na — " Narinig niya ang pagsara ng pintuan ng Tren. Nasa loob ang lalaki at panay ang tingin sa labas ng Tren. Tatawagin niya sana ito ng may biglang lumapit rito. Isang Janitor? May Sakong nakasuot sa ulo nito nakapagtaraka. At dahil duon ay di niya makita ang mukha nito. Alam niyang silang apat lang ang nakasakay sa Parte ng Tren na iyon. Paanong —
Nabigla na lamang siya ng itaas nito ang Chainsaw na hawak. Nakatalikod ang lalaking kasama niya kanina kaya di nito nakita ang lalaki. Kinatok niya ito pero nagsimula ng umandar ang Tren. Sinabayan niya ito. Nakita niya pa ang pagsigaw ng Lalaki. Isa, Dalawa, Tatlo, Apat at ang nga sumunod pang bagon ng Tren? Puno ng Dugo. At ang may kagagawan? Mga taong nakasuot ng Sako sa ulo at lahat ay nakatingin sa kanya. May biglang humawak sa kanya kaya bigla siyang sumigaw.
" — kuya. T — Tulong.. " Yung bata. Putol ang kaliwang kamay. Nakarinig siya ng ingay na galing sa Chainsaw. Biglang may dumating. Hawak nito ang Ulo nung Matandang kasama niya kanina. Agad siyang tumakbo pero napapalibutan na pala siya. Lahat may hawak na Chainsaw — papalapit sa kanya.
" Grabeng pangyayari — " Umiiling iling na pahayag ng isang Police. Si Jerome. Nasa harap sila ng 12th Station. Apat na bangkay ang nakita ng Janitor. Iba ay Putol ang Kamay, Paa, Katawan — Ulo.
" Anong statement nung Janitor? " Tanong ni Uno kay Jerome. Isa ring Police na naatasang linisin at imbestigahan rin ang Crime Scene. May binuklat na Long Bond Paper si Jerome at binasa ang nilalaman nito.
" Alas Kwatro raw ng pumasok siya. Naglilinis na raw siya ng may makita siyang Lalaki na nagtapon ng Sako sa Riles. Tinawag at sisitahin niya na sana ang Lalaki ng bigla na lang raw iyong tumakbo. Lumapit siya sa pinagtapunan ng Lalaki at ito ang bumulaga sa kanya. " Napailing si Uno. Di siya naniniwala sa Statement ng Janitor. May nakita siyang Chainsaw sa Istasyon nito. Malinis. Pero di nakaligtas sa paningin niya ang Damit nito. Puno ng dugo. Nakalagay sa Sako. Nakatago sa Ilalim ng Riles.
" Anong eksplanasyon niya tungkol sa mga nakita ko? " Ipinakita niya dito ang mga nakuha niya kanina. Halata ang gulat sa mukha nito at pilit itinatanggi ang Krimen. Di niya na hinintay ang Statement nito at agad na siyang lumabas para magimbestiga.
" Baka raw sinet-up siya nung lalaki — " Ramdam niyang may idadagdag pa ito at hinintay na lang niyang ipagpatuloy nito ang sasabihin. " — o baka raw ikaw, sinetup siya.. " Agad siyang napagagikhik.
" Kakaiba — alam mong diko kayang gawin to, Jerome.. " Isa rin siya sa mga nabiktima ng mga Murderer. Pamilya niya ang napatay at hindi siya. At hanggang ngayon di pa rin niya nakakamtan ang hustisya.
" Pre, alam ko yun. Nakasinghot ata ang Janitor na yun! Napagalaman ko ring naabuso pala siya dito. Siguro'y napuno — kaya gumanti.. " Tumango na lamang siya at tinignan ang mga bag na naglalaman ng apat na bangkay. Eros Silvan — estudyante ng Chaos Memorial School. Maricar at Jason Alvarez — matanda at bata. At si Raver Sandoval — anak ng Mayor ng Killen.
YOU ARE READING
13th Station
Mystery / Thriller12 Stations. 12 na istasyon lamang ang meron sa Killen pero paano kung mapunta ka sa 13th Station? At duon na pala - ang kamatayan mo.