Sino ako?
Nagka-amnesia yata ako. Namalayan ko na lang kasi ang sarili kong naglalakad sa lugar na iyon. Madilim na pero maraming ilaw na nakabukas. May clock tower, may Chinese Characters sa street signs, at maraming singkit na naglalakad sa paligid.
Nasa China ba ako? Hindi. Baka nasa Chinatown lang.
Tiningnan ko ang malaking sign sa malakinh gusali sa tapat ng clock tower. Avenue of stars. May observation deck sa kabilang banda na kailangang akyatin. Mukhang may dagat doon. Tanaw ko ang mga nagtataasang buildings sa malayo, sa kabilang ibayo.
Sino ako? Nasaan ako? Bakit wala akong dalang bag?
May narinig akong nag-uusap. Hindi ko maintindihan. Chinese, eh. Hindi ako Chinese dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Inisip ko king anong lengguwahe ang kanina pa nagsasalita sa isip ko.
Tagalog ba ito? Pinoy ba ako?
Kinapa ko ang mukha ko. Ni hindi ko alam ang itsura ko. Ang alam ko lang, mahaba ang wavy kong buhok na kulay brown at balingkinitan ang aking katawan. Parang hindi rin ako ganoon katangkad. Siguro nasa five-two ang height ko. Tinignan ko ang braso ko para i-check ang kulay ng balat ko. HIndi ako kaputian.
Maganda kaya ang mukha ko?
Pero teka, bakit hindi ko kilala ang sarili ko?
Nakita ko ang isang lalaki at isang babaeng mukhang Amerikano na nakaupo sa isang bench sa tapat ng Avenue of Stars. Lumapit ako sa kanila at narinig ko ang usapan nila. Nakakaintindi ako ng Ingles dahil naiintindihan ko ang sinasabi nila.Nagse-selfie sila kaya gustuhin ko man silang kausapin para tanungin kong nasaan ako, hindi ko nagawa. Dedma rin naman nila ang presence ko.
Naglakad-lakad na lang uli ako para maghanap ng Amerikanong makakausap hanggang sa makaakyat ako sa observation deck. Tinanaw ko ang ang mga building na may magagandang ilaw sa likuran ng malawak na dagat sa siyudad.
Hindi lang iito isang chinatown. Mukhang nasa bansa talaga ako ng mga Tsekwa. Bakit ako naroon? Teka, sino nga uli ako?
Kumunot ang noo ko nang may makita akong isang barkong puno ng ilaw na naglalayag sa gitna ng tubig. Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang dibbdib ko nang makita iyon.
Teka. Kung pinoy ako, ano ang ginagawa ko sa isang dayuhang bansa? May dalawang babaeng tumabi sa akin sa baluster ng observation deck. Mukha silang Pinoy! Pagkakataon ko na para itanong ang kanina ko pa itinanatanong sa isip.
"Excuse me, kababayan." tawag-pansin ko sa kanila pero hindi nila ako pinapansin.
tawa nang tawa ang dalawang babae habang nakatingin sa cellphone na hawak ng isa. may pinagtatawanan sila sa facebook. Mukha raw tanga si Annie at nag post ng katangahan sa Facebook.
"Excuse me, puwede ko ba kayong maistorbo kahit sandali?" subok ko uli.
Hindi pa rin nila ako pinapansin. Prang gusto ko nang hilahin ang mga buhok nila. Suplada, kala mo snaman ang gaganda.
"Mga ateng!" Sumisinghal na talaga ako pero dedma parin sila. Naimbiyerna na ako.
" Kala n'yo naman ikanaganda n'yo yang pandededma sakin. Tse! "Inilibot ko na lang uli ang tingin, nagbaka-sakaling meron pang ibang puwedeng pagtanungan pero puro Instik na ang naroon. Wala akong choice. Kailangan kong pagtiyagaang kunin ang atensyon ng dalawang Pinay. Napilitan na akong kalabitin ang likkod ng isang babae. Pero nang idikit ko ang daliri sa likod niya, parang hindi sumayad.
Nanlaki ang mata ko. bakit hindi sumayad ang daliri ko?
Inulit ko ang pagkalabit pero tumagos ang daliri ko sa babae. Hindi kaya... multo ang mga babaeng ito?
Napaatras ako. Sa takot ay tumakbo ako palayo sa kanila. nang tumingin ako sa harap ko, natuklasan na may makaksalubong ako. Babangga ako sa kanya. Huli na para umiwas ako. Pero... hindi ako bumangga sa kanya.
Tumagos ako sa kanya!
Multo rin ang lalaki? Nanghilakbot ako habang umiikot ang tinginan ang lahat ng tao sa paligid. Puro multo ba ang mga tao sa paligid ko?May isang matanda at isang batang papunta sa direksyon ko. nahulog ng bata ang hawak niyang bola. Kumilos ang matanda na yuyukuin ang bola. On instinct tinangka kong tulungan siya. Inabot ko rin ang bola peo... tumagos ang kamay ko sa bola.
Namamangha ako habang pinapanood ang matanda sa pagkuha ng bola na hindi tumagos sa mga kamay niya. Tinignan ko ang mga kamay ko. Bakit tumatagos ang mga kamay ko sa bola?
May dalawang Chinese couple na nagdaraan. may hawak na DSLR camera ang babae. Sinubukan kong hawakan ang camera niya para siguruhin kong namamalikmata lang ako.
Tumagos uli ang kamay ko. Dahan-dahan akong umiling nang mabuo sa isip ang realisasyon.
Kaya walang pumapansin sa akin... Kaya hindi sumasayad sa likood ng Pinay ang daliri ko nang kalabitin ko siya... kaya tumagos ang kamay ko sa bola...
Isa akong kaluluwa? Hindi ako buhay? Hindi ako nakikita ng mga tao rito. Ako lang ang nakakakita sa kanila!
Napatingin ako sa isang malaking lalaking pasalubong sa akin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan para tignan kong iiwasan ako ng lalaki. Hindi siya umiwas. Tumagos siya sa akin nang dumaan siya.
Confirmed! Hindi ako buhay. Isa akong Multo!
nakarinig ako ng mga tili. ANkita ko ang mga tao na nagkumpulan sa isang bahagi ng observation deck. Nakatingin ako sa kanila. Hindi pa rin ako maka get-over sa natuklasan tungkol sa sarili.
Ni hindi ko alam kung sino ako. Mas nauna ko pang malaman na isa akong multo kaysa sa identity ko.
"What's goin' on there? " tanong ng isang lalaking Caucasian sa isang grupo ng Chinese na nakasalubong.
"There's a dead body in the water! Floating!
Kumunot ang noo ko. May lumulutang na bangkay sa dagat?